Part 38

20.4K 665 42
                                    


DINALA siya sa isang maliit at saradong silid. Interrogation room yata iyon. Pero hindi mga pulis o kahit ang mga abogado ang umupo sa katapat niyang silya para kausapin siya. Si Matilda ang humarap sa kaniya. Hindi ito nagsalita agad. Basta pinagmasdan lamang siya, may interes sa mga mata. Weird. Nalaman ni Maki sa mga abogado na ang may-edad na babae ang may-ari ng Empress Bank. Kaya dapat magalit ito sa kaniya.

"I had you investigated. You are a foundling with a questionable nationality. At kahit na mataas ang IQ mo at perpekto ang hitsura mo, walang pamilya ang nagtangkang legal kang ampunin. I wonder why?" sabi nito mayamaya.

Mariing tumiim ang mga labi ni Maki. Bumalik sa isip niya ang huling mga salitang sinabi ng mama ni Allen. At siyempre nang maalala niya iyon ay sumulpot din ang imahe ng dalaga sa isip niya. At kasunod niyon ay ang nangyari sa papa nito kanina. The pain and grief he feels turned to anger. Matalim niyang tiningnan si Matilda St. Clair. "Because I'm unwanted, okay? Hindi ko alam kung saan ako galing. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang lahi ko. Baka nga itinapon lang ako ng tunay kong mga magulang o baka ibinenta."

"That's a cruel thought. Hindi mo ba naisip na baka hinahanap ka ng tunay mong magulang?" nakataas nag kilay na tanong ng may-edad na babae.

Mapait siyang natawa. "I doubt it. At kung totoo man, ayoko na sila makilala. Hindi na ako interesadong malaman kung bakit nawalay ako sa kanila o kung bakit naging ganito ang buhay ko, nagdadala ng kamalasan sa mga taong mahal ko. Kaya huwag na tayo mag small talk. Kung kakasuhan mo ako, kasuhan mo na ako."

Tumitig lang sa kaniya si Matilda St. Clair. Ni hindi naapektuhan sa magaspang na pananalita niya. Katunayan lalo lang kumislap sa interes ang mga mata nito, halatang gumagana ang isip, gumagawa ng kalkulasyon at nagpaplano. Mayamaya nagulat siya nang bigla itong tumayo, ngumiti at sinabing, "I like you. Sayang ka kung mabubulok ka lang sa kung saan ka dadalhin kung itutuloy ko ang pagsasampa ng kaso. I'll pick you up instead." She flicked her fingers and in an instant the door opened. Pumasok ang dalawang abogado na mabilis na kinausap ni Matilda.

Namangha si Maki nang sabihin ng may-edad na babae na hindi na nga siya nito sasampahan ng kaso, gusto pa nitong takpan ng mga abogado ng ibang impormasyon ang tungkol sa hacking incident para mabura ang involvement niya roon. Marami pa itong sinabi na related naman ang DSWD, ang mga Angeles at kahit ang mga Magsanoc. Patunay na talagang pinaimbestigahan siya nito bago pa man ito magpunta sa police station.

Bago makaalis ang mga abogado ay nagawa niya magsalita, "Anong pinaplano mo?"

Nilingon siya ni Matilda St. Clair at kompiyansang ngumiti. "You said you are unwanted, right? Well, I want you, Maki Frias. I am going to legally adopt you."

Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit?"

"Because I like you. Ah, but you still did a crime so I can't let you go unpunished. Let's see... ano ang puwede mong maging parusa kapalit ng pagkakakulong..."

Hindi pa man kinakabahan na siya. Hindi siya komportable sa paraan ng pag-iisip ni Matilda. She's too cunning and too manipulative.

"Allen Magsanoc."

Nanlamig si Maki. Pinagtama ni Matilda ang kanilang mga paningin at seryosong sinabi, "Bilang parusa sa ginawa mo sa Empress Bank, hindi mo siya puwedeng makita. You cannot go to her father's burial either."

Napatayo siya at mariing kumuyom ang mga kamao. "Kung 'yan ang kapalit, hindi ko kailangan ang tulong at awa mo. Silang dalawa lang ang mga taong nagmahal sa akin. Hindi ko hahayaang mag-isang nagluluksa si Allen. Besides I... I'm the reason why her father died."

"At ikaw ang magiging rason para mapahamak din siya kung magpapakita ka sa kaniya," biglang singit ng isa sa mga abogado. "Silly, child. Masuwerte ka na gusto ka ni Madam Matilda. Pinatawad ka niya pero hindi ka papatawarin ng sindikatong kumuha sa'yo para i-hack ang Empress Bank. They will hunt you down. They will take advantage of your weakness. At kapag nalaman nila na may taong malapit sa'yo, gagamitin nila 'yon para saktan ka. At kung magmamatigas ka at hindi tatanggapin ang tulong ni Madam, makikita ka rin nila sa kung saan ka man dadalhin kapag nagsampa na kami ng kaso. You will have a horrible life. You will no longer have a future and you will drag down other people with you. Ganoon ba ang gusto mong mangyari?"

Unti-unting nawala ang galit sa dibdib ni Maki. Napalitan ng matinding pagdurusa at kawalang magawa. Nalaglag ang mga balikat niya at napaupo uli. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. He might have a brain of a genius but everything he does always goes wrong.

"Wala ka nang ibang pupuntahan 'di ba?" narinig niya ang boses ni Keith kaya tumingala siya. Nakatayo ito sa pinto. Ngayong mas maliwanag nakita niyang sobrang payat pala nito. "Hayaan mong tulungan ka niya. Ako ang patunay na hindi niya inaabandona ang mga taong gusto niya tulungan."

"Once you are my son, I will never throw you away," sabi naman ni Matilda St. Clair na humakbang palapit sa kaniya. Tiningala niya ito at nagtama ang kanilang mga paningin. "You have a lot of potential, Maki. Pero hindi mo alam kung paano gagamitin. Akala mo rin nagdadala ka ng kamalasan at ang mag-ama na 'yon lang ang nagmamahal at mahal mo. But that is only because you surround yourself with the wrong people. Once you are under my protection, you will see the world differently. You have a chance to change your life."

Gusto niya sabihin na wala na siyang balak pang ma-involve sa kahit na sino. Na ayaw niyang mapalibutan ng mga tao. Na gusto niyang mapag-isa. Pero totoo na gusto niya ng isa pang pagkakataon. Hindi man niya makikita si Allen ngayon at baka magalit ito sa kaniya na wala siya ngayon sa tabi nito, pero baka naman balang araw, magkita sila uli. Someday, there might be a future when they can really be together. A future when he will be the one to protect her and not the other way around.

Inilahad ni Matilda St. Clair ang kamay sa harap niya. "Do you want me to save you or not?"

Lumunok si Maki. Huminga ng malalim at saka determinadong inabot ang kamay nito. Ngumiti ang may-edad na babae, naging masuyo ang ekspresyon at may kakaibang emosyon na kumislap sa mga mata. Sa hinaharap, marerealize niya na isa iyon sa kakaunting pagkakataon na makikita niyang ganoon si Matilda St. Clair. Matagal pa rin bago niya malalaman ang kahulugan ng emosyon na iyon sa mga mata nito. Pero sa mga sandaling iyon, isang bagay lang ang nasiguro niya. Ibibigay niya ang buong tiwala at katapatan niya rito.

So he became Maki St. Clair, Matilda's newest heir.

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na talaga niya nakita pa uli si Allen. Until few years later. Katulad ng dati, coincidence na naman ang naglapit sa kanilang dalawa.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now