Caged 29

883 41 15
                                    

Chapter 29

WARNING! WARNING!
UNEDITED! UNEDITED! UNEDITED!

**

"What should we do?" Mabilis na tanong ni Senior Krishna.

Papalapit ng papalapit na sa amin ang mga crews kaya mas-lalong lumala ang kabang naramdaman ko. Mukhang mababagsik ang mga ito at ang lalaki ng mga katawan nila.

"Maghanda kayo, lalabanan natin sila at kukuha ng mga weapon na dala-dala nila," saad ni Senior Seb.

Napansin ko na rin ang mga weapon na dala-dala ng mga crew. Ang iba ay alam ko, pero ang ibang weapon ay ngayon ko lang din ata nakita. Napa-atras kami ng biglang tumakbo ng mabilis ang mga crews na handa ng sunggaban ang bawat isa sa amin.

"Ngayon na!"

Mabilis kaming nagkahiwalay sa dalawang grupo. Kasama ko si Senior Seb at Xing Che. Habang si Senior Krishna, Drake, at Jaime ay magkakasama din sa kabila.

Malalakas na suntok ang pinakawalan ni Sebastian sa mga crews na papunta sa amin.

"Kunin niyo ang kaya niyong dalhin!" Sigaw ni Seb at mabilis na pumulot ng malaking axe na dala ng isang crew kanina.

"Ally! Take this!" Sigaw ni Xing Che at inihagis sa akin ang isang malaking espada.

"Thanks," saad ko at mabilis na sinugod ang paparating na crew.

Sinalubong niya ako ng malaking kahoy ngunit agad akong naka-ilag at mabilis na tinusok ang tiyan niya. Tumayo din ako agad at ginilitan sa leeg ang isa pa. Ang takot na naramdaman ko kanina ay agad na napalitan ng excitement dahil sa pagdating nila. Ibat-ibang hampas lang ng espada ko ang aking pinapakawalan tuwing makaka-salubong ako ng crew.

"Xing Che! Dodge!" Mabilis na sigaw ko.

Yumuko agad si Xing Che sa harap ko at mabilis kong hinagis ang espada sa crew na nasa gilid niya.

"Okay kalang?" Tanong ko at pinatayo siya.

"Yeah, salamat."

Tumakbo agad kami papalapit kay Senior Seb na may dalang BattleAxe. Hinihingal siya at masyadong seryoso ang mukha.

"Magingat kayo sa isang crew na nasa likuran, may dala siyang Light Crossbow." Umigting ang panga niya at mabilis na tumayo.

I picked up the Warhammer in front of me and smashed the head of the crew. Basag ang mukha niya dahil sa malakas na hampas ko. Ganoon din ang ginawa ko sa iba pang crew na papalapit sa akin.

Maya-maya pa ay agad akong napahinto ng may biglang lumagpas na arrow sa mukha ko at tumama ito sa Hammer na dala ko. Napatingin ako sa unahan at nakita ang isang crew na sobrang taba na may dalang Light Crossbow. Ito 'yung sinasabi ni Seb kanina.

"Mag-ingat kayo! Masyadong malalaki ang balang nilalabas ng Crossbos niya," paalala ni Seb sa amin.

Mabilis kong kinuha ang shield na mahaba na dala ng isang Crew kanina at agad itong ginamit. Narinig ko ang pagtama ng iilang bala sa dala ko at ang ibat-ibang paghampas ng mga crews.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon