Part 49

19.9K 589 12
                                    


FOR SOMEONE so guarded and untrusting, she can really sleep like a baby. Napangiti si Maki habang pinagmamasdan ang mukha ni Allen. Nakasalampak siya ng upo sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama kung saan padapang natutulog ang dalaga.

Kanina akala niya hindi ito makakatulog. Pagkasara pa lang kasi niya sa pinto ng apartment nito napansin na niyang na-tense ito. Para bang nagsisi kaagad na inimbitahan siyang manatili roon. Pero paglapat pa lang ng katawan nito sa higaan namigat na ang mga mata nito.

"Kapag may ginawa kang kalokohan habang natutulog ako, malilintikan ka sa akin," groggy na banta nito sa kaniya bago tuluyang pumikit at naghilik. Pagod na pagod nga talaga si Allen kung ganoong naghihilik ito matulog. Gusto rin niya isipin na kaya nakatulog ito ay dahil subconsciously, kahit pinipigilan nito may tiwala pa rin ito sa kaniya.

"So cute," nakangiti pa ring bulong ni Maki. Bahagya niyang pinadausdos ang katawan hanggang maisandal na niya ang ulo sa gilid ng kama. Ibiniling niya ang mukha paharap sa dalaga. Umungot ito at kumunot ang noo na parang may napapanaginipang hindi nito gusto. Nawala ang ngiti niya at parang nilamutak ang dibdib niya. Sa nakaraang mga taon palagi siya ginugulo ng mga bangungot sa gabi kaya nga naging insomniac siya dahil mas gusto niya huwag na lang matulog. Ngayon niya nasiguro na hindi lang siya ang paborito dalawin ng hindi magandang panaginip. Kahit si Allen, ginugulo niyon. How he wished it was only him.

Umungol ang dalaga at bumakas ang paghihirap sa mukha. Bumuka ang bibig nito, parang may sinasabi pero walang tunog. Umangat ang kamay ni Maki at hinaplos ang pisngi nito. "Shh. It's okay," bulong niya. Pinaraan niya ang mga daliri sa nakakunot nitong noo, kinakalma ito. "It's okay."

Unti-unti nawala ang paghihirap sa mukha ni Allen. Ang ungol nito naging buntong hininga. Hanggang naging payapa na uli ang tulog nito. Nakahinga siya ng maluwag at alanganing binawi ang kamay. Pagkatapos iginala niya ang tingin sa loob ng apartment nito. Halos walang gamit doon. Para bang tulugan lang talaga ang purpose niyon. It feels lonely and suffocating here.

Ibinalik ni Maki ang tingin sa mukha nito at hindi nakatiis na hinaplos uli ang pisngi nito.Umungol ito, kumilos at hinawakan ang kamay niya. Pagkatapos inipit nito iyon sa pisngi, bumuntong hininga at lumalim uli ang tulog. Masuyo siyang ngumiti, isinandal ang ulo sa gilid ng kama at pumikit. Sandali pa nakatulog na rin siya.

"AKALA KO ba may tinatrabaho ka? Dapat umuwi ka na kanina pa," pareklamong sabi ni Allen habang mabilis na naglalakad. Napasarap siya ng tulog at nang magising siya dalawang oras na lang bago ang taekwondo session nila ng mga bata.

"I told you, napasarap din ang tulog ko. Besides I do my work at night," kaswal na sagot ni Maki na walang kahirap-hirap na nakakasabay sa paglalakad niya.

Mariing tumikom ang bibig niya at hindi ito matingnan. Naalala pa rin kasi niya hanggang ngayon ang pagtalon ng puso niya nang pagdilat niya kanina ay natutulog na mukha nito ang una niyang nakita. Hindi lang iyon. Mahigpit pa niyang hawak ang isang kamay nito. Hiyang hiya tuloy siya, napabalikwas ng bangon at tumakbo papunta sa banyo. Hindi lang dahil kailangan na niya maligo kung hindi dahil kailangan niya ng time para kalmahin ang sarili.

Pagkatapos nang lumabas siya uli ay gising naman na si Maki, nakapaghilamos na mula sa lababo kasi basa pa ang mukha at ilang hibla ng buhok. Nginitian siya nito, nag good morning at kaswal na humiram ng tuwalya at extra toothbrush na para bang normal lang na natutulog ito sa apartment niya.

"Hindi ba muna tayo mag la-lunch? May oras pa naman yata bago ang klase mo. Hindi maganda magturo na walang laman ang tiyan."

Huminga ng malalim si Allen, huminto sa paglalakad at hinarap ang binata. "Balak mo ba akong sundan hanggang sa studio?"

Ngumiti ito, hindi apektado sa sarcasm niya. "I actually want to observe your class again. Pero mag lunch muna tayo." Kumunot ang noo niya at tatanggi sana pero naunahan na siya nito magsalita. "Allen, just think that you are giving me a favor. Sinabi ko na sa'yo kaninang madaling araw na stuck ako sa ginagawa kong project 'di ba? I need to unwind para mainspire ako ituloy ang trabaho ko. Let me tag along, okay?"

Frustrated na bumuntong hininga siya. "Okay, fine. May carenderia malapit sa martial arts studio. Doon ako kumakain bago ang klase ko."

Kumislap sa katuwaan ang mga mata ni Maki at lumawak ang ngiti. Pagkatapos hinawakan nito ang siko niya at hinila na siya para maglakad uli.

SA MGA SUMUNOD na araw dumalas na naman ang pagsulpot ng binata sa martial arts studio nila. Tuwang tuwa ang mga katrabaho niya kasi may 'eye candy' raw ang mga ito. Masaya naman ang mga bata kasi palagi itong may dalang merienda. Hindi makapagreklamo si Allen kasi kinukunsinti ito ni Mr. Kim.

Sa madaling araw naman, pagkatapos ng trabaho niya bilang janitress nakikita niya palagi si Maki sa convenience store. Ang palagi nitong dahilan ay hindi raw ito makatulog at nag-a-unwind daw ito. Pero sa tingin ni Allen gusto lang nitong ihatid siya pauwi sa apartment niya at tumambay doon hanggang mag umaga.

Naputol lang iyon nang isang hapon may tumawag sa cellphone nito. Naramdaman agad niya na hindi magandang balita ang hatid ng kausap nito. Na-tense kasi ang buong katawan ng binata at sumeryoso ang tono. "How about Montes? Is he okay? I hope she gets well soon. Pabalik na ako."

"May problema ba?" hindi nakatiis na tanong niya nang ibaba nito ang cellphone.

Huminga ng malalim si Maki at sinulyapan siya. "Yeah. My friend's girl had a car accident. Hindi naman daw masyadong malala ang injury niya pero mas matindi ang naging epekto ng aksidente sa kaibigan ko. He was too shaken up. I need to go home so that I am there when he needs me."

Nakakaunawang tumango siya. Tinapik niya ang braso nito at sinabing, "Go."

Iyon ang huling beses na nakita niya ito. Sa isang iglap, lumipas ang isang linggo. It was the longest week she ever had.

"SA TINGIN mo nagkaayos na sina Montes at Sheila?" tanong ni Keith habang nakasalampak ng upo sa long couch paharap sa glass wall ng penthouse.

"Hopefully," tipid na sagot ni Maki na nakatutok ang tingin sa cellphone. Kahapon kasi humingi si Apolinario ng payo sa kanila para maresolba ang conflict sa pagitan nito at ng ama at para malaya na nitong makasama si Sheila. It seems like the car accident really made him realize that he loves her. Binigyan niya ito ng madaling solusyon. Ang kanyang adoptive mother.

"Hindi pa ba tumatawag si Matilda sa'yo para sabihin kung saan tayo magkikita?" tanong niya kay Keith.

"Nope. Baka hindi pa lumalapag ang private plane niya."

Bumuntong hininga siya, ibinaba ang cellphone at pabagsak na umupo rin sa couch. "I want to get this over and done with. Gusto ko na makita uli si Allen."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now