Caged 12

1K 64 7
                                    

Chapter 12

"Masyado naman atang maalikabok ang mga librong ito. Parang walang nagaalaga tsaka, napabayaan na nga talaga," ani ni Mecca sa gilid ng bookshelf.

Halos magiisang oras na kaming naglilinis dito sa loob. Kailangan na naming magdali para maka-habol kami sa agahan.

"Xing! Tapos kana ba diyan?" Sigaw ko kay Xing na nasa loob ng cleaning room.

"Kunti nalang! Medyo matigas na kasi ang mga alikabok rito," sagot niya.

Pagkatapos kong linisan ang mesa at couch ay lumapit na rin ako kay Mecca. Panay ang punas niya sa mga alikabok na nakakalat sa bawat libro. Malalaki ang mga librong ito ni Doctor Drech. Bawat libro ay madami ang pages at makapal ang cover, kaya hindi na ako nagtaka kay Mecca na hirap na hirap sa pagpupunas.

"Ako na rito Ally, kaya ko naman ito," siguradong sagot niya pagkatapos kong malalapit. Hindi na ako nagsalita pa at tinulungan nalamang siya sa ginagawa niya.

Maya-maya pa ay biglang lumapit si Xin Che sa amin na hinihingal.

"Ano bang klaseng Cleaning Room 'yun? Parang ilang taon na ring hindi ginagamit," reklamo niya.

"Umupo ka nalang doon sa couch, patapos na rin kami," ani ko sa kanya at agad naman siyang umupo papunta sa couch.

Nakita ko pa ang pag-inat niya sa katawan bago umupo at inihilig ang ulo.

She looks very weary and tired, halatang hindi siya sanay sa mga ganitong gawain.

"Last na ata ito," ani ko kay Mecca habang pinupunasan ang isang pambihirang libro.

Kakaiba ang isang ito dahil kulay black lang siya lahat at tanging ibon lamang ang nasa cover.

Dahan-dahan kong inilagay ang libro sa ika-tatlong bahagi ng shelf. Pagkatapos ko itong mailagay ay may biglang tumunog sa likod ng shelf na parang umaandar na makina.

Napa-atras kaming dalawa ni Mecca dahil naririnig namin ang kakaibang tunog na nanggagaling sa likod nito.

Nakita ko ang paglapit ni Xing Che sa amin ng makita ang paggalaw ng shelf mula sa kinatatayuan nito. Parang lumilindol ang buong paligid ng shelf at bawat galaw nito ay naduduyan ang mga libro.

Ilang segundo rin ang lumipas ng biglang gumalaw ang shelf at nahati ito sa gitna. Napapikit kami dahil sa alikabok na naggagaling rito.

Pagdilat ko ng mata ay bumungad sa amin ang isa pang kwarto. Nagka-tinginan kaming tatlo matapos masaksihan ang pangyayaring iyon.

Ako ang unang humakbang papalapit. Naramdaman ko agad ang kamay ni Xing na pumigil sa braso ko. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya.

"Ally wag, hindi natin alam kung anong nasa loob ng kwartong iyan," nagaalalang saad niya.

"Don't worry, alam mo naman kapag may panganib Xing. Wag kang magalala," I said.

Unti-unti kong hinakbang ang sarili ko papasok. Madilim at wala akong naririnig na kahit na ano.

Agad kong hinanap kung mayroong switch sa gilid. Buti nalang ay may nakapa ako, kaya agad ko itong pinindot. Lumiwanag ang buong paligid at naliwanagan kami.

"Isang lumang stock room," rinig kong sabi ni Mecca sa  likod ko.

"Halatang matagal na itong hindi ginagamit. Ano kayang nasa loob ng mga kahong ito?" Ani ko at lumapit sa mga kahon na naka-tumpok sa loob.

Agad akong kumuha ng isa at inilagay sa harap nilang dalawa. Nahirapan pa kami sa pagbubukas dahil naka-tape ang bawat sulok nito at ingat na ingat sa pagte-tape.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon