Part 41

20K 609 8
                                    


HUMINGA ng malalim si Maki habang nakatingin sa lumang signboard ng Mr. Kim Martial Arts Studio. Pagkatapos lumingon siya sa likuran niya kung saan naka-park ang itim na hi-lux na ginamit niya para magpunta roon. Nasa likod niyon ang LCD screen na ibibigay niya. Ngumiwi siya at napahawak sa baseball cap na suot niya. Hindi naman kasi dapat siya ang mag de-deliver ng tv na iyon. Kaso nang masabi niya kay Keith na teacher pala roon si Allen ay tumanggi itong tulungan siya.

"You're on your own, Maki. Hindi kita tutulungan sa bagay na 'yan. Dapat masanay ka na uli makisalamuha sa iba. Isa pa, panahon na para harapin mo siya. She's important to you, right? Abot kamay mo lang siya kaya huwag ka magsayang ng oras sa pagkukulong sa penthouse." Iyon ang sinabi nito bago siya itaboy kasi may hinahabol daw itong deadline. Kaya sa unang pagkakataon sa nakalipas na siyam na buwan, tumawag siya at nakipag-usap sa isang tao na hindi si Keith o si Matilda St. Clair.

Si Mr. Kim na mismong may-ari ng martial arts studio ang nakausap niya sa telepono. Ipinaliwanag niya rito ang tungkol sa koneksiyon niya kay Yona at sa iba pang mga batang mahilig maglaro sa playground. Para rin hindi ito ma-weirdohan sa kaniya, kahit labag sa loob ni Maki ay binanggit niya ang charity event for kids na minsan nilang ginawa sa park na paborito niyang tambayan. Matagal bago niya nakumbinsi si Mr. Kim na wala siyang ibang motibo kung hindi tumulong lang. Maybe he sounded like a conman so he was wary of him. Si Keith kasi ang mas magaling makipag-usap sa ibang tao at hindi siya. Kung hindi lang siya nakapangako na kay Yona, baka hindi na niya iyon itinuloy.

Mabuti na lang, bago pa siya sumuko kasi sobrang na-de-drain siya sa pakikipag-usap kay Mr. Kim, tinanggap din nito ang alok niyang tv. Nang maibaba niya ang telepono ay nanghihina pa niyang nasubsob ang mukha sa lamesa. Butil butil ang pawis niya sa noo at batok. Was it always so tiring to talk to a stranger?

"For an extreme introvert, that's a good job Maki." Naalala niyang biglang sinabi ni Keith na hindi niya namalayang nakatayo pala sa may pinto ng opisina niya at ngiting ngiti. Pinanood pala siya nito habang nakikipag-usap sa telepono. Bastard. Ni ayaw nitong i-deliver ang tv at magpanggap na siya. Gusto kasi ni Mr. Kim na makita ng personal ang gusto mag donate para sa studio nito. Sinubukan niya rin kontakin sina Trick, Benedict at Apolinario kasi ang mga ito lang naman ang personal niyang nakakausap na residente ng Bachelor's Pad. Kaso busy ang mga ito. So he had no choice but to show himself.

Huminga uli siya ng malalim at pinagmasdan ang lumang gusali kung saan naroon ang martial arts studio. Tatlong floor lang iyon at mukhang mas luma pa sa building ng Bachelor's Pad bago nila irenovate. Malapit lang iyon sa park na tambayan niya, nasa boundary ng middle class part ng Makati. In fact ilang block lang iyon sa likurang side ng convenience store kung saan niya madalas makita si Allen sa nakaraang dalawang taon.

Nasa ground floor ang studio kaya at least hindi na niya kailangan buhatin ang tv na dala niya paakyat ng hagdan. Lumapit siya sa pinto at kumatok. Mayamaya pa bumukas iyon at lumabas ang isang may-edad na lalaki. Koreano kaya alam niyang ito si Mr. Kim. May puti na ang buhok pero matikas pa rin ang pangangatawan. Namilog ang singkit nitong mga mata nang matitigan ang mukha niya. Pero sandali pa ngumiti na ito.

"Ikaw si Maki. Hinihintay kita." Inilahad nito ang kamay.

Sandali siyang nag-alangan bago tinanggap ang pakikipagkamay nito. Pinagmasdan niya itong maigi. Tumaas ang mga kilay nito. "Bakit?"

"Ah... nagulat lang ako na deretso ka magtagalog. I didn't expect it since you look like a pure Korean," komento niya.

Ngumiti ang matandang lalaki. "Ipinanganak man ako sa Korea pero nang maliit ako lumipat dito sa Pilipinas ang pamilya ko dahil sa negosyo. Dito ako lumaki at nag-aral hanggang high school. Kahit nang bumalik ako sa Korea, marami akong kaibigang Pilipino na doon nagtatrabaho. At nakakahiya man aminin noong bata-bata pa ako pero kahit noon mahilig ako sa pelikula at teleserye na gawa dito. Kaya sanay akong magtagalog. Ikaw din naman, hindi ka mukhang pinoy pero magaling ka rin magtagalog."

Nagkibit balikat siya. "It's because I grew up here."

Ngumiti na naman ito at iniba na ang usapan. Sa mga sumunod na sandali nagpasalamat ito sa pagbibigay niya ng flat screen tv para sa studio nito. Pagkatapos magkatulong nilang binuhat iyon papasok sa loob. Bukod pala sa mismong espasyo kung saan ginagawa ang taekwondo lessons ng mga bata ay may ilang mga silid pa roon. Ipinasok nila sa isang kuwarto ang tv at siya na rin ang nagkabit at nag set up niyon. Nang mapagana iyon nagdesisyon si Maki na aalis na pero pinigilan siya ni Mr. Kim.

"Mag tsaa at merienda muna tayo. At hayaan mo namang pasalamatan ka ng mga bata. Regalo mo sa kanila ang dala mo, 'di ba?"

Nailang si Maki pero hindi rin naman nakatanggi sa alok ng may-edad na lalaki. He has always been weak against older people. Siguro kasi hindi niya nakilala ang tunay niyang mga magulang. Kaya nga ngayong may tinuturing na siyang ina ay push over siya pagdating kay Matilda.

"Let's go, Maki."

Bumuntong hininga siya at tumango. Ngumiti ito at pinagmasdan siya. "Hindi ka masalita, ano? Kahit noong magkausap tayo sa telepono naramdaman ko na hindi ka sanay makipag-usap. Pero sa tingin ko naman mabuti kang tao. At gusto kong malaman din 'yon ng mga bata. Kaya gusto kong magpakita ka sa kanila."

Namulsa siya at nag-iwas ng tingin. "Hindi ko 'to ginawa kasi gusto ko mapasalamatan. Gusto ko lang sila mapasaya."

Lalong lumawak ang ngiti ni Mr. Kim at tinapik ang balikat niya. "Mabuting tao ka talaga. Halika na sa pantry namin at kumain."

Tumango siya. Nauna lumabas ng silid ang matandang lalaki. Sumunod siya. Nakailang hakbang pa lang sila nang marinig nilang bumukas ang front door ng studio.

"Mr. Kim! Nandito na kami!"

Napahinto sa paglalakad si Maki at na-tensiyon sa pamilyar na boses na iyon ng isang babae. Bago pa niya maihanda ang sarili bigla na itong humahangos na pumasok sa studio at muntik pa mabangga sa kaniya kasi hindi nakatingin sa dinaraanan. Umatras ito at saka lang tumingin sa mukha niya.

Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi siya nakagalaw at parang may sumipa sa sikmura niya ngayong magkaharap na sila ni Allen Magsanoc. Mukhang nagulat ito. Pagkatapos dumaan ang rekognisyon sa maganda nitong mukha. May umusbong na pag-asa at tuwa sa dibdib ni Maki kasi hindi katulad noon, nakilala siya nito agad. Bumuka ang bibig niya, ngingiti sana at tatawagin ang dalaga.

Pero bigla itong humakbang paatras, mariing tumikom ang mga labi at kumislap ang galit at disgusto sa mga mata. Para siyang sinaksak sa dibdib nang bigla itong tumalikod at mabilis na naglakad pabalik sa nakabukas na pinto. Nasagi pa nga nito ang mga kasama na papasok naman sa loob.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRDonde viven las historias. Descúbrelo ahora