Part 69

21.4K 587 47
                                    

GOD IS CRUEL. He's really cruel. Sabi nila, wala raw pagsubok na ibinibigay sa isang tao na hindi niya kaya lampasan. That a person experience a certain amount of pain because God knew that person is strong enough to handle it. Pero ilang taong mahal ba niya ang kailangan mamatay bago Niya marealize na masyado siya nitong inooverestimate? She's not strong enough to endure another loss. Not Maki. Lord, not my Maki.

"Allen!"

Dumilat siya at saka lang niya naalala na nasa hallway siya ng ospital, nakasiksik sa tabi ng pinto ng emergency room kung saan dinala si Maki kani-kanina lang. Ni hindi niya alam kung paano sila nakarating doon. Masyadong lutang ang isip niya, nag re-replay lang sa sandaling tumatama sa katawan ni Maki ang mga bala bago mabaril ng maskuladong lalaki ang asawa ni Shannon.

Maraming mga nakauniporme at armadong lalaki ang nakatambay sa hallway, nagbabantay at pumipigil sa mga taong gusto makalapit. Kahit siya ayaw payagan kanina na manatili roon at gusto siya ipa-admit sa ibang silid para ma-check up pero tumanggi siya. Hindi siya aalis doon hangga't hindi niya nasisiguro na okay ang binata. Sa huli sinabi ng maskuladong lalaki na mukhang ang leader na hayaan siyang gawin ang gusto niya. Pagkatapos may mga tinawagan ito gamit ang cellphone, paminsan-minsan tinitingnan siya.

"Allen."

Kumurap siya nang huminto sa harapan niya ang tumawag sa pangalan niya. "Ah... Keith," paos na nasabi niya nang makilala ito.

Tumalungko ito sa harap niya at ikinulong sa magkabilang kamay ang mukha niya. Halatang worried ito. "May sugat ka ba? Injury? Are you hurt anywhere?"

Marahan siyang tumango at inilapat ang isang kamay sa tapat ng puso niya. "Dito masakit," garalgal na bulong niya. "Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang hitsura niya bago siya ipasok sa emergency room. Duguan siya. Hindi gumagalaw at parang hindi na humihinga. Gustong gusto ko makipagpalit ng puwesto sa kaniya, Keith." Tumulo ang mga luha ni Allen at impit na napahikbi.

Niyakap siya ni Keith at hinaplos ang likod niya, inaalo siya. Pero alam niya na sobrang apektado rin ito sa nangyari kasi nanginginig ang buo nitong katawan. Mayamaya may bago na namang dumating. Mukhang mga kaibigan ni Maki kasi tumayo si Keith at iniwan siya sandali para makipag-usap sa mga ito.

Mahabang sandali ang lumipas bago naman naging alerto ang mga bantay ni Maki. Nagkaingay din sa floor na iyon ng ospital na para bang may dumarating na importanteng tao. Lagutok pa lang ng takong alam na ni Allen kung sino ang parating. Humahangos na sumulpot si Matilda St. Clair. Kasama nito ang maskuladong lalaki na leader ng mga nag rescue sa kanila kanina at isang magandang babae na mukhang mas bata pa sa kaniya na mukhang secretary ang attire. This time, Matilda doesn't look regal, sophisticated or authoritative. Now she really looks like her age, an old lady in her sixties. Maputla ito, namamasa ang mga mata at halata ang takot at pag-aalala sa mukha.

"Nasaan si Maki? Is he okay?" tarantang tanong nito.

"Mother, try to calm down."

"It's hard to do, Giovanni. Kailangan ko malaman ang kalagayan ng kapatid mo."

"I already told you the details on your way here, remember? Inooperahan siya sa loob. Maraming bala ang tumama sa kaniya kaya matatagalan bago maalis ang lahat ng 'yon. I am worried too but all we can do now is wait."

Napahikbi na naman si Allen nang marinig iyon. Napalingon sa kaniya si Matilda. Nagtama ang mga paningin nila. Humakbang ito palapit sa kaniya. Parang nilamutak ang puso niya kasi natatakot siya sa sasabihin nito. Paano kung iutos nito na paalisin siya? Paano niya masisiguro na okay si Maki?

"Get up."

Kumurap siya at napatitig sa kamay na inilahad nito sa harap niya. Pagkatapos tiningala niya ito.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now