Part 25

20K 579 19
                                    


BAGO mag alas dose ng madaling araw ay nakabalik na uli sa apartment ang papa ni Allen. Kaya narelax na siya at nagdesisyon nang matulog sa sarili niyang kuwarto. Si Maki kasi sa kuwarto ng tatay niya matutulog. Kahit marami siyang iniisip, madali pa rin siyang inantok at natulog.

Kinabukasan, katulad ng nakasanayan na niya, nagising siya bago pa tumunog ang alarm clock niya na naka-set ng alas singko ng umaga. Nagpunta siya sa living room, itinulak pasandal sa pader ang sofa at center table hanggang magkaroon na siya ng malaki-laking espasyo sa gitna. Sinimulan niya mag stretching. Pagkatapos ginawa niya ang kanyang martial arts routine at breathing exercises. Pawis na pawis na si Allen by the time na nag indian seat siya sa sahig para sa ten minutes meditation.

Nang dumilat siya saka lang siya naging aware sa paligid. Kasi si Maki ang una niyang nakita, nakatayo na pasandal sa saradong pinto ng kuwarto ng kanyang ama. Kumurap siya at ngumiti. "Good morning."

"Ginagawa mo 'yan araw-araw?"

Nirelax ni Allen ang kanyang katawan at tumango. "Hindi ko na magagamit sa full potential ang lower half ng katawan ko kaya ang training ko na mula noong high school ay focused sa hand combat. I also train my full body techniques para dispersed ang pressure at hindi masyadong ma-strain ang tuhod ko." Itinaas niya ang mga braso. "Gusto mo sumubok matuto ng basics?"

Hindi nagdalawang isip si Maki na lumapit sa kaniya. Inabot niya ang kanyang mga kamay at inalalayan siyang makatayo. "Do you trust me?" tanong niya nang magkapantay na ang mukha nila.

Kumurap ito, halatang nagulat sa tanong niya.

"Kailangan ng sense of trust between partners kapag nagte-training. Aikido is a gentle martial art since there are no attack techniques, only defense. Pero puwede pa rin masaktan ang gumaganap sa role na attacker lalo na kung wala siyang tiwala sa gagawa ng defense technique. Kasi kapag hindi mo ibibigay ang tiwala mo sa akin, ireresist mo ang gagawin ko at lalo ka lang masasaktan."

Kumunot ang noo ni Maki. "So what should I do?"

Ngumiti s Allen. "You need to trust me. And instead of resisting me, you need to accept me."

Matagal na nagtama ang kanilang mga paningin. Nawala ang ngiti niya at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kasi narealize niya na nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ang sinabi niya para sa kanilang dalawa.

"Okay," sagot ni Maki. "Let's do it."

Ipinaliwanag niya rito ang basic stance at ang technique na gagawin niya rito. Tumango ito at mabilis na nakuha ang instructions niya. "Ready?" tanong niya. Nang tumango ito ay mabilis niyang ginawa rito ang immobilization technique na pinaliwanag niya kani-kanina lang. When he tried to throw a punch at her she trapped his arm using her one hand while she held his shoulder with the other. She swiftly changed her stance and then she threw him to the floor.

"Ugh," ungol ni Maki pero mukhang mas sa pagkagulat at hindi sa sakit.

Niluwagan niya ang pagkakahawak sa balikat at braso nito. Pagkatapos lumuhod siya sa tabi nito. "Nasaktan ka ba?"

Nakadapa pa rin ito sa sahig pero pinihit nito ang ulo paharap sa kaniya. "Not really."

Ngumiti siya at hindi nakatiis na hinawi ang buhok nitong tumabing sa isang bahagi ng mukha nito. "See? When you trusted and accepted me, you didn't get hurt even when you fell. Hindi lang sa aikido puwede i-apply ang principle na 'to, Maki."

Napatitig ito sa mukha niya. Pagkatapos biglang naging masuyo ang facial expression nito at malawak na ngumiti. Na-caught off guard tuloy siya at nabigla nang bigla itong tumihaya ng higa, hinawakan ang braso niya at hinila siya hanggang masubsob na siya sa katawan nito. Itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang balikat nito at nanlalaki ang mga matang napatitig sa mukha ni Maki. Nakangiti pa rin ito. Ibang-iba sa ekspresyon na palagi nitong pinapakita sa kaniya sa nakaraang mga linggo. Katulad iyon nang unang ngiti na nakita niya mula rito noong five years old sila. And then he suddenly looks like the eleven-year-old boy she once knew.

Napakurap si Allen nang maramdaman niyang pumaikot ang mga braso nito sa baywang niya. Mahigpit siya nitong niyakap. "Sorry if I tried so hard to push you away. Hindi ko na uli gagawin iyon. From now on, I will trust and accept you," seryosong sabi nito.

Natigilan siya. Feeling niya pati puso niya niyakap nito kasi sumikip iyon. Tipid siyang ngumiti. "Promise?"

"Promise."

"Okay. Mula rin ngayon ibibigay ko sa'yo ang buong tiwala ko. I will accept everything about you, too."

"Alam ko."

Nagkatitigan sila at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi. Biglang naging maalinsangan. Pagkatapos nanlaki ang mga mata ni Allen nang may maramdaman siyang matigas na umumbok sa bandang puson niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya at may kuryenteng kumalat sa buong katawan niya. Narecognize iyon ng instinct niya pero ang utak niya ay slow at may pagka-ignorante, tanong ng tanong ng, Ano iyon?!

Bigla silang may narinig na ingay mula sa loob ng kuwarto ng papa niya. Pareho silang kumilos palayo sa isa't isa. Dumapa uli sa sahig si Maki, nakasubsob sa mga braso ang mukha. Mariing nakatiim ang bagang habang sunod-sunod na humihinga ng malalim. Si Allen naman umupo sa sahig at pinilit pinakalma ang facial expression kahit sa totoo lang ay nabibingi siya sa bilis ng tibok ng kanyang puso.

Ganoon ang hitsura nilang dalawa nang bumukas ang pinto at lumabas ang papa niya. "Anong ginagawa niyo diyan sa sahig?" gulat na tanong nito.

"Naabutan niya akong nag pa-practice kaya pinakitaan ko siya ng basic technique," mabilis na sagot ni Allen.

"Ah." Natutok ang tingin ng kanyang ama kay Maki na nakadapa pa rin. May pakiramdam si Allen na ang umbok na naramdaman niya ang dahilan kaya hindi ito makaharap sa papa niya. Medyo uminit tuloy ang mukha niya nang maalala iyon.

"Pero kung hindi pa kayo maliligo at magbibihis male-late kayo sa klase. Six thirty na. Pareho pa kayong gagamit ng banyo."

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na napatayo. "Naku, hindi ako puwede ma-late. Terror ang prof namin sa first class, hindi na pinapapasok ang mga estudyante kapag nauna siya sa classroom." Tumakbo siya pabalik sa kuwarto niya, humablot ng tuwalya at isusuot na pampasok at saka nagpunta sa banyo.

MAS MABILIS kaysa kay Allen ang naging paliligo at pagbibihis ni Maki kaya nakakain pa sila ng almusal na hinanda ni papa bago lumabas ng apartment bandang seven fifteen. Sa unang pagkakataon mula nang magkita uli sila, ngayon lang niya ito nakitang hindi naka hooded jacket. Suot nito ang aikido t-shirt na ibinigay sa kaniya ng training coach niya bilang graduation gift. Masyado iyong maluwag sa kaniya pero tamang tama lang sa katawan ng binata. Pero dahil hindi ito komportableng exposed ang mukha – hindi pa rin niya alam kung bakit – suot din nito ang black baseball cap niya. Still, mas maaliwalas at approachable na itong tingnan kaysa dati.

"Bakit ngingiti-ngiti ka?" sita nito sa kaniya habang naglalakad sila palabas sa kanto kung nasaan ang apartment building nilang mag-ama. Napansin yata na tingin siya ng tingin dito.

"Masaya lang ako, bakit ba?" nakangiti pa ring sagot niya.

Napatitig ito sa kaniya. Pagkatapos bigla siya nitong inakbayan at pinisil payakap. Sandali lang iyon kasi binawi rin nito agad ang braso at sinabing, "Just walk faster." Nauna ito sa kaniya ng ilang hakbang bago niya nagawang bilisan ang paglalakad at makaagapay kay Maki.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIROù les histoires vivent. Découvrez maintenant