Sing 7

200 11 3
                                    


Chapter 7

THIS CHAPTER IS UNEDITED


Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong box nang masilayan ang mga dekorasyon sa daan. Ibat-ibang kulay ang designs ng bulaklak na nagbibigay sigla sa paligid.

Maraming tao ang naglalakad sa daan at karamihan ay mga bata. Makipot na ngayon ang kalye ng Mt. Pollo dahil sa maraming food stalls na nakaabang sa gilid. Mausok ngunit masaya ang umaga sa unang araw ng festival.

Pagdating ko sa entablado na narito sa gitnang bahagi ng bayan ay mabilis kong inilapag ang mga box at umakyat. Narito na rin ang iba naming kasamahan na naghahanda ng mga kurtina na gagawing desinyo.

"Ally! Bakit natagalan ka?" bungad sa akin ni Amelita pagkatapos kong makalapit.

"May dinaanan lang, Amelita. Dala ko na pala ang box."

Ibinigay ko sa kanya ang dala kong box at agad niya itong kinuha. Pinagmasdan ko ulit ang mga taong naglalakad sa daan. Sigurado akong magiging masaya ang festival na ito.

"Ally! Patulong naman!" Sigaw ni Xing Che.

Nakapatong kasi siya sa kahoy habang itinatali ang kurtina. Lalapit na sana ako ng biglang may humarang sa akin.

"Ako na," wika ni Damon at lumapit sa kaibigan ko.

Kumunot agad ang mukha ni Xing Che nang makalapit si Damon sa kanya.

"Bumaba kana, ako na maglalagay niyan," sabi ni Damon sa kanya.

Mabilis na umirap si Xing Che at hindi siya pinansin.

"Kaya ko na 'to," ani ni Xing Che at bumalik sa pagtatali.

Hindi na nagsalita pa si Damon at mabilis niyang hinablot si Xing Che sa kanyang bewang at hinatak para masalo niya.

Tumili si Xing Che kaya napatingin kaming lahat sa kanila. Xing Che is now embracing Damon.

"Gago ka ba?!" galit na sigaw ni Xing Che kay Damon nang makaayos siya ng tayo.

"Gwapo lang, hindi gago," sarcastic na sagot ni Damon at pumalit sa pwesto ni Xing Che kanina.

"Ugh! Ang yabang mo!" gigil ni Xing Che at tumalikod.

Nag-martsa paalis si Xing Che kaya napatawa ako. Mukhang may inililihim siya sa akin. Lahat ng lalaki na humahawak sa kanya ng walang pahintulot ay mabilis niyang ginugulpi. Pero kay Damon patay malisya lang siya.

Nagpatuloy kaming lahat sa paglalagay ng mga dekorasyon hanggang sa dumating ang pananghalian. Lalong dumami ang mga tao sa daan dahil naghahanap ng makakainan.

"Doon nalang tayo sa stall ni Nanang Fely!" Excited na wika ni Senior Krishna at hinatak si Luther na natatawa.

Sabay kaming lahat na naglakad patungo sa stall ni Nanang. Malayo palang kami ay nakita na agad namin si Celery na kumakaway. Nasa tabi niya si Rykee na kumakain ng barbecue.

"Dito na kayo kumain! May bakante pa!" Sigaw ni Celery at pinaypayan ang nilulutong barbecue.

Agad akong lumapit kay Rykee at pinikot ang tenga niya.

"Aray! Bakit?" gulat niyang tanong sa akin.

"Wow! Lahat kami Rykee nagtatrabaho sa stage, tapos ikaw nandito pala kumakain? Isumbong kaya kita kay Doctor Sheldon?!" sermon ko sa kanya.

Mabilis siyang napakamot sa batok niya at inilapag ang barbecue sa mesa.

"Nagutom ako eh," aniya at tumawa.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon