Caged 4

1.5K 132 60
                                    

Chapter 4

"Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa no?" Confused na tanong ni Mecca sa'min.

Napatingin naman ako kay Xing Che.

"Hindi ko din alam eh," ani niya.

Huminga nalang ng malalim si Mecca at nagpatuloy sa paglalakad.

Pabalik na kami ngayon sa room namin dahil kakatapos lang naming kumain ng breakfast.

Kanina ay usap-usapan parin ang pag-aaway ng dalawang lalaki.

"Kukunin ba ang powers nila?" Tanong nanaman ni Mecca habang papasok kami sa loob.

"Hindi Mecca, ipapasok lang sila sa Control room para mabigyan ng disciplinary action," sagot sa kanya ni Xing Che at umupo sa kama namin.

"Anong hitsura ng control room?" I asked curiously.

"Wala naman, normal na kulay puti na kwarto lang. Pero sa pagkaka-alam ko kapag pumapasok ka daw sa control room ay bumabalik sa zero ang ability mo, it only means na mawawala ang ability mo sa loob at babalik lamang kapag lalabas ka," aniya.

Sobrang advanced nga talaga nitong Gate 8 Lab dahil kumpleto sila sa kagamitan at iba pa. Sana lang hindi palabasin ang dalawang lalaki na nagaway kanina.

"Guys? Nakita niyo ba 'yung ginawa ng boys kanina? Pinalibutan pa talaga nila tayo para hindi tayo masaktan," kinikilig na saad ni Xing Che.

"Ang astig nga nila ni Senior Seb, hinila niya ako kanina para papasukin sa loob ng bilog na ginawa nila," tuwang-tuwa na giit ni Mecca.

I smiled at them dahil sa sinasabi nila.

It was an heroic act. Kahit sinong babae ay kikiligin sa ginawa kanina ng boys.

"Ganyan talaga silang lahat Mecca, pati na si Seb. Wag kayong maingay huh? Pero humahanga talaga ako sa kanya. Siya talaga 'yung lalaking tipo ko at gusto kong makasama," sabi ni Xing Che at humiga sa kama niya.

I already knew this. Ramdam na ramdam ko ang paghanga ni Xing Che kay Seb. Alam ko din na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya dahil kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.

"Si kuya Jaime din naman, he's protective too. Kanina nga binalatan niya ang matinik na prutas na kinakain ko. Sabi niya wag daw ako basta-bastang kakain no'n dahil masakit ang tinik," saad din ni Mecca.

Sabay silang tumawang dalawa at nag-apir pa.

"Ikaw Ally? Wala ka bang hinahangaan sa kanila?" Tanong ni Xing Che.

I know masasaktan siya pag sinabi kong humahanga din ako kay Seb kaya iba nalang ang sinagot ko.

"Humahanga ako sa kanilang lahat dahil handa silang protektahan tayo sa anumang bagay," aniko.

Tumango silang dalawa at sumang-ayon din sa 'kin.

"May tanong pala ako sayo Xing," aniko.

Tumingin sa 'kin si Xing Che at tumango.

"Sure, ano 'yun?" Aniya.

"Matagal ka na ba rito?" I asked.

"Noong isang taon lang ako pumasok dito. Kasabay ko sina Keller, Zonic at Atlas," she said.

"What about Kuya Jaime, Brant, Luther at Sebastian? Magkakasama din ba sila?" Aniko.

Umayos siya at umupo sa hinihigaan niya.

"Ang sabi ni Kuya Jaime ay magkasama daw silang dalawa ni Sebastian na pumasok dito. Si Brant at Luther naman ay naunang pumasok sa'min ng limang buwan," sagot niya.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon