Sing 4

232 16 0
                                    

Chapter 4

THIS IS UNEDITED!!!

---


Nagkaka-gulo ang mga tao at nakikita ko ang usok mula rito sa dinadaanan namin. The fire came from the market and the smoke is getting bigger. Mas binilisan namin ang pagtakbo hanggang sa maka-abot kami sa entrance ng market.

Bumungad agad sa amin ang mga lalaking naka-suot ng pulang mga damit at may takip ang mga mukha nila gamit ang isang tela. Halatang hindi sila taga-rito dahil may logo na nakalagay sa damit nila.

"Sila nanaman," rinig kong bulong ni Celery sa tabi ko.

Mukhang nanggulo na rin 'ata ang mga bandido na ito dati dito sa bayan. At wala kaming alam kasi hindi naman kami galing rito.

"Luther! Help me with the fire! Keller, Dash, Oddette, Rykee and Xing che, kayo na ang bahala sa mga bandido. Uunahin namin ang apoy para makakita tayo ng maayos!" sigaw ni Drake at mabilis na tumakbo.

"Paano kami?" tanong ko.

"Ally! Celery! Come with me, may mga bata na kailangang ilayo," sigaw ni Senior Krishna.

Agad kaming kumilos ni Celery at tumakbo kasama si Senior Krishna. Ang ingay kasi ng sigawan ng mga tao sa paligid at ang daming mga bata na umiiyak. Malaki kasi itong market at gawa sa kahoy kaya mabilis na kakalat ang apoy. Kailangan naming mag-madali para hindi malaki ang damage na makukuha namin.

"Ama!" sigaw ng isang bata habang umiiyak. Nakatayo lang siya sa gitna ng daan habang nagkakagulo ang mga tao.

Mabilis akong lumapit sa kanya at agad siyang binuhat.

"Sino ka?" umiiyak niyang tanong.

"Huwag kang matakot, kaibigan ako," sagot ko sa kanya.

"Ama ko, nasaan ang Ama ko!" natatakot niyang wika.

Mabilis ang pagtakbo ko hanggang sa makarating kami sa safezone. Agad naman na may lumapit na lalaki sa akin at mabilis na hinawakan ang bata.

"Dale! Anak!" sigaw ng lalaki at agad na niyakap ang bata.

"Ama! Bakit mo po ako iniwan?" umiiyak na wika ng bata habang buhat-buhat siya ng kanyang ama.

"Sssh, hindi kita iniwan, anak. Hindi ka iniwan ni Ama." Tumingin ang ama sa akin at agad na ngumiti. "Maraming salamat," aniya at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako at mabilis na tumalikod. Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa puso ko dahil sa nasaksihan.

Habang tumatakbo ako pabalik sa market ay nakikita ko ang namumuong ulap sa itaas at agad na napangiti. Mas advantage kay Luther itong labas para sa ability niya. Mukhang mapapadali itong laban namin.

Kumidlat ng malakas at agad itong sinundan ng malakas na ulan mula sa mga itim na ulap. Mukhang hindi 'ata inaasahan ng mga bandido ang nangyayari kaya napatigil sila.

"Dumeretso kayo sa temple! Bilis! Takbo!" sigaw ko ng malakas sa mga villagers.

Mabilis na nawala ang apoy dahil ang ulan na galing kay Luther ay ginamit ni Drake para ipunin ang mga ito at ibuhos lahat sa building ng market. Ngayon ay mas nakita namin kung gaano karami ang mga bandido kaya napangiti ako.

"Shit! Ang dami pala nila," natatawa na wika ni Keller habang hinahanda ang sarili niya.

"Mag-ingat kayo! They can control the air and wind!" malakas na sigaw ni Drake.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon