Caged 17

915 44 15
                                    

Chapter 17

Pagkatapos ng liwanag ay agad na bumungad sa akin ang sobrang lamig na hangin. Puno ng nyebe ang paligid at mukhang nasa itaas ako ng icy mountain.

May maliliit din na snow na nahuhulog mula sa kalangitan at bawat tinatapakan ko ay lumulubog ang paa ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko kaya dahil masyadong makapal ang tinapakan kong mga nyebe.

I heard a great howling voice from somewhere. Napatingin ako sa gawi na iyon at nakita ang dalawang malalaking halimaw. Kamukha ito ni Morpheus, pero mas makapal ang mga balahibo nila that could help them survive this icy mountain.

Nagtago ako sa malaking bato at tahimik silang pinag-masdan. They were making loud noises while touching each other through their furs. Mukhang in-love ang dalawang halimaw na 'to sa isat-isa.

Habang nagma-masid ay unti-unti ko nang naramdaman ang lamig sa katawan ko. I was breathing cold air at medyo naninigas na ang mga kamay ko.

I don't have much time kaya agad akong kumilos ng dahan-dahan. Palipat-lipat ako ng tago sa bawat bato dahil kailangan kong maka-akyat sa pinaka-tuktok nitong bundok.

Bawat dinadaanan ko ay may natatapakan akong matigas. Looks like, mabato ang bawat parte ng bundok na ito na ngayon ay natatakpan na ng maraming nyebe.

Nagsimula na akong umakyat paitaas. Wala akong gamit na dala kaya kailangan kong umakyat gamit ang dalawang kamay ko at paa. Tumatapak ako sa mga matatalim na bato at humahawak paitaas. Medyo basa din ang inaakyatan ko dahil sa mga nyebeng natutunaw dito.

Kahit na nahihirapan ay pinagpatuloy ko ang pag-akyat. Bawat alsa ng paa ay humihinga ako ng malalim. Nanginginig na rin ang mga kamay ko ngunit binaliwala ko ito.

Tatapak na sana ako sa kabilang bahagi ng biglang dumulas ang paa ko at nahulog ang malaking bato.

"Sht," singhal ko at agad na kumapit sa nahawakan ko.

Narinig ko ulit ang malakas na sigaw ng dalawang halimaw kaya napatingin ako sa gawi nila.

"Holymow! Sht! sht!" Tarantang saad ko at agad na pinag-patuloy ang pag-akyat.

Nakita na ako ng dalawang nilalang na ito kaya kailangan kong mag-madali upang maka-akyat sa itaas.

Mabilis na kumilos ang dalawang hayop. Mas lumakas din ang kabang nararamdaman ko at nag-udyok sa 'kin na kumilos pa ng mas-mabilis.

"Damn!" Saad ko dahil kitang-kita ko na sa paanan ko ang galit na galit na mukha ng dalawang hayop na ito.

Kakagatin na sana ako ng isa kaya mabilis ko siyang tinadyakan dahilan para mahulog siya pababa. Sumunod din ang kasama niya kaya tinadyakan ko rin ito.

Parang wala lang sa dalawang hayop ang pagka-hulog nila dahil agad din silang kumilos at sumunod ulit sa 'kin.

Pag-akyat ko sa itaas ay isang open space ang bumungad sa akin. Merong isang malaking crystal sa gitna at nakita ko ang mga naka-ukit na salita rito. Sa ibabaw ng crystal ay nakita ko ang malaking clock.

"Twenty minutes..." saad ko at agad na lumapit sa malaking crystal.

Ngunit hindi paman ako nakakalapit ay napabaling ang tingin ko sa likod at nakita ang mabagsik na tingin ng dalawang hayop sa akin.

Para silang sasakmal anomang oras at 'yun ang kinatatakutan ko. I let out a heavy sigh at inisip ang dahilan kung bakit nasa-loob ako ng portal na ito. I need to win!

Mabilis na lumapit ang isang hayop sa akin at mabilis na tumalon. Umilag ako kaya napunta siya sa kabilang bahagi. Dalawa na sila ngayon na binabantayan ang kilos ko. Paikot-ikot sa akin at hinihintay kung ano ang susunod na gagawin ko.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon