Caged 25

960 45 7
                                    

Chapter 25

UNEDITED! UNEDITED!

-READ AT YOUR OWN RISK-

Three days had passed pero, hindi parin naalis ang awkward thingy sa aming dalawa ni Senior. Sa tuwing lalapit siya ay agad akong umiiwas o 'di kaya ay nagku-kunwaring may ginagawa. Malaki rin ang pasasalamat ko dahil magka-iba kami ng schedule sa trainings.

Mabuti nalang din at gumana ang pananakot ni Senior kay Keller. The rest of our class doesn't have any idea about what happened between me and Senior Seb. Natakot rin kasi ako na baka mawala ang loob ni Xing Che sa akin.

Alam ko kasi na may nararamdaman siya para kay Senior. I don't want our friendship to end dahil lang sa isang lalaki. Mas mahalaga parin sa akin ang kaibigan.

Bukas na ang final assessment namin. Tuluyan ng sinara ang training ground upang makapag-pahinga kami. Nae-excite na rin ang ibang class na hindi nakapasok sa top 20. Hanggang ngayon ay hindi na nga maalis ang kabang nararamdaman ko.

Isama mo pa si Angel na tuwing titingin sa akin ay parang papatayin na niya ako. Ayokong masangkot sa gulo kaya ako na mismo ang umiiwas. Usap-usapan na rin ngayon ang paggaling ni Dr. Drech. Nakita raw ito ng ibang class kaya lalong kumalat ang chismis.

"Okay, drop in line everyone! Let's make this fast. Kailangan ko pa kayong e-orient tungkol sa magaganap na final assessment bukas!" Sigaw ni Doctor Barbara sa aming lahat.

Pinatawag kami ngayon para sa final orientation and preparation. Komplets kaming lahat na nakapasok sa final assessment. Walang umiimik sa amin. Ngayon palang, tinuturing na namin ang isat-isa na magkakalaban. Magkatabi kami ni Drake na walang emosyon na nakatingin sa harap.

We are divided into four lines at lima-lima bawat linya. Nakasunod lang kami kay Doctor Barbara kasabay ng dalawang guard. After a minute ay nakarating kami sa harap ng isang glass door. Ini-scan ng scanner ang I.D ni Doctor Barbara at tuluyang bumukas ang pinto.

Bumungad agad sa amin ang isang suit na nasa loob ng incubator. Over-all ang damit, mula paa hanggang leeg. Color black ito at mukhang maganda ang tela.

"This suit is your own armor. We developed this to prevent you from the hot and cold environment that you are going to face. Hindi rin basta-bastang nasisira ang suit na ito--"

Hindi pa nanatapos ang sasabihin ni Doctor Barbara ngunit meron agad na nagtaas ng kamay.

"Yes?"

"May hidden gadgets ba ang suit na 'yan? Or any possible buttons para may lumabas na tunay na armor?"

Napatingin ako sa lalaki na nasa ikatlong line. He's wearing an eyeglasses at medyo payat siya. He looks so weak at naka-lagay sa dibdib niya ang Class 2R.

"There's no such thing like that. Walang button o kahit na ano diyan sa suit. Ang tanging role lang ng damit na 'yan ay ma-protektahan kayo sa lamig at init ng panahon. Ano pang silbi ng trainings niyo at survival exams, right?"

Some of them frowned matapos marinig iyon. Doctor Barbara gestured her hands at agad siyang sinunod ng dalawang guard. May kinuha silang bag na itim at ibinigay sa amin. Binuksan ko ito at nakita ko ang kaparehong suit na nasa-harap namin.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon