Caged 21

962 42 9
                                    

Chapter 21

"Allystaire Rettman and Sebastian Aldwon, pinapatawag kayo ni Dr. Barbara sa control room."

Napatingin ang lahat ng ka-class namin sa aming dalawa ni Senior. They were all making faces and obviously thinking why these guards are here at anong pakay ni Dr. Barbara sa amin.

Naunang naglakad si Seb at sumunod naman ako. Malakas ang kutob ko na tungkol ito sa nangyari kay Morpheus. Medyo malaki kasi ang pinsalang nagawa niya at ang ibang mutants ay gumamit ng kapangyarihan nila na labis na ipinagbabawal dito sa Gate 8 Lab.

Tahimik lang kaming naka-sunod ni Seb sa dalawang guards na nasa-harapan namin. Medyo kabado rin ako dahil hindi ko alam ang gagawin ni Dr. Barbara sa amin. Si Seb naman ay parang wala lang sa kanya at mukhang bored na bored pa ata.

Napadaan kami sa naka-linyang mga taga ibang class. Mukhang papunta sila sa Chemical room. Ito 'yung room na exclusive lamang sa mga mutants na mahilig gumawa o mag-experiments tungkol sa mga chemicals. Kakabukas lang ng room na iyan dahil under-maintainance pa ito noon.

Pagdating namin sa control room ay naroon na sa loob sina Dr. Barbara kasama ang Doctor na gumamot noon kay Morpheus.

"Have a seat."

Naupo kaming dalawa ni Sebastian sa blankong upuan sa harap namin. Umubo ng kaunti ang Doctor bago ito nagsalita.

"Before anything else, I would like to say thank you. For without of your help guys ay, maaaring hindi na humihinga si Morpheus sa mga oras na 'to. His condition was very sensitive the last time na sinuri siya namin, at mas lalo itong lumala when one of our doctor tried to put a syringe in him."

Kahit parang natural lang ang pagsasalita niya pero, kumukulo na agad ang dugo ko sa pinagsasabi niya. Ano kamo? Syringe? Walang hiya! Kumuyom ang kamao ko at pinipigilan ang sarili dahil baka hindi ko ma-control ang sarili ko at mapatay ko siya.

"I don't know what happe-----"

"Doctor kaba talaga?" Pagpipigil ko sa sinabi niya.

He stared at me. Unang kita ko palang sa doctor na 'to, wala na talaga akong tiwala. Tapos ngayon, mas lalo akong nawalan ng tiwala sa sinabi niya. Pasyente nila si Morpheus tapos hindi nila alam kung anong nangyayare sa kanya? Tapos gusto pa nilang turukan ng syringe? Sa pagkaka-alam ko kasi is sensitive ang mga class C monster sa syringe. Bawal na bawal ang anumang metal ang ilagay sa katawan nila. At dahil nga sa sinabi ng panot na doctor na 'to, gusto ko tuloy durugin 'yung mga buto niya pati ang kanyang ulo.

"Sagutin mo 'ko! Doctor kaba talaga!?" Malakas na sigaw ko kaya napa-tayo na silang tatlo.

"Are you questioning my ability?" Maang-maangan nito.

Napa-kurba ang ngiti sa labi ko at sarcastic na tumingin sa kanya.

"Hindi kalang pala tanga, bobo ka rin."

"Ally, stop! You don't know what you're saying! Nasa control room ka! Matuto kang gumalang sa mas-nakaka tanda sa 'yo!" sita ni Dr. Barbara sa 'kin.

"With all due respect Doctor Barbara, there's nothing wrong on what she is saying. In fact, she is actually pointing out what's wrong in here. This bastard is definitely a crook. Sinong tanga naman kasi ang hahayaang maglagay ang kasamahan niya ng syringe sa class C monster? Alam ba niya talaga ang ginagawa niya? He can't even apprehend any types of monsters! Such a shame," saad din ni Sebastian.

Nagulat ako ng very, very slight sa sinabi niyang iyon. Dapat alam ng kahit na sinong mutant ang ibat-ibang klase ng monsters, pero, ang doctor na 'to ay wala atang ka alam-alam, o baka naman kasi may binabalak talaga silang patayin si Morpheus.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon