Caged 1

3.9K 201 151
                                    

Chapter 1

Especial daw ako.

'Yan ang sinasabi sakin lagi ni Lady Eren tuwing nagtatanong ako sa kanya tungkol sa pagkatao ko.

I'm not like them.

Lumaki akong may kakaiba sa pagkatao ko. Lumaki akong kasama si Lady Eren at ibang Doctor dito sa East Creek.

I never knew my parents, hindi ko sila nakilala dahil bata palang daw ako nang mamatay sila. Si Lady Eren ang kumuha sakin at inalagaan ako. Inilayo niya ako sa kapahamakan at kapaitan ng mundo.

Labing-walong taon na akong nandito sa loob ng White Room. Dito na ako lumaki at natuto ng mga bagay-bagay.

Inaaral ko rin dito ang abilidad ko bilang isang tao at bilang isang especial na tao.

I have the ability to break everything.

Palaging nagiingat sina Lady Eren sakin dahil maaari kong masira ang anumang gamit dito kung gugustuhin ko.

Minsan kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ko ay hindi ko ito naco-control kaya nasisira ko ang white room.

Buti nalang andiyan si Doctor Mohac para ayusin ito dahil may kakayahan siyang ibalik sa dati ang anumang bagay na nasira.

Sa labing-walong taon na pananatili ko dito sa loob ay wala manlang akong ideya kung ano ang nasa labas nito.

"Handa na ba siya?" Rinig kong tanong ni Doc Mohac kay Lady Eren.

Naka-higa ako sa higaan ko habang nilalaro ko si Werlock. Ang kaibigan kong stuff toy na pusa.

"Yes, pwede na siyang ilabas mamaya at ipasok sa Gate 8. She can already control her anger kaya pwede na siguro siyang maki-salamuha sa ibang bata sa Gate 8," mahinang sabat ni Lady Eren kay Doc.

Napatingin sakin si Doc at kumaway. I waved at him at ibinalik ang atensyon kay Werlock.

Lumapit din sa 'kin si Lady Eren at umupo sa gilid ko.

"Hey Ally," mahinahong sabi niya.

"Hello Lady Eren, may exam nanaman ba tayong gagawin ngayon?" Agarang tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at umiling ng mahina. She smiled at me like she's happy for what I am going to do.

"You'll be going to Gate 8," she said.

Matagal na niyang sinabi sa 'kin ang tungkol sa Gate 8. She said na naroon daw ang ibang bata na kagaya ko. Ibat-iba ang abilidad at kapangyarihan.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya dahil malalayo ako sa kanya. She has been my mother and father for the past 18 years.

"Are you sad?" Tanong ko sa kanya.

Ngayon naman ay kumuwala ang isang luha sa kanang mata niya kaya alam ko na agad na malungkot talaga siya.

"You'll be away from me Ally," pinahid niya ang luha at ngumiti.

"You'll visit me there right?" I said.

"I'll be busy here, pero kung may panahon ako ay bibisitahin kita roon," she said while combing my hair.

"Be ready, Doctor Mohac will guide you to the station," sabi niya at agad na iginiya ako para tumayo.

May ibinigay si Lady Eren sa 'kin na damit. Kulay puti ito at may nakasulat na malaking 8 sa kanang bahagi.

Agad akong nagpalit at inihanda ang sarili. A minute after, pumasok si Doctor Mohac na may ngiti sa labi.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon