Caged 19

927 40 9
                                    

Chapter 19



Kahit na hinihingal ay patuloy kami sa pagtakbo habang itinutulak si Morpheus ng dalawang Assistant Doctors gamit ang carrier bed. Morpheus is glitching continuously at malalaman mo talaga na may mali sa kanya. Hindi rin maipinta ang mukha ni Doctor Fooler na halatang kinakabahan. Si Doctor Sheldon naman ay kalmado lang ngunit walang emosyon na makikita sa mukha niya.

"Diyan lang kayo, kami na ang bahala." Pinigilan kami ng isa pang Doctor kaya wala kaming nagawa kung 'di ang huminto.

Kasabay ng pagpasok ng Doctor sa isang especial room ay siyang pagbagsak ni Doctor Fooler habang naka-dikit sa dingding.

"He's gonna be okay, right?" Hinihingal kong saad habang tinitingnan si Doctor Sheldon.

She heaved a sigh at tiningnan ako.

"Morpheus is strong. Alam kong alam mo na magiging okay siya." She leaned on the floor at umupo nalang din doon.

"Bakit siya nag-gi-glitch? Is he a computer made? Naka-program ba siya sa computer?" Kaka-salita lang ni Sebastian at halata rin sa boses niya ang pagka-gulat.

"No." Biglang nagsalita si Doctor Fooler na kanina pa tahimik. "Morpheus has the ability to leap from one place to another. He can glitch and travel to any directions. Isa si Morpheus sa mga successful na experiments ni Doctor Drech. Ang pagsigaw niya kanina at pag-gi-glitch ay nangyari na noon. After umalis ni Doctor Drech at nang iwan siya samin." May namumuong luha na ngayon sa mata niya at hatalang nalulungkot siya.

"Hindi ko alam kung bakit nagka-ganon si Morpheus. Wala akong maisip na dahilan maliban sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Sebastian," saad ni Doctor Sheldon.

"Oo nga, maybe he was upset or sad dahil tinulungan mo si Sebastian kanina. Morpheus already liked you Ally, he wanted you to be his owner," sagot ni Doctor Fooler

Hinri ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaction ko sa sinabing iyon ni Doctor Fooler. Si Morpheus? Gusto niya akong maging amo niya? Bakit?

"Hi-hindi ko po maintindihan.." ani ko.

"Morpheus is a class C monster Ally. Sila 'yung mga mutated animals na namimili ng magiging amo nila. Some of them uses their instinct and senses upang makahanap ng isang amo. And I think, gustong-gusto ni Morpheus ang ugali mo." She smiled at me and sighed.

"Wala bang masamang mangyayari sa kanya?" Tanong ni Sebastian.

Kanina lang ay halos isumpa niya si Morpheus pero ngayon, halata sa mukha niya ang paga-alala.

"We'll let him rest muna siguro. Tuturukan siya ng pampa-kalma ng Doctor at bukas na bukas magiging okay na siya." Tumalikod na si Doctor Sheldon at nagsimula ng maglakad.

"Wait up She!" Sigaw ni Doctor Fooler at sumunod na rin.

Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa room namin. Ramdam ko na naka-sunod si Sebastian sa 'kin at naririnig ko rin ang mga yapak niya. Tulala lang ako habang naglalakad dahil sa dami ng mga katanungan na gusto kong masagot.

Asan nga ba talaga si Doctor Drech? Bakit siya umalis at iniwan si Morpheus dito?

Hanggang sa makarating kami sa room namin wala parin ako sa sarili. Agad akong sinalubong ni Xing Che pero, nilagpasan ko lang siya.

"Problema niya?" Rinig kong tanong niya kay Sebastian.

Hindi nagsalita si Seb at alam kong ramdam niya na ayaw kong magsalita siya. Kahit sobrang ingay nila ay hindi ko magawang tingnan sila isa-isa dahil merong bumabagabag sa 'kin.

"Ally, oy.. okay kalang?" Saad ni Mecca habang naka-hawak sa balikat ko.

"Huh? Ah Oo, okay lang ako Mecca.. may bumabagabag lang sa isipan ko." Umayos ako ng upo at tiningnan siya.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon