Sing 11

233 12 18
                                    


Chapter 11

THIS CHAPTER IS UNEDITED

---

Isang malaking balita ang nagbigay sa aming lahat ng dahilan para umalis sa Mt. Pollo.

Pagkatapos naming marinig ang mga nalaman ni Doctor Sheldon, kinabukasan ay agad kaming naghanda sa pag-alis. Kinausap naming lahat si Master Kenzu at nanghingi kami ng permiso mula sa kanya.

Malaki ang Wingship na sinakyan nina Doctor Fooler kaya malamang ay hindi ito pinalampas ng mga kalaban. Even the army that accompanied him are not prepared enough to fight. We must act immediately so we could reach Doctor Fooler.

Maaga kaming lahat na nagising dahil wala pang araw na lumalabas. Kagabi pa ako nag-empaki ng mga dadalhin kong gamit sa paglalakbay namin. Gusto pa sanang sumama ni Celery sa amin pero hindi siya pinayagan ni Master Kenzu. Sa huli, kaming siyam lang ang aalis at iilang tauhan niya.

"Nasa Wingship na ba lahat ng bag?" Tanong ni Drake.

Siya ang inatasan ni Master Kenzu upang maging leader ng grupo.

"Yes, boss!" Malakas na sagot ni Keller at nag-salute pa kay Drake.

Iilang supplies nalang ang ilalagay sa Wingship kaya tumulong ako. Lahat kami ngayon ay nakasuot ng uniform namin na pinagawa ni Master Kenzu sa kaibigan niya. Masyadong handy itong suit sa amin dahil magaan at maganda ang tela. May capacity rin itong makapigil sa tubig, ginaw at init.

May kaunting liwanag na nang matapos kami sa paglalagay ng mga gamit sa Wingship. Ito ang pangalawang sasakyan na nagamit namin mula sa Gate 8 Lab. Bago kami pumasok sa loob, gumawa muna kami ng linya at humarap sa kanilang lahat.

Naiiyak si Doctor Sheldon habang nakakapit sa kanya si Lady Caren. Nandito rin sina Celery, Amelita, at iba naming mga kaibigan. Yumuko kaming lahat sa harap ni Master Kenzu at binigyan niya kami ng basbas.

"Mag-ingat kayo sa paglalakbay at nawa'y gabayan kayo ng langit. Kayong siyam na napili para iligtas ang buong ForthMankell, humayo kayo at tapusin ang kasamaan ni Aeneas!"

"Opo!" Sigaw naming lahat.

Kasabay nang pagtayo namin ay ang pag-ihip ng hangin mula sa norte. Isa-isa kaming pumasok sa loob ng Wingship hanggang sa ako na ang huli. Lumingon ako sa huling beses at nagtagpo ang mga mata naming dalawa ni Master Kenzu. Tumango siya sa akin kata ngumiti ako.

Malaki ang hangarin ni Master Kenzu na matapos ang digmaan mula sa kampon ni Aeneas. At nangako ako sa harap niya na ako ang tatapos sa gulong ito.

Pagpasok ko sa loob ay nakaupo na silang lahat at naghahanda na sa pagtaas ng sasakyan namin. Si Captain Morgan ang nagmamaneho ng Wingship, isa siya sa mga trainee ni Captain Spinx mula sa Gate 8 Lab.

"Ally, dito," tawag ni Xing Che sa akin at itinuro ang upuan ko.

Magkaharap kami ni Rykee sa upuan dahil nasa kabila ang mga lalaki. Ang mga tauhan ni Master Kenzu ay nasa dulo ng Wingship kaya maayos ang mga gamit namin. Ilang minuto pa ay dahan-dahang umangat ang sasakyan at sumilay mula sa bintana ang liwanag mula sa araw.

Nabuhayan ang loob naming lahat dahil sa bagong umaga na naghihintay sa amin. Kagabi pa ako hindi mapakali sa kalagayan ni Doctor Fooler. Sana ay nasa mabuting kalagayan siya ngayon dahil hindi ko mapapatawad ang sino mang nangahas na lumusob sa sasakyan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon