Part 35

18.9K 503 13
                                    


MAULAN kinabukasan. Umalis si Allen ng apartment na hindi nakakatanggap ng tawag o text man lang mula sa kanyang ama. Kahit distracted, nagawa niyang maka-survive sa morning classes niya. Alam niya na napansin ni Carla na gloomy siya at may ibang iniisip pero ayaw niyang idamay ito sa mga alalahanin niya kaya pinipilit niyang ngumiti at sinasabi rito na walang problema.

Bandang tanghali, habang naglalakad sila ng kaibigan niya papunta sa paborito nilang kainan sa loob ng campus, nakasalubong niya si Peter. Nang magtama ang kanilang mga paningin nasiguro niya na hindi lang coincidence ang pagkikita nila. Sinadya siya nito puntahan. Kumabog tuloy ang dibdib niya nang huminto ito sa harapan niya.

"Alam mo na ba kung nasaan si Maki?" straight to the point na tanong nito.

"Hindi pa pero nagpatulong na ako sa papa ko para hanapin siya. Bakit?"

Huminga ng malalim si Peter. "He must be in trouble. May natanggap kaming balita kagabi na may nakakita sa kaniya sa isang convenience store. May mga kasama siya. Mga officer ng kalaban naming fraternity. Those guys are bad news. Kilala silang tumatanggap ng raket mula sa kung sino-sino. Kadalasan illegal ang ginagawa nila. Ilang beses na silang tinangkang buwagin ng student council at school admins pero palagi sila nakakalusot. Kung sumama si Maki sa kanila para sa kung anong raket, hindi siya basta makakalabas sa grupo na 'yon. Masyado silang madugas at walang isang salita."

"Anong puwede nating gawin?" kabadong tanong ni Allen.

Si Carla na nakikinig sa usapan nila ay mahigpit na kumapit sa braso niya, namumutla ang mukha. "Humingi tayo ng tulong sa pulis."

"Kapag humingi kayo ng tulong sa pulis, hindi ko makukumbinsi ang grupo namin na tumulong. Hindi kami puwede ma-involve sa mga parak. Suspension o expulsion ang katumbas 'non para sa amin."

Kumuyom ang mga kamao ni Allen. Siyempre mas mahalaga sa grupo nito ang kaligtasan ng marami kaysa kay Maki. Kaya dapat hindi siya masyado umasa sa mga ito. "Sa tingin mo saan ko sila makikita?"

"Allen!" takot na sabi ni Carla.

Nagkatitigan sila ni Peter. "Delikado."

"Basta wala silang baril, kaya ko ang sarili ko."

Ilang segundo ang lumipas bago ito bumuntong hininga. "Bigyan mo ako ng masusulatan. Ibibigay ko ang mga alam naming tambayan nila. Ibibigay ko rin sa'yo ang cellphone number ko. Kukumbinsihin ko ang officers o kahit sino sa mga grupo namin na tumulong sa paghahanap kay Maki. Kapag nakita mo siya, itext o tawagan mo ako."

Dumukot siya ng papel at ballpen. Pagkatapos nito isulat ang mga impormasyon na kailangan niya ay nagpaalam na ito.

"Allen, please don't do something dangerous. Don't be reckless," worried na sabi ni Carla nang silang dalawa na lang uli.

"Don't worry. Hindi ako susugod sa mga lugar na ito nang walang backup. Pulis ang tatay ko."

Para bang may telepathy silang mag-ama kasi nag-ring bigla ang cellphone niya at pangalan nito ang nasa screen. Mabilis niyang sinagot ang tawag. "Nasa campus ba si Maki?" tanong agad ng papa niya.

"Wala po. Pero may ideya na ako kung saan siya puwede makita." Inulit niya sa kanyang ama ang mga sinabi ni Peter. Natigilan lang siya nang marinig niya ang mahina pero marahas na pagmumura nito sa kabilang linya. Nagulat siya at nataranta kasi hindi nagmumura ang papa niya kapag alam nitong maririnig niya. Maliban na lang kung stressed ito o natatakot. "Papa? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Narinig niya ang marahas na buntong hininga nito. "Nasa opisina ako ng foster father niya kaninang umaga nang may matanggap kaming report. Hindi ko alam kung napanood o nabasa mo sa balita pero may nangyaring hacking incident sa isang bangko kahapon. Kinontak kami ng security department ng kompanya para sabihin na alam na nila ang identity ng hacker at kailangan nila ng police support para sa pag aresto. Allen, hindi ko alam kung anong imbestigasyon ang ginawa nila at kung nakakasiguro ba talaga sila pero... si Maki ang suspect nila."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now