Caged 14

992 55 10
                                    

Chapter 14

"Sa'n ka galing?"

Lalong lumiit ang masingkit na mga mata ni Xing matapos sabihin ang tanong na iyon.

"Ah, ano.. naligaw kasi ako," pagsisinungaling ko.

"Naligaw? Paanong naligaw? Akala namin bumalik ka sa kwarto," biglang singit ni Jaime sa gilid ko.

Lalo nila akong pinalibutan dahil sa pagdududa nila. Sobrang dilim ng expresyon nilang lahat which is very scary kasi hindi naman sila ganito. Mukha silang galit lahat sa ginawa ko.

"Ah, naisipan ko lang kasing ano.. uhm, maglakad-lakad kanina. Pero, di ko kasi namalayan na nakalayo na pala ako. Sorry, kung nagalala kayo, kasalanan ko naman eh, sorry talaga."

After saying those words ay bigla nalang silang tumawa lahat. Well, maliban kay Seb na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Sana nakita mo 'yang hitsura mo Ally! HAHAHAHA!" ani ni Keller na tawang-tawa.

Lahat sila ngayon ay nakatawa na kaya napangiti nalang din ako sa pagpa-prank sa akin.

Hindi pala sila galit, pinagti-tripan lang pala nila ako.

"Muntik na talaga akong matawa, buti nalang napigilan ko," natatawang saad ni Zonic na nakahawak parin sa tiyan niya.

Kahit si Brant na palaging tahimik ay naka-ngiti narin ngayon.  Iba talaga trip ng mga ito.

"Ewan ko sa inyo! Akala ko talaga galit kayo. Napaniwala niyo ako do'n," ani ko habang ngumingiti.

"Next time kasi, wag na bumalik sa kwarto. 'Yan tuloy napag-tripan ka ni Keller," ani ni Jaime at tinapik si Keller.

Hinampas ko sa braso si Keller kaya napaigtad agad siya.

"Aray ko naman Ally! Masakit 'yun ah," reklamo niya sabay hagod ng braso.

Tumawa ulit silang lahat, pero naudlot iyon ng biglang nagsalita si Sebastian.

"Tama na 'yan, magsimula na tayo." Napatingin kaming lahat sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya at sobrang dilim pa, mukhang badtrip ata siya.

"Yes boss!" Sigaw ni Keller at nag-sallute pa.

Umiling-iling nalang ako dahil sa ginawa niya.

Hinati kami ni Sebastian sa dalawang grupo. May limang myembro ang bawat isa at lahat ay pantay-pantay ang lakas.

Kasama ko sina Mecca, Luther, Jaime at Atlas.

Pumasok kami sa isang kwarto dito sa training room at bumungad agad sa amin si Doctor Luminos. Siya nga pala 'yung gagawa ng portals kaya mas-lalo akong na-excite.

"Good afternoon, Doctor Luminos," saad naming lahat sa kanya.

Lumingon siya sa amin at ngumiti ng malapad.

"Good afternoon, class 1D. Are you guys ready? Kanina pa naghihintay ang portal na papasukan niyo."

Napatingin ako sa portal na nasa-likuran niya. Umiilaw na ang portal at alam kong panibagong mundo nanaman ang papasukan namin.

"Anong klaseng training po ba ang gagawin namin today?" Tanong ni Luther kay Doctor Luminos.

"Well, I decided na ipasok kayo sa lugar kung saan mas mapapa-tibay niyo pa ang kaalaman niyo sa combat skills. Bawat isa sa inyo ay iba-iba ang ability kaya, mas maganda pag alam niyong gumamit ng ibang weapon o kahit ang sarili niyong lakas ay mas-maganda."

"Anong klaseng lugar po ba ang papasukan namin?" Ani ko.

"Battle ground, open space siya at bago magsimula ang training niyo ay lalabas ang mga weapon at kayo na ang bahalang pumili."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon