Part 58

20.6K 595 34
                                    

Hindi nakapagsalita si Allen. Parang may humaplos na init sa dibdib niya nang makita ang sinseridad at pakiusap sa mga mata nito. Bumuntong hininga siya at sandaling pumikit. Oo nakaka-bother na malaman na dalawang taon na pala siya nagtatrabaho sa gusali na ito ang may-ari. Kaya naman pala hindi siya pinapayagan ni Keith umakyat sa penthouse dahil may iba raw naglilinis doon. Tama rin si Maki na kung sinabi nito iyon agad sa kaniya nang magkita sila sa martial arts studio ay malamang lalo siyang nagalit dito.

"Allen?" mahinang tawag nito sa kaniya.

Dumilat siya, lumapit uli rito at umupo sa binakante niyang silya. "Okay. Ngayon alam ko na. Hindi naman ako galit. Pero hindi rin ako natuwa. Ipangako mo sa akin na hindi ka na gagawa ng kahit anong hakbang na related sa akin na hindi mo sinasabi. Okay ba 'yon?"

Ngumiti si Maki, inabot ang kamay niya at pinisil iyon. "I promise. Kaya may sasabihin pa ako sa'yo."

Na-tense siya. "Ano pa?"

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tutulong ako sa issue tungkol sa bahay niyo? Well, napaimbestigahan ko na ang tinatawag mong tita Babes. Totoo na malayo siyang kamag-anak ng papa mo pero hindi maganda ang record niya. Bago pa siya dumating sa buhay mo, lulong na siya sa sugal at palagi nababaon sa utang. Mukhang kaya siya naging desperada at ibinenta ang bahay at lupa mo ay dahil hinahabol na siya ng loan shark na pinagkakautangan niya. Pinagbabantaan na ang buhay niya kaya natakot na siya. Kaso nakabayad man siya gamit ang pinagbentahan niya, hindi naman naalis ang bisyo niya. Kaya ngayon nagtatago na naman pala siya dahil malaki na naman ang utang niya. Base sa report na nakuha ko sindikato pa yata ang humahabol sa kaniya ngayon. Kaya kahit wala tayong gawin, mapaparusahan din siya sa kasalanan niya soon. In fact, mas ligtas para sa'yo na huwag mainvolve sa kaniya."

Napanganga si Allen. Namamangha siya sa nalaman pero mas nakakagulat na mabilis nitong napaimbestigahan ang tiyahin niya.

"At alam ko na rin kung kanino niya naibenta ang bahay at lupa mo. In fact nalaman ko rin na kauuwi lang ng may-ari kaya puwede tayo pumunta mismo sa probinsiya para kausapin sila."

"P-paano mo nalaman lahat ng 'yan sa loob lang ng isang linggo?"

Tipid na ngumiti si Maki. "Private Investigation and Security Agency ang isa sa subcompanies ng St. Clair Holding International. Sinamantala ko na ang pagdalaw ko roon para humingi ng tulong."

Wow. Nakakaoverwhelm na parang ibang iba na talaga ang mundong ginagalawan nito. Mukhang napansin nito ang naramdaman niya kasi pinisil nito ang kamay niya. "Ako pa rin 'to, Allen. So? Ano ang gusto mo gawin? Gusto mo bang umuwi tayo sa probinsiya para harapin ang bagong may-ari o okay lang sa'yo na ako na lang muna ang personal na makipagkita sa kaniya?"

Kumurap siya. "Teka, gusto ko makausap ng personal ang may-ari pero bakit may option na ikaw lang ang kakausap? Thankful ako sa tulong mo pero 'di ba problema ko 'to?"

Ngumiwi si Maki. "Well, kilala ko kasi ang bagong may-ari ng bahay niyo."

Kumunot ang noo niya. "Sino?"

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya at bumuntong hininga. "Si Shannon."

TATLONG taon na mula nang huling tumapak si Allen sa lugar nila. Bumiyahe sila ni Maki pagsapit ng weekend gamit ang asul na pickup na hiniram nito sa kaibigan. Pagkakita pa lang niya sa arko kung saan nakalagay ang pangalan ng bayan nila ay nanlamig na siya at kinabahan. Halos buong buhay niya doon siya tumira pero nakakafrustrate na isang pangyayari lang ay nadungisan na ang masasayang alaala niya roon.

Biglang huminto sa gilid ng kalsada ang pickup kaya nagtatakang nilingon niya ang binata. "Mamaya pa ang appointment na ini-schedule ko sa abogado ni Shannon kaya may gusto muna ako puntahan. Okay lang ba?" tanong nito sa kaniya.

"Saan mo gusto pumunta?"

Tipid na ngumiti si Maki at hinubad ang seatbelt. Bababa ito ng sasakyan? Napasulyap siya sa labas. Sumikdo ang puso niya at may bumikig sa lalamunan niya. Huminto pala sila sa tapat ng flower shop. Alam na niya kung saan nito gusto pumunta. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito.

"Wait here."

"Okay."

Bumaba ito ng pickup at bumili ng dalawang basket ng bulaklak. Pagkatapos bumiyahe na uli sila papunta sa local cemetery ng bayan nila. Walang okasyon kaya halos walang katao-tao nang dumating sila roon.Tahimik silang pareho habang naglalakad. Nasa ilalim ng maliit na punong narra ang puntod ng kanyang mga magulang. Magkatabi iyon alinsunod na rin sa kagustuhan ni Allen nang mamatay ang papa niya. Nagpatong sila ng bulaklak sa bawat puntod at umupo sa damuhan sa pagitan ng mga iyon.

Pareho silang tahimik, nakatitig lang sa mga lapida. Mama, Papa, sorry po ngayon lang ako uli nakadalaw sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Isinama kop o si Maki kasi gusto niya kayo makita. Sinulyapan niya ang binata at narealize niya na kinakausap din nito sa isip ang mga magulang niya. Ibinalik niya ang tingin sa puntod ng mga magulang. "Anong sinasabi mo sa kanila?" mahinang tanong niya.

"I'm saying sorry to your mother for not being strong enough to go against her gut feeling that I will bring misfortune to you. Kasi sa huli tama ang pakiramdam niya. Nasaktan ka ng dahil sa akin. At humihingi rin ako ng tawad sa papa mo. Namatay siya dahil sa pagiging reckless ko noon. Tapos hindi ko pa siya nadalaw sa burol at hindi nahatid sa huling hantungan. Ang laki ng utang na loob ko sa parents mo at sa nakaraang mga taon, wala akong nagawa para makabayad sa lahat ng ginawa nila para sa akin."

Napalingon siya kay Maki. Sumikip ang dibdib niya nang makita ang mapait na ngiti nito. Inabot niya ang kamay nito at pinisil iyon. "Sigurado ako na napatawad ka na nila, Maki. In fact sa tingin ko hindi naman nila naisip kahit kailan na may dapat ka ihingi ng tawad sa kanila. Anak ang turing sa'yo ng parents ko lalo na si papa. At ang mga magulang hindi naman lubusang nagagalit sa anak nila 'di ba? So wipe that bitter smile off your face, okay?"

Nawala nga ang pait sa ekspresyon nito. Naging masuyo ang titig nito sa kaniya at pinisil ang kanyang kamay. Pagkatapos humarap uli ito sa puntod ng kanyang mga magulang. "Milagro na nagkita kami ulit ni Allen. I don't want to hurt her and lose her again. So I promise both of you that this time, I will always be with her. Poprotektahan ko siya at aalagaan sa abot ng makakaya ko."

Na-touch si Allen. Huminga siya ng malalim at pinisil ang kamay nito. Nang mapunta ang tingin nito sa kaniya ay nagsalita siya. "Pinapangako ko rin na palagi na akong nasa tabi mo, Maki. Pero alam mo na hindi ako ang tipong nagpapaprotekta at nagpapaalaga 'di ba? So pangako ko na poprotektahan at aalagaan din kita sa abot ng makakaya ko," seryosong sabi niya.

Napangiti ito, hinaplos ng malayang kamay ang kanyang pisngi at sinabing, "Alam kong sasabihin mo 'yan." Pagkatapos yumuko ito at magaan na hinalikan ang noo niya. "Then let's take care of each other, okay? Para hindi mag-aalala ang parents mo sa heaven," bulong nito.

May kirot siyang naramdaman sa puso niya na palagi niyang nararamdaman kapag naaalala niya ang mama at papa niya. Hindi na yata iyon mawawala pa kahit kailan. But at least the pain is bearable now. Hindi lang dahil matagal na panahon na ang lumipas kung hindi dahil nasa tabi niya si Maki na nakakaintindi sa sakit na nararamdaman niya.

Mayamaya pa tumayo na sila, nagpaalam sa parents niya at nangako na dadalaw uli. Pagkatapos magkahawak na sila naglakad palabas ng sementeryo at pabalik sa sasakyan.

"Now, let's go and get your house back," sabi ni Maki.

Huminga ng malalim si Allen at determinadong tumango.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now