Caged 44

746 27 2
                                    

Chapter 44

          ● This chapter is unedited ●

---

Ten years ago, I am only an ordinary little girl who's trying to control her ability for almost everyday. Grew up without her parents beside her, while having an endless questions inside her head. I was abandoned. Lady Eren told me that I am the only one who survived during the war that was happened way back those years.

Months ago, I went inside this laboratory because of my ability. I want to use it to find my real parents and answer the questions that has been bugging me. And Lolo Drech came, who happened to be my Grandfather. The only family that I have now.

But, sometimes, when time and tragedy collide... everything falls back into its places.

Unti-unting binaba ni Aeneas ang kanyang pulang hood at tumambad sa aming lahat ang mukha niya.

Punong-puno ng itim na ugat ang kanyang mukha papunta sa kanyang mga mata. Nakaka-takot. Sobrang nakakatakot ang mukha niya. Pero sa kabila ng mga lumalabas na itim sa kanyang mukha ay naaninag ko ang mukha niyang kasing edad lang ata ni Lady Eren. He's not that old yet, just like what I have imagined. Maputi siya, kulay pula ang buhok at matangkad. He gave me a smile at humakbang ng dalawang beses.

"Allystaire Rettman."

'Yan lang ang sinabi niya pero sobrang lalim ng kanyang boses at medyo may galit.

"I've been waiting for you, finally."

I composed myself at huminga ng malalim. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako. I need to be brave, just this once.

"Anong kailangan mo sakin?" I asked firmly.

"Ako? No, I don't need anything from you. Pero, si Lord Aeneas meron," saad niya at humalakhak.

Napatigil ako. Anong ibig niyang sabihin? Hindi siya si Aeneas? Wala rito si Aeneas?

"Anong kailangan niya sakin? Bakit niya ako kilala?!" Sigaw ko.

"Wag kanang maraming tanong, Rettman. Sa totoo lang, hindi naman talaga namin balak sirain itong laboratoryo. Ikaw lang talaga ang ipinunta namin dito. Kailangan ka namin."

Umiling ako at napabuga ng hangin. Ang ginawa nilang paglusob sa ibang bayan dito sa East Creek, dahil lang sakin? Kahibangan!

"A-Ally."

Nabigla ako at agad na napatingin kay Sebastian na nanghihina. Nakatingin siya sa akin at ramdam ko sa kanya ang sakit at pagod.

"Senior! Wag ka masyadong gumalaw! Kami ng bahala rito!" Sigaw ko.

Tumawa ng malakas ang lalaki sa harap ko at umiling.

"Nakakaawa naman kayong tingnan. Mga kabataan nga naman. Buti nalang at binuhay pa namin ang isang 'to Rettman. Hindi niyo naman kasi kailangan pang lumaban. Matiwasay kaming aalis pag-sasama ka," wika ng kalaban namin.

"Hinding-hindi niyo makukuha si Ally!" Malakas na sigaw ni Rykee sa likod ko.

"At sino ka naman bata?" Natatawang saad ng kalaban namin.

Tumawa si Rykee at inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang bewang.

"Bat ko naman sasabihin sayo? Sino ka ba? Hindi ka naman si Aeneas, ulol!"

"Marahil ay hindi nga ako si Aeneas, dahil ako ang kanang kamay niya. Inferno at your service," saad ni Inferno at yumuko pa.

"Bagay nga sayo ang pangalan mo, demonyo ka," sagot sa kanya ni Doctor Fooler.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon