Sing 9

129 8 4
                                    


Chapter 9


THIS IS UNEDITED

---


My mother is alive.

Nakapaloob mismo sa sulat na ibinigay sa akin ni Doctor Fooler kung saan huling nakita ang ina ko. I was left dumbfounded and at the same time relieved. Nakaramdam din ako ng kaba dahil kahit kailan ay hindi ko na naisip na maaaring buhay pa siya.

Lolo Drech told me na wala na siya, naniwala ako kasi sa bibig niya mismo galing. Now, hindi ko alam kung maniniwala ako dahil hindi parin nakikita ng dalawang mata ko ang katotohanan.

"Ally pakikuha naman ng ibang gamit ni Fooler sa itaas," utos sa akin ni Doctor Sheldon.

Tumalikod ako sa kanila at umakyat sa hagdan. Hanggang ngayon ay hindi parin naaalis sa isip ko ang balita ni Doctor Fooler tungkol sa ina ko, tapos ngayon pa ang alis niya papunta sa gitnang syudad nitong ForthMankell.

He needs to talk to the president of this country and he will flew without us. We cannot assure his safety kaya pinasama ni Master Kenzu ang pinakamalalakas niyang tauhan dito sa Mt. Pollo.

Dumeretso ako sa itaas at pumasok sa loob ng kwarto ni Doctor Fooler. Bumungad ang ibat-ibang bonsai na naka-display sa aparador niya at ibang bahagi ng kwarto. Mayroon ding mga chemicals na naka-silid sa iilang bote.

Lumapit ako sa kanyang kama at kinuha ang isang maliit na bag. Ito siguro ang naiwan niyang mga gamit. Pagkatapos ko itong kunin ay bumaba ako at sinalubong ng mga kaibigan ko.

"Sure kana ba talaga, doc? Hindi mo talaga kami isasama?" Huling tanong ni Drake kay Doctor Fooler.

Tumawa lang ng mahina ang doctor at tinapik niya ang balikat ni Drake.

"Just wait for me here, ibabalita ko lahat sa inyo," wika niya at naglakad papunta sa sasakyan.

They'll be using a bigger mode of transportation because he'll be leaving with an army. Kailangan niyang maging ligtas hanggang sa makarating sila sa gitnang syudad nitong ForthMankell.

Sinamahan namin siya hanggang sa makarating kami kung nasaan naghihintay ang wingship na sasakyan niya. Ito rin 'yong wingship na sinakyan namin noong tumatakas kami sa Gate 8 Lab.

"Sinong magpapalipad nitong wingship?" Tanong ni Lady Caren.

Kinuha ni Doctor Fooler ang bag niya sa lupa at binuhat ito.

"Si Captain Spinx at ang intern niya."

Sakto naman ang pagdating ni Captain Spinx at napatingin kami sa kanya. Nakasuot siya ngayon ng green na uniform at may desinyo ng puno sa gilid. Nasa tabi rin niya ang isang lalaki na ka-edad lang din namin.

"Magandang umaga sa inyong lahat," bati ni Captain Spinx.

"Magandang umaga po!" Sagot namin.

Isa sa pinakamahusay na kapitan ng wingship si Captain Spinx dahil nag-aral siya mismo sa paaralan. Isa rin siyang anak ng mayaman na opisyal sa ForthMankell kaya masasabi kong maswerte kami dahil naging tapat na kapitan si Captain Spinx sa Gate 8 Lab.

"Mag-training pa kayo ng mabuti para lalo niyong ma-control ang mga kapangyarihan ninyo. Huwag kayong mag-alala, may maganda na akong balita pagbalik ko," wika sa amin ni Doctor Fooler bago siya tumalikod at naglakad papasok ng wingship.

I waved my hands at them habang pataas ng pataas ang sinasakyan nila. Hindi naalis sa mga labi ko ang ngiti habang tinatanaw namin ang papalayong wingship. Sana ay maging maayos ang paglalakbay nila, at sana ay makaharap nila si President Sky.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon