Caged 22

943 41 12
                                    

Chapter 22

WARNING : THIS CHAPTER IS UNEDITED! TAMAD ANG AUTHOR.

"Alodia! Anak, bumalik ka."

The man is hugging me tightly. Ramdam ko sa boses niya ang pagsusumamo at kasiyahan. But, he called me Anak. I've felt my heart racing and I can't even speak. I was caught off guard at ang tanging nagawa ko nalamang ay ang matulala.

"Doctor Drech! Nandito kalang pala!" Sigaw ng isang babae.

She was with some guards at medyo nagulat pa siya sa posisyon namin nitong lalaki na tinawag niyang Doc---- teka, Si Doctor Drech nga ito. Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako.

"Si Alodia! She's back. Bumalik ang Anak ko," saad niya at hinawakan ang mukha ko.

Mas naaninag ko ng mabuti ang mukha niya ngayon. He looks old ngunit parang masigla parin siya at malakas ang tuhod. He got white hair at medyo makunat narin ang balat niya sa mukha at kamay.

"Doctor Drech, hindi po siya si Alodia... isa po siyang trainee dito sa lab mo," saad ng babae at hinawakan si Doctor Drech sa balikat nito.

"Hindi! Siya ang Anak ko.. bumalik siya! Anak, ako 'to.. ang Ama mo." Nagumpisa na siyang maluha at nagpupumiglas matapos siyang hawakan ng iilang guards sa braso.

"Umalis na po tayo.. oras na para sa treatment niyo."

"Teka! Sandali! Ang Anak ko!" Sigaw niya habang kinakaladkad papalayo.

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Nawala na ng tuluyan si Doctor Drech pati na rin ang ibang guards. Bumalik ang diwa ko ng biglang hinarangan ng babae ang eyesight ko.

"Anong pangalan mo, trainee," tanong niya.

Napakurap ng ilang beses ang mata ko bago ako naka-sagot sa kanya.

"A-Ally po. Allystaire Rettman," saad ko.

"I know you're surprised to what really happened earlier. I apologize for the behavior of Doctor Drech, ang nakita mo kanina ay epekto ng pagka-karoon niya ng edad. I am hoping that you'll keep this as a secret, for the sake of your safety and life."

Kahit na kinakabahan ay mariin akong tumango sa kanya. I think isa rin siyang doctor dahil naka-puti rin siya gaya ng iba. She's wearing an eyeglasses at mukha naman siyang mabait.

"I am Doctor Mandy, it is my pleasure to meet you," she said and held her hand.

Tinanggap ko ang kamay niya at kinamayan siya.

"Nice meeting you, Doctor Mandy." I said at tumalikod.

Mabilis akong naglakad pabalik sa venue. Nasa loob parin sila ng Central Circle at mukhang interesado talaga sila na makita si Doctor Drech. Too bad ako 'yung nauna na makita siya at yumakap pa sa 'kin mismo. And he even called me Anak! Goodness gracious!

"Okay kalang? Namumutla ka ata?" Bungad na tanong sa 'kin ni Xing Che.

Umiling ako at ngumiti.

"Okay lang ako.. medyo sumakit lang ang tiyan," I said.

Hindi na siya ulit nagtanong pa at nakipag-usap ulit kay Mecca. Naramdaman ko na may-umupo sa gilid ko at dumikit. Nilingon ko ito at nakita si Senior Seb na naka-tuon ang atensyon sa stage.

Umusog ako ng kaunti dahil masyado siyang madikit. Pero, habang umuusog ako.. umuusog rin siya papalapit ulit sa akin. Tiningnan ko ulit siya pero naka-tuon lang ulit ang atensyon niya sa harap. I tried to adjust at umusog ulit, pero umusog lang din ulit siya na parang walang nangyari.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon