"What if makihati ng time si Ana kay Dominic?"

"Hindi naman!" Kaibigan lang ito but I am his girlfriend. Kaya dapat maging mas matibay ako.

"Adriana, nine years silang hindi nagkita. For sure, babawi 'yang boyfriend mo kay Ana. Mahahati ang time ni Dominic sa'yo."

May point si Maxine. Hindi pa rin siya makakapag focus sa akin hangga't nand'yan ang kaibigan niya. Naku, anong gagawin ko?

"I don't know! Bahala na."

Nagkaingay na ang mga kaklase ko nang makita nila si Dominic na paparating habang may hawak na envelope. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana.

"Babe!" Parang tinusok ng karayom ang puso ko nang hindi niya ako napansin na naka dungaw sa bintana ng room namin.

"Tara sundan natin."

"Baka pupuntahan na niya si Ana." Hinila na ako ng barkada ko para sundan si Dominic sa kabilang section.

"Ang gwapo!"

"Bakit nandito siya sa room natin?" Bulong ng mga estudyante mula sa section C.

"Diba section ito ni Belle?" Bulong ni Ava dahilan para mas lalo akong kabahan.

"Oo!" Nakipasok na rin ako sa room para kumpormahin ang mga nasa isip ko. Nandito ba ang childhood bestfriend ng boyfriend ko?

"Anabelle Celocia!" Tawag ng boyfriend ko kay Belle na busy sa pakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaklase.

"Why are you doing here?" Tanong ni Belle habang malawak na nakangiti sa boyfriend ko.

"Is this yours?" Pinakita ni Dominic ang kwintas sa lahat dahilan para ikasakit ng ulo ko. That necklace looks familiar to me. Nakita ko na iyon sa kwarto ko noon pero bakit meron siya?

"Adriana, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Maxine habang inaalalayan ako.

"I'm fine! Kumirot lang 'yung ulo ko."

"Let's go to the clinic." At hinila nila ako palabas. Agad naman akong kumawala sa pagkakahawak nila para panoodin pa ang nangyayari sa loob. "I need to know everything."

"Sa'yo ba ang necklace na ito?"

"Oo! Sabi ko na nga ba naiwan ko sa kotse mo." Masayang sambit ni Belle at mas ikinagulat ko ang ginawa niyang pagyakap sa boyfriend ko.

"I finally found you, Ana."

Kumirot ang puso ko nang tawagin ng boyfriend ko na 'Ana' ang kaibigan ko. I can't believe this.

"Naalala mo na ako, Nic?" Hindi makapaniwalang tanong ni Belle habang naiiyak.

"Ikaw na ba talaga si Ana?"

"I am the only one Ana. Anabelle Celocia was my real name." Pakilala ni Belle sa lahat ng tao na nanood sa kanila.

"I'm sorry for leaving you." Ang ikinaselos ko sa lahat ay ang ginawang pagyakap ng boyfriend ko kay Belle dahilan para magsigawan ang mga tao sa kilig.

"Wala iyon at least you found me." Tumingin sa akin si Belle at ngumiti ng sobrang lawak na para bang nang-iingit.

"Adriana, saan ka pupunta?" Hinabol ako ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa kong pagwalk out sa room.

"Uuwi na!"

"Hindi mo ba iintayin ang boyfriend mo?" Tanong ni Maxine habang nag-aalala sa akin.

"Busy siya kay Belle."

"Pero boyfriend mo pa rin iyon. May karapatan ka sa kanya." Hindi ko na pinansin 'yung sinabi ni Maxine at tuluyan ng naglakad palayo.

"Babe!" Tawag ng boyfriend ko at hindi ko akalain na hahabulin ako para yakapin.

They Met At First KissUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum