Part 12

21.5K 631 40
                                    


ANG HIRAP maging bata. Kahit na nakikita ni Maki na nasasaktan at umiiyak ang matalik niyang kaibigan, wala siyang magawa. Ni hindi siya puwedeng mag stay ng matagal sa tabi nito kasi nga bata pa siya at kailangan sumunod sa gusto ng mga nakatatanda. Nang dumating ang tatay ni Allen para sabihin na patay na ang mama nito, hindi na sila kinailangan ni Francis sa bahay ng mga Magsanoc. Ang ama pa ng dalagita ang kusang tumawag sa foster parents niya, sinabi ang balita at nakiusap na sunduin siya.

Mula noon hindi pumasok sa school si Allen. Kahit gusto niyang araw-araw pumunta sa bahay ng mga ito kung saan nakaburol ang ina at kapatid nito, dalawang beses lang niya nagawa. Ang unang beses kasama niya ang mga guro at ibang kaklase at ang pangalawa kasama naman niya ang foster parents niya.

Sa tuwing nakikita niya si Allen na nakasuot ng itim at palaging namamaga ang mga mata, parang nilalamutak ang puso niya. Hindi siya nakalapit dito sa unang beses na pagpunta niya kasi halos lahat ng teacher at classmates nila gustong kausapin ito para ipakita ang pakikiramay. Sa pangalawang pagdalaw na lang nagkaroon ng pagkakataon si Maki na malapitan ang dalagita. Nagkatinginan sila at may bumara sa lalamunan niya nang malungkot itong ngumiti. Inilahad nito ang kamay at walang pagdadalawang isip na hinawakan niya iyon. Mahigpit ang hawak nito, tahimik na humihingi ng lakas at suporta.

Magkatabi silang tumayo sa isang sulok, malayo sa mga taong nagkalat sa loob at labas ng bahay ng mga ito. Matagal na hindi sila nagsasalita. Pero sa huli, ang kagustuhan ni Maki na marinig ang boses ni Allen ang dahilan kaya nauna siya magbukas ng usapan. "Sino-sino sa kanila ang mga kamag-anak niyo?"

Umiling ang dalagita. "Wala. Parehong solong anak sina papa at mama at patay na ang mga lolo at lola ko. May mga malayong kamag-anak pero wala akong nakilala kahit isa lang sa kanila buong buhay ko. Puro kapitbahay lang ang nandito."

Napatitig siya sa mukha nito. "Ibig sabihin..."

Tumingin din ito sa kaniya at malungkot na ngumiti. "Ibig sabihin kaming dalawa na lang ni papa ang malapit na magkapamilya sa mundong 'to."

Humigpit ang hawak ni Maki sa kamay nito. Kasi alam niya ang pakiramdam na walang kadugo. He knew how it feels to have no real family to belong to. Ayaw niyang maramdaman ni Allen ang emptiness, sakit at lungkot na nararamdaman niya mula pa noong five years old siya. "Kahit na papa mo na lang ang pamilya mo, nandito pa rin naman ako," mahina at seryosong sabi niya. "Palagi akong nandito para sa'yo, Allen."

Ngumiti ito pero tahimik na tumulo ang mga luha. Ang sakit para kay Maki na makita iyon kasi sa alaala niya, matapang, malakas at masayahin si Allen Magsanoc. Mga katangian na pinagsisikapan pa rin niyang magkaroon siya. She was his childhood hero. And she will always be.

ILANG LINGGO ang lumipas pagkatapos mailibing ang nanay at kapatid ni Allen pero hindi pa rin bumabalik ang dating sigla nito. Nagagawa na nito ngumiti pero napansin ni Maki na hindi na ito uma-attend ng taekwondo practice kahit na dapat ay naghahanda na ito para sa national competition.

Sa tuwing sinusubukan niyang buksan ang topic tungkol doon umiiwas agad ito. Iniiba ang usapan o kaya maglalambing na kakapit sa braso niya at sasabihing, "Mabuti na lang nandito ka. Hindi tayo magkakahiwalay 'di ba?"

Noong mga unang araw, ngingiti si Maki at walang pagdadalawang isip na sumasagot ng, "Oo naman."

Kaso lampas isang linggo pagkatapos mailibing ang nanay ni Allen, nagbago ang lahat. Kasi isang hapon nang umuwi siya sa bahay, may gumulat na balita kay Maki. Naabutan niya ang foster parents niya na parehong nasa bahay kahit na dapat may pasok ang mga ito sa araw na iyon. Nasa sala ang mga ito, magkayakap at halatang masayang masaya. Sa sobrang saya ni hindi namalayan ng mga ito na nakauwi na siya.

"Sa wakas, nagkatotoo na rin ang sampung taon na nating dinadasal," nakangiting sabi ng foster mother niya na pinahid ang luha sa gilid ng mga mata.

Ang foster father naman niya hinaplos ang tiyan ng asawa na noon lang napansin ni Maki na medyo nakaumbok. "Magkaka-baby na tayo sa wakas. Nakahabol pa tayo, honey. Tama ang sabi ng lola mo. Dapat noon pa ako nakinig sa pamahiin nila na para magkaanak tayo kailangan natin mag ampon at mag-alaga ng bata kahit pansamantala lang. Noon pa sana tayo nagkaroon ng anak."

Naintindihan agad ni Maki ang ibig sabihin ng nakikita at naririnig niya sa mga sandaling iyon. Magkakaroon na ng totoong anak ang foster parents niya at dahil doon hindi na siya kailangan sa buhay ng mga ito. Sumikip ang dibdib niya sa matinding sakit at rejection na naramdaman niya. Kasi alam niyang katulad ng mga nauna, itatapon siya pabalik sa ampunan ng mga ito. At si Allen... magkakahiwalay na naman sila. Tahimik siyang umatras palayo sa sala, palabas ng bahay, hanggang tumatakbo na siya, walang partikular na lugar na mapuntahan. Gusto niyang sumigaw ng pagkalakas-lakas pero nanatiling nakabara sa lalamunan niya ang tunog. Because again the truth was obvious. He doesn't belong anywhere.

SA UNANG linggo ng marso, buwan ng elementary graduation, may dumating na dalawang tauhan ng DSWD sa bahay ng foster family ni Maki. Parang nilamutak ang puso niya kasi alam na niya ang ibig sabihin niyon. Isasauli na siya ng ilang buwan niyang naging mga magulang. Nakita niya ang katotohanan sa mukha ng mga taga DSWD at ang tingin ng mga ito sa kaniya na puno ng simpatya, panghihinayang at pagkadismaya. Hiyang hiya siya kahit hindi niya alam kung bakit. Kaya yumuko na lang siya at tahimik na umupo sa isang tabi habang nag-uusap ang mga nakatatanda.

Ayon sa napag-usapan, mananatili siya roon hanggang graduation. Nakapag-usap daw ang foster parents niya at ang school adviser niya kaya alam ng mga ito na naipasa niya lahat ng entrance exams sa science at laboratory high schools na pinasahan niya ng application form. Pero depende pa rin sa DSWD o sa susunod niyang foster family kung saan siya papasok. Marami pang pinag-uusapan ang mga ito pero hindi na inintindi ni Maki. Basta nakakuyom lang ang kanyang mga kamao, may pagrerebelde, frustration, sama ng loob at helplessness na kumukulo sa dibdib. Kasi wala pa siya sa tamang edad para gumawa ng desisyon para sa sarili niya. Kasi wala siyang choice kung hindi ipagkatiwala ang buhay niya sa mga taong hindi naman talaga nagpapahalaga sa kaniya.

Ang pinakamasakit at pinakamahirap sa lahat ay ang sabihin kay Allen ang totoo. Unti-unti pa lang bumabalik ang dati nitong sigla. Unti-unti pa lang nagiging totoo ang dati pilit nitong mga ngiti. Kaya hindi niya alam kung paano magpapaalam sa dalagita.

Sa huli dumating ang araw ng graduation. Ang huling pagkakataon para masabi niya rito ang totoo kasi kinabukasan babalik na ang mga taga DSWD para sunduin siya. Ayaw sana niyang sirain ang masayang araw na iyon pero kailangan niyang gawin. So he braced himself and decided to finally say goodbye.

Alas sais na ng gabi nang matapos ang graduation ceremony. Lumapit siya kay Allen na nakangiti siyang niyakap ng mahigpit at binati siya kasi siya ang naging valedictorian. Gumanti siya ng yakap, sandaling pumikit, huminga ng malalim at bumulong sa tainga nito, "Thank you. Naging masaya at memorable ang nakaraang mga buwan para sa akin dahil sa'yo. Hinding hindi ko 'to makakalimutan."

Naramdaman ni Maki na na-tense ang babae. Dahan-dahan nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya hanggang makita na nila ang mukha ng isa't isa. "Bakit ganiyan ka magsalita?"

May bumara sa lalamunan niya at ang bigat ng pakiramdam niya. "Sorry, Allen. Hindi na ako dito titira mula bukas. Babalik na ako sa ampunan habang naghihintay na mayroon uling foster family ang willing kumupkop sa akin."

Bumuka ang bibig nito at kumislap sa sakit at panic ang mga mata nito. Mahigpit nitong hinawakan ang mga braso niya. "Aalis ka? Iiwan mo na naman ako?"

Humapdi ang mga mata ni Maki at parang may lumalamutak sa puso niya. "Sorry."

Namasa ang mga mata ni Allen at nanginig ang mga labi. "Sinungaling ka. Nag promise ka na hindi ka aalis sa tabi ko."

"Sorry."Sinuntok nito ang dibdib niya pero walang puwersa iyon. Tumulo ang mga luhanito. "Sorry," ulit niya, umiiyak na rin. Inihilig nito ang noo sa balikat niyaat umiyak. Paulit-ulit siyang nag-sorry kasi iyon lang ang kaya niyang gawin.Nanatili silang nakatayo sa isang tabi, napapalibutan ng mga taong masaya atnagse-celebrate, habang silang dalawa ay parehong miserable.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now