Part 29

18K 479 7
                                    


TWELVE years old si Maki nang isaoli siya ng foster parents niya sa bahay ampunan kasi magkakaroon na ang mga ito ng sarili at tunay na anak. Ilang linggo siya nagmukmok kasi masama ang loob niya na napahiwalay siya sa mag amang Magsanoc at sa mga kaibigan ni Allen na naging kaibigan na rin niya. Bukod sa pagsapit ng gabi, kapag matutulog na siya, bumabalik sa isip niya ang mukha ng mama ng dalagita. Naalala niya ang huling beses na nakita niya ang may-edad na babae bago ito itakbo sa ospital at bawian ng buhay.

Hindi niya nasabi noon kay Allen at lalo na sa ama nito pero nakapag-usap sila ni Lorena Magsanoc bago ito itakbo sa ospital. Nang sabihin nito na magluluto ito ng pagkain ay sumunod si Maki sa kusina para tumulong. Iyon ang unang beses na napagsolo sila ng babae na noon pa niya alam na hindi komportable sa presensiya niya. Pero hindi siya sumusuko na makuha ang loob nito kasi ayaw niyang hindi siya gusto ng mama ni Allen.

Kaya nagulat siya nang titigan ni Lorena ang kanyang mukha, mabait na ngumiti at nag-sorry sa kaniya. Tinanong niya ito kung para saan. Umiling ito, hinaplos ang ulo niya at imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi. "Sana balang araw, malaman mo kung saan ka talaga nanggaling at kung sino talaga ang mga magulang mo. Kasi kung hindi, habambuhay na magkakaroon ng espasyo 'dyan." Tinapik nito ang dibdib niya. "At kahit gaano mo pa subukan, palaging may kulang. A person without his roots can bring misfortune. Hindi lang sa sarili niya kung hindi pati na sa mga taong mahal niya at magmamahal sa kaniya. At least 'yon ang sabi ng lola ko noon. Pasensiya ka na, Maki. Lumaki at tumanda na akong mapamahiin. Sorry kung hindi ako naging mabait sa'yo mula pa noon."

Natatandaan niya na napatitig lang siya sa nakangiting mukha nito. Masuyo pero may bahid ng lungkot. Kasi siguro alam nitong naintindihan niya ang mga sinabi nito. Na hindi ito komportable sa kaniya kasi naramdaman nitong naghahanap siya ng pupuno sa espasyong nabakante nang nabura niyang alaala. She was able to see through the darkness inside him, that part that keeps on wondering where he really came from. At natatakot ito na baka maisama niya sa kadiliman na iyon si Allen. Na baka sa sobrang pagkakalapit nila ng dalagita, maranasan din nito ang sakit at paghihirap na nakabuntot sa kaniya.

Kaya nang makabalik siya sa ampunan, naisip ni Maki na tama lang siguro na malayo siya kay Allen. Baka mas magiging masaya ito kapag wala siya sa tabi nito. Naisip niya na mas titiisin na niya kahit siya ang pinakamatanda sa ampunan. Sumuko na rin siya na may pamilyang willing na ampunin talaga siya. Alam niya na doon na siya mananatili hanggang umabot siya sa edad na puwede na siya magtrabaho at magsarili. Mas gusto na niya 'yon kaysa maging pabigat na naman siya sa ibang tao.

Pero isang araw, pinatawag siya sa opisina ng orphanage head. May bisita roon, isang may-edad na lalaki na nakasuot ng police uniform. Nagulat siya nang malaman na willing itong kupkupin siya bilang foster son. Nang iwan silang dalawa para makapag-usap hindi na nakatiis si Maki. Tinanong niya kung bakit siya ang gusto nitong kupkupin at hindi ibang bata na higit na mas bata kaysa sa kaniya. Seryoso siya nitong tinitigan at sinabing, "You are the right age and you also have the right name. You are perfect for it."

That time, hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Hanggang dalhin na siya nito sa mansiyon ng mga Angeles at papasukin sa master's bedroom para makita ang magiging foster mother niya. Nagulat siya nang makita ang may-edad na babaeng nakahiga sa kama, payat, maputla at tulala.

"Debbie, sweetheart, Macky is here. Our son is here to see you."

Biglang kumurap ang babae at mabilis na lumingon sa kanila. Nagulat siya at muntik na mapaatras kung hindi lang nakalapat ang malaking kamay ni Joey Angeles sa likod niya. May kakaiba kasi sa mga mata ng may-edad na babae nang tumitig sa kaniya.

"My Macmac? Ikaw ba talaga 'yan?" usal ni Debbie.

My Macmac? Kumunot ang noo ni Maki kasi may pakiramdam siyang hindi siya ang tinatawag nito. Kasi ngayon lang naman niya ito nakita. Kumurap siya at napatingala sa bago niyang foster father nang marahan siya nitong itulak palapit sa kama. "Go on. Hug your mother, Macky." Nalilito pa siya noon pero tumalima.

Bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ang may-edad na babae, hinawakan ang magkabilang pisngi niya at biglang umiyak. "My son..." Niyakap siya nito, pinaghahalikan ang buo niyang mukha at paulit-ulit na sinabing, "You're here. Sabi ko na nga ba at babalik ka sa piling ko, anak. I was so sure that you are alive. Hindi ka na mawawalay sa piling ko, Macky."

Eventually, naintindihan din niya ang sitwasyon. Nang ihatid siya ng foster father niya sa kanyang magiging silid, ipinaliwanag nito ang lahat. Na ang dahilan kaya siya nito inuwi sa bahay na iyon ay para sa ikabubuti ng kalusugan ng asawa nito. Isang buwan pala ang nakararaan, namatay sa isang traffic accident ang bunsong anak ng mga Angeles. Magkapareho sila ng edad. Pareho silang maputi at mas matangkad kaysa sa iba. Pareho rin sila ng pangalan pero iba lang ang spelling. Kung siya ay Maki, ang namatay daw na anak ng mga ito ay Macky.

Mula raw nang mamatay si Macky nalugmok sa depression si Debbie Angeles. Hindi raw nito matanggap ang pagkawala ng anak nito. Katunayan, hindi ito naniniwala na patay na ang anak nito. Pinatingin na raw ng mga ito sa doktor ang babae na nagkaroon ng mental illness sa sobrang pagluluksa. Walang gamot o counseling ang makapagpagaling dito. Kaya naisip ni Joey Angeles na umampon ng isang batang lalaki na magiging kapalit ng namatay na anak ng mga ito. Pansamantala lang daw. Hanggang sa mapagaling lang daw ng mga doktor si Debbie.

"The fact na hindi siya nagdalawang isip na kilalanin ka bilang ang anak namin kahit hindi kayo magkamukha ni Macky ay patunay na talagang kailangan niya ng tulong para gumaling siya. Hanggang sa bumalik ang dating kalusugan niya, hanggang magkaroon na ng epekto ang gamot at counseling sa kaniya at hanggang matanggap niya na talagang wala na ang anak namin, dito ka muna titira. I promise I will provide you with everything you need and want. Just be her son."

Alam ni Maki sa mga sandaling iyon na kahit tumanggi siya ay wala siyang magagawa. May determinasyon sa facial expression ng foster father niya na alam niyang hindi mababali kahit na umiyak siya at mag demand na ibalik siya nito sa ampunan. Kaya tumango siya at mula sa araw na iyon ay naging bahagi ng pamilya Angeles.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now