Part 64

24.2K 798 95
                                    

PAGKATAPOS ng dinner, inikot siya ni Maki sa buong penthouse. Mas malaki at high tech pala iyon kaysa una niyang inakala. May malaki nang gym at entertainment room pero marami pa ring bakanteng silid na fully furnished. Ang opisina naman nito parang galing sa sci-fi movies, kumpleto sa makabagong computer units. Ang banyo, mas malaki pa sa apartment niya. Ngayon lang nakakita si Allen ng Jacuzzi na sa laki ay puwede magkasya kahit sampung tao. Pinakahuli nilang pinuntahan ang master's bedroom. Maluwag din iyon pero halos walang gamit sa loob. Malaking kama lang na nakapuwesto sa isang panig, bedside table na kasalukuyang puno ng kung anu-anong folder at reading lamp, mataas na closet at isang couch.

"I'm sure gusto mo mag shower bago matulog. Pahihiramin kita ng puwede mo ipalit sa damit mo," sabi nito na binuksan ang closet at nagkalkal sa loob niyon. Mayamaya inabutan na siya nito ng boxer shorts at t-shirt na pamilyar sa kaniya. "Use the bathroom. Gagamitin ko ang shower sa gym."

At pagkatapos, hihiga na sila sa kama at... Uminit ang mukha ni Allen at niyakap ang mga pinahiram nitong damit sa kaniya. Tumikhim siya. "Punta na 'ko ng banyo." Saka siya tumalikod at mabilis na naglakad palayo.

Pagkatapos niya maligo saka lang niya narealize kung bakit pamilyar ang t-shirt na inabot sa kaniya ni Maki. Iyon kasi ang damit na pinasuot niya rito noong natulog ito sa apartment nila back in college. May pangalan niya sa likod na naging dahilan kaya biniro ito ng mga kagrupo. Hindi siya makapaniwalang naitabi pa nito iyon.

Pagbalik niya sa master's bedroom nasa kama na si Maki, nakasandal sa headboard at nasa aktong ipinapasok sa loob ng drawer ang cellphone. Lumingon ito agad sa kaniya. Sumikdo ang puso niya nang pasadahan siya nito ng mainit na titig mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha niya. There is a hot promise in the way he looks at her. Kinailangan niya tumikhim para pakalmahin kahit papaano ang sarili niya. Yumuko siya at napatitig sa t-shirt na suot niya.

"Hindi ko alam na naitabi mo pa pala 'to," aniyang hinawakan ang laylayan ng t-shirt.

"Actually, ginawa ko ang lahat para makuha 'yan bago ako isama ng adoptive mother ko sa Hongkong nine years ago."

Napatingin siya rito. "Anong ibig mong sabihin?"

Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito. Humakbang siya palapit at sumampa sa kama. Pagkatapos umupo siya sa tabi nito at sumandal din sa headboard. "So? Anong nangyari noon?" curious na tanong niya.

Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. "I hate the thought of leaving without having anything that is yours. Hindi naman ako puwede bumalik sa apartment niyo kasi baka may sumunod sa akin na sindikato at mapahamak ka. So ang bahay ng mga Angeles ang pinuntahan namin ni Keith. Tinakasan namin ang mga bodyguard at abogado na bantay namin. Good thing mga kasambahay lang ang naroon. Nakuha ko ang t-shirt na 'to." Bumaba ang kamay nito sa laylayan ng damit niya. "This is a reminder of a happy time, don't you think so? Kapag nakikita ko 'to, hindi lang ikaw ang naalala ko kung hindi pati ang papa mo. The three of us were watching a movie the night I stayed over, right?"

Uminit ang mga mata ni Allen pero nagawa naman niyang ngumiti. May kirot pa rin siyang nararamdaman sa puso niya pero hindi na siya nalulungkot ngayon kapag naalala niya ang lahat. Tama si Maki. It was a happy time. Hinawakan niya ang kamay nito at pinaglingkis ang mga daliri nila. "Sabi niya panatag daw ang loob niya kapag magkasama tayong dalawa, tanda mo?"

Tumango ito at hinalikan ang sentido niya. "Kasi alam niya na hindi natin pababayaan ang isa't isa," bulong ni Maki.

Huminga siya ng malalim at inihilig ang ulo sa dibdib nito. Matagal na natahimik lang sila. Ang binata ang bumasag sa katahimikan mayamaya. "May isa pa akong naalala kapag nakikita ko ang t-shirt na 'to."

Tiningala niya ito. Nang makita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito dumaan sa isip niya ang eksena na sigurado siyang naiisip nito. Naningkit ang mga mata niya. "Naalala mo na ilang beses kita nabalibag habang tinuturuan kita ng martial arts?"

Ngumiti ito at biglang dumausdos pahiga sa kama. Pagkatapos pumaikot ang mga braso nito sa baywang niya at hinila siya hanggang nakakubabaw na siya sa katawan nito. Halos magdikit ang mga mukha nila. "Yes. And this... I always remember how our body were aligned like this that morning. I remember how I want to kiss you and touch you so badly. I remember how I had an urge to put my hands inside your shirt. Like this."

Suminghap si Allen at may masarap na kilabot na humagod sa likod niya nang maramdaman niyang humaplos ang mga kamay nito sa loob ng t-shirt niya, pataas hanggang sa upper back niya. He groaned. "I knew it. You're not wearing a bra."

Uminit ang mukha niya. "Nilabhan ko ang mga underwear ko kasi isusuot ko pa ang mga 'yon bukas eh."

Nanlaki ang mga mata ni Maki. "Then..." Bumaba ang haplos ng isa nitong kamay hanggang sa pangupo niya. "You're also bare underneath this boxers huh."

Napapikit siya sa sensasyong dulot ng mapaglaro nitong mga kamay sa katawan niya. Pero ayaw niya magpatalo. Gusto rin niya itong hawakan. She wanted to explore his body too. So she slid her hands inside his shirt and touched the bare skin of his chest, then his stomach then down to his hip bones. She stopped just an inch from his growing arousal.

Napatingin si Allen sa mukha ni Maki nang humugot ito ng malalim na paghinga. Nagtama ang kanilang mga mata. Isang segundo lang. Kasi sandali pa magkalapat na uli ang mga labi nila, mapangakin, mapusok at mainit. Pagkatapos sa isang iglap itinulak siya nito hanggang siya na ang nakahiga at ito na ang nakapatong sa kaniya. Naging impatient ang mga haplos nila sa isa't isa, hanggang namalayan na lang niya pareho na silang nakahubad. They both sighed when they are finally connected skin to skin.

Mas naging madali ang paglalakbay ng mga kamay sa katawan ng isa't isa. Mas naging mapangakit na rin ang halik nito sa leeg niya, sa balikat niya at sa dibdib niya na non-existent pero pinadama nito sa kaniya na wala siyang dapat ikapanliit. "I love them," bulong pa nito. Narating din ng mga labi nito kahit ang parte ng katawan niyang hindi niya akalain na posible palang halikan. He gave her pleasure that she never felt before. Even when he finally entered her, the pain she initially felt was sweet. That night, Maki made her feel that she's really a woman. At sa kadiliman ng gabi hindi niya napigilan ibulong dito ang matagal nang isinisigaw ng puso niya, "I love you."

Napakatamis at nakakasilaw ang ngiti na iginawad nito sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Pagkatapos masuyo siya nitong hinalikan at bumulong din, "I love you more."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now