Caged 26

931 45 11
                                    

Chapter 26

Unedited! Unedited! Unedited!
* WARNING *

Unedited! Unedited! Unedited!* WARNING *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Station 1
~CIRCUS MANIA~

Kinakabahan, nanlalamig ang kamay, hindi masyadong maka-hinga. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na halos ito nalamang ngayon ang naririnig ko.

The final assessment is about to start. Narito na kami ngayon sa backdoor ng training room kung saan naka-lagay ang iisang portal na papasukan naming lahat. I was already wearing the suit that they gave us yesterday.

Hindi ko alam kung nasaan sina Xing Che, Jaime, Keller, Luther at Sebastian. Magkahiwa-hiwalay kaming lahat at hindi ko kilala kung sino itong apat na trainee na kasama ko. Sa likuran namin ay ang isang doctor at dalawang guard.

Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko ng biglang bumukas ang pintuan sa harap namin. Malakas na sigawan at hiyawan agad ang narinig ko mula sa mga tao.

"Please welcome! Our top 20 trainees!"

Kasabay ng malakas na sigaw ng mga mutants na narito sa loob ay siyang paghakbang naming lima papasok sa pinto. Napapikit agad ako dahil sa liwanag ngunit nang maaninag ko ang loob ay halos hindi na ulit ako makahinga. Inilibot ko ang aking paningin sa loob nitong room. Lahat ng mutants ay narito pati na rin ang ibang doctor na nasa itaas na bahagi at umuupo sa gilid ng hagdan.

Apat na kwarto ang naka-bukas at doon lumabas ang iba naming kasamahan. Naaninag ko sina Xing Che at Keller sa kabila at sina Jaime at Luther naman sa gilid ko. I tried to find Senior Seb at nakita ko nga siya sa harap ko. His looks is very serious at kahit malayo ako ay ramdam ko ang kaba niya.

"This is the day that we've all been waiting for folks! Nasa harapan ninyo ang dalawampung trainees na maglalaban-laban upang masungkit ang puwesto at makapasok sa top 10 at hihiranging pinakamalalakas na trainee dito sa Gate 8 Lab!" Sigaw ng isang doctor na lalaki na kasing edad ata ni Doctor Fooler.

Naghiyawan ulit ang nakapalibot sa amin. They were all shouting and cheering at their class. Napako ang paningin ko kay Seb at sa likod niya si Drake. Lalong bumigat ang hininga ko dahil sa malakas na music na dumagundong dito sa loob.

"But! Mutants! Mutants! Mutants! Before we start the annual event, I would like you first to meet our one and only powerful owner of Gate 8 Lab! Doctor Drechtaire Pernicious!"

Pagkatapos ng malakas na palakpakan ay nagpakita si Dr. Drech sa itaas na bahagi nitong kwarto. Nasa gilid niya ang ibang mga doctor at nasa-harap niya naman ang isang malaking microphone.

"Good day, Trainees! Every year, we celebrate our own success through giving an assessment to every trainees here inside the Gate 8 Laboratory. And I am much happier because I am here in front of you, saying these words and judging our biggest event. I've been lost for years and I am glad enough because I am here again to develop powerful mutants and teach life lessons. We may have different capacities but always remember that even if who we are, we can all be heroes! Goodluck on your journey trainees. I am Doctor Drech, welcome and have fun!"

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon