Chapter 18: Somebody that I used to know

Începe de la început
                                    

Siguro sa pangisang daan kong buntong hininga, may biglang tumapik sa balikat ko na kinagulat ko. “Oh my God!” at sa paglingon ko, “Christian...”

“Hindi kita nakilala kagad...”

Nangiti ako, embarrassed, “Talagang ginawa akong vampire ni Beth...”

Iniling niya ang ulo na habang ngumingiti, “I’m not talking about the costume... you’ve cut your hair.”

“Ah... for a change lang naman.” Tinalikuran ko siya sa kaba ko. Hindi kasi ako makapaniwala na kinausap niya ko. Then nakita kong sumandal na rin si Christian sa terrace cement fence gaya ko.

“Overwhelming isn’t it...” sabi niya sabay tingin sa’kin. “Ito ang tradition pag birthday ni Jake, party, themes and alcohol.”

“Don’t like it?”

“Hmm... it’s okay, I guess. I’m used to it. Wala pa to sa mga nauna niyang party. Kung nakita mo lang ang ginawa namin para sa 18th birthday niya...”

I’m overwhelmed din. Hindi ko alam dapat kong sabihin sa kanya. Feeling ko sasabog ang dibdib ko sa tuwing titingin siya sa’kin. Parang kahit isang Segundo lang ang tinatagal ng mga tingin na ‘yun, para na kong hihimatayin.

“Ang tahimik mo ata?” tanong niya

“Well, nagulat kasi ko na kinakausap mo ko...”

“Ayaw mo?”

“Hindi naman... kasi, ang alam ko...” nauubusan ako ng sasabihin. “Galit ka, ayaw mo na ko makita o makausap.”

Binalik niya ang tingin niya sa crowd. Hindi na siya sumagot.

Mukhang galit pa siya sa’kin, akala ko naman okay na kami. Akala lang pala.

Tumayo ako ng diretso at sabay alis. At aaminin ko, akala ko pipigilan niya ko sa pagalis ko, sa pagtalikod ko palang pero nung nakahakbang na ko pababa ng hagdan dun ko narealize na, wala na. Bakit nga ba ko mageexpect, kinausap lang naman niya ko, isang random conversation lang with a random person na lang yun.  At Gustuhin ko man magalit dahil bakit ganun siya, hindi ko magawa, dahil guilty rin siguro ako, oo kasalanan ni Jake na hinalikan niya ko, knowing andun ang kuya niya pero may mali din ako, nagkafeelings ako sa admirer ko, kay Jake.

I like Jake but I love Christian. But I guess it doesn’t matter anymore.

Paghakbang ko sa huling step ng hagdan palayo kay Christian, sakto namang naging mellow ang tugtog sa party at ang lahat ng mga may partner ay nagsimulang magsayaw sa magandang tugtog. Oh I wish na sana, kami din ni Christian ay makapagsayaw. Never pa niya ko naisayaw.

Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko at Binalik ang tingin sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa’kin. Nagabot naman ang tingin namin for 5 seconds pero ang mga tingin niya ay iba na, hindi na gaya nang dati.  Gusto kong umiyak, sobra, ang sakit pala ng feeling ng ganito. Rejection.

Hinanap ko sila Beth at Pete pero sa dami ng tao nahirapan ako. Nung naaninag ko na sila, nakitang kong nageenjoy ng sobra-sobra yung dalawa, Si Beth sumasayaw at si Pete nakikipagdrinking competition. Ayoko naman sirain ang kasiyahan nila kaya umalis na lang ako. Tsaka Hindi ko na kaya, kapag nagtagal pa ko dun, baka sumabog ako.

Nilakad ko magisa papunta sa malaking gate nila, ilang beses pa kong natapilok dahil sa katangahan plus ang malabong paningin ko dahil sa contacts na suot ko. Buti na nga lang eh nakasurvive ako at nakarating ako hanggang dun sa kung saan nakapark ang sasakyan ni Pete. Pagtingin ko sa cell phone ko, nakita ko na halos alas nuebe pa lang ng gabi, buti na lang ang costume ko napakasimpleng vampire lang, all black, yung close wedge shoes, fitted dress na may see through shiffon lang na dagdag, mula sa bewang para magmukhang gown then of course, cape. Para nga lang ako lalakad sa runway nito eh, Ang nagpavampire lang naman ng look ko ay ang red contacts ko at yung nakakairitang vampire teeth, na ang hirap tanggalin. Asar!

Dear DiaryUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum