Part 23

19.8K 556 12
                                    


SHIT. ANO bang ginagawa ko? Iritable si Maki habang nakasandal sa pader ng guardhouse na nasa tabi ng main gate ng University campus. Bakit ba kahit anong gawin niya hindi niya matiis si Allen? Bakit kapag ito na ang nagsabi, nawawala ang pagmamatigas niya. Kung tutuusin puwede naman siyang huwag sumipot sa usapan nila. Kung gugustuhin niya, puwede niyang ipakita rito kung gaano siya kasamang tao para tigilan na siya nito.

Pero hindi niya magawa. Sa nakaraang mga araw, kahit hindi siya nag rereply ay binabasa niya ang pinapadala nitong text kada thirty minutes. Her simple messages became the highlight of his days. At kahit naiinis siya sa sarili, nagsimula niyang kasabikan ang pagsapit ng sabado.

Kaya ngayon ay naroon siya sa guardhouse. Kasi kahit si Allen pa ang nag demand na magkita sila sa gate, wala pa rin siyang balak tumayo sa lugar na maraming taong makakakita sa kaniya. Kaya ngayon nakatutok ang tingin niya sa mga estudyanteng dumadaan, inaabangan ang dalaga.

Mayamaya pa nakita na niya ito na naglalakad papunta sa direksiyon ng gate. Kaso kasabay nito ang babae na palagi nitong kasama kapag nakikita niya ito. Huminto sa mismong tabi ng gate ang mga ito at nakita niyang lumilingon-lingon si Allen. Hinahanap siya. Nang hindi siya makita ay nalaglag ang mga balikat nito at bumakas ang lungkot sa mukha. Parang nilamutak ang sikmura ni Maki. Mabilis na nagpaalam siya sa guard na mula pa noong high school siya ay kasundo na niya. Pagkatapos naglakad siya palapit sa dalaga.

Lumingon agad sa kaniya si Allen. Na-sense agad ang presensiya niya. Lumiwanag ang mukha nito at malawak na ngumiti nang matutok ang tingin sa kaniya. Hindi pa nakuntento, masigla pa itong kumaway at sumigaw nang, "Maki!"

Ngumiwi siya, mabilis na lumapit at hinawakan ang tuktok ng ulo nito. "Huwag mo isigaw ang pangalan ko."

Tumawa ang dalaga. "Sorry. Na-excite lang." Tiningnan siya nito deretso sa mata at masuyong ngumiti. "Matutuwa si papa kapag nakita ka niya uli. Ilang araw na niya ako kinukulit eh."

Bumuka ang bibig niya para magsalita pero hindi na niya natiis pa ang kasama ni Allen. Nanlalaki kasi ang mga mata ng babae at nakanganga habang nakatitig sa kaniya. Sinulyapan niya ito.

"Oo nga pala. Blockmate at kaibigan ko, si Carla. Pareho kayo ng high school."

Tumango lang siya bago ibinalik ang tingin kay Allen. "Let's go." Nagpaalam ito kay Carla na tumango lang at mangha pa ring nakatitig sa kaniya hanggang maglakad na sila palayo.

Tama ito nang sabihin na walking distance lang ang apartment kung saan ito nakatira kasama ang ama. Nagkukuwento ito habang naglalakad sila kaya nalaman ni Maki na pinaupahan ng mga ito ang bahay sa probinsya. Nalaman din niya na mag siyota na sina Francis at Rose Amory mula pa raw noong third year high school. Marami pa itong kuwento at parang balewala rito kahit na hindi naman siya sumasagot o nag rereact man lang. It reminds him of when they were five. Noong hindi pa siya nakakapagsalita. Natatandaan niya na palagi rin siya nitong dinadaldal noon.

Bigla siyang napalingon kay Allen nang bigla itong suminghap at huminto sa pagsasalita. Nakatitig ito sa kaniya. Parang gulat. "Nakangiti ka."

Si Maki naman ang nagulat. Pinakiramdaman niya ang sarili. Shit. Nakangiti nga siya. Tumikhim siya at mabilis na sumeryoso. Natawa si Allen at lumiko sa isang kanto. May isang three-storey building doon. Umakyat sila ng hagdan at huminto sa tapat ng unang pinto sa second floor. Sunod-sunod na kumatok ang dalaga. Pagkatapos nilingon siya nito at ngumisi. "Are you ready?"

Umangat ang mga kilay niya. "Ready for what?"

Biglang bumukas ang pinto at napunta sa matandang lalaki ang atensiyon niya. Natigilan siya, nawala ang pagmamatigas at bumaba ang depensa. Kasi kahit hindi na ito kasing laki at kasing bata na katulad ng naalala niya, ganoon pa rin ang mukha ni Jovit Magsanoc. Malawak itong ngumiti at kumikislap sa katuwaan at pagmamahal ang mga mata. "Ikaw na ba si Maki? Ibaba mo nga 'yang nakatakip sa ulo mo at nang matitigan kitang maigi."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now