Caged 30

912 37 4
                                    

Chapter 30

  WARNING! WARNING! WARNING!
                 UNEDITED PO ITO!

***

Grasses, I can feel grasses around me. Unti-unting napadilat ang dalawang mata ko at nakita ang napakagandang kalangitan. Malalaki ang puting mga ulap at maliwanag ang sikat ng araw.

Dahan-dahan akong bumangon at nadama ang simoy ng malamig na hangin. Tahimik ang paligid at tanging ang pagsasayaw lamang ng mga bulaklak ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngunit ito na ata ang isa sa pinaka-magandang lugar na nakita ko. Tuluyan akong tumayo at naglakad-lakad. Dinadama ko ang mga bulaklak na nasasagiran ng dalawang paa ko. Iba-iba ang kulay at iba-iba rin ang laki. Kumuha ako ng isa at inamoy agad ito. Sobrang bango nito at umaapaw ang halimuyak.

"Ally!"

Napahinto ako sa paglalakad at agad na hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong makitang tao maliban sa akin.

"Ally, I'm here."

"Where are you? Hindi kita makita!" Sigaw ko pabalik.

Katahimikan ulit ang narinig ko at nawala ang boses. Labis man ang pagtataka ay nagsimula ulit akong maglakad. Nakangiti habang tinatanaw ang sikat ng araw at hinahaplos ang mga bulaklak.

"ALLY!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaking naka-suot ng itim na balabal at nakatakip sa kanyang mukha. Agad akong napaatras dahil sa takot.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Natatakot na tanong ko.

"Sumama kana sa 'min. Kailangan ka ng ama mo, Ally."

"Hindi! Ayoko! Lubayan mo 'ko!" Natatakot na sigaw ko.

Tatakbo na sana ulit ako ngunit agad akong napahinto matapos makita ang dalawang lalaki na naka-suot rin ng kulay itim na balabal at nakatakip ang mukha. Unti-unti silang dumami sa harap ko.

Ally

Ally

Ally

Ally

"Tama na! Umalis kayo!"

Dahil sa takot ay napaupo nalamang ako habang umiiyak. I covered both of my ears and screamed.

"ALLY! ALLY GISING! NANAGINIP KA!"

"Aaaaaah!!!!" Malakas na sigaw ko at napadilat agad ang dalawang mata.

Mukha agad ni Xing Che ang nakita ko habang hinihimas ang aking mukha. She looks so worried at ramdam na ramdam ko iyon.

"Calm down, okay? Nandito kami... panaginip lang 'yun." Saad niya.

Tinulungan niya akong makabangon mula sa pagkakahiga. I gathered up enough oxygen bago ko tiningnan ang paligid. I can hear the chirpings of every birds at malalagong puno ang nakikita ko. Puno ng dahon ang hinigaan ko kanina at sila naman ay pinalibutan ako.

"Are you all right? Mukhang masama ata ang panaginip mo," rinig kong tanong ni Senior Krishna.

"Medyo masakit lang ang ulo ko. Tsaka, tama ka, hindi rin maganda 'yung panaginip ko senior," sagot ko.

Ayokong magalala pa sila kaya hindi ko na sinabi kung ano ang napanaginipan ko.

Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala si Senior Seb. Agad akong kinabahan dahil wala siya sa mga kasama ko.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon