Sing 8

222 9 2
                                    


Chapter 8

THIS IS AN UNEDITED CHAPTER
READ AT YOUR OWN RISK.

---

"Celery!" Tawag ko sa kanya at mabilis na lumapit.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

Agad akong ngumiti ng malaki at hinawakan siya sa kanyang pulso. Hinatak ko siya palapit kay Rykee at may ibinulong.

"Rykee has something to tell you," bulong ko sa tenga niya at agad na tinapik ang kanyang pisngi. "Ikaw nang bahala sa kanya."

Pagkatapos kong makalusot sa kanila ay agad akong naglakad paalis. Rykee called me pero hindi na ako lumingon pa. Sana talaga mag-aminan na silang dalawa. Ilang taon na ang nasayang, hanggang ngayon nagtataguan parin sila ng nararamdaman sa isat-isa.

Pagdating ko sa bahay namin ay tulog na silang lahat maliban kay Xing Che na nasa sala at umiinom ng kape.

"Can't sleep?" Tanong ko sa kanya at tumabi.

Agad siyang umusog sa sofa at pinaupo ako.

"Ang daming pumapasok sa isip ko," sagot niya.

"Like what?" I asked back.

Nagpakawala muna siya ng buntong hininga bago inilapag ang tasa sa coffee table na kahoy.

"My brother, and our mission. We've been here for years. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba ang kapatid ko. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. It's just that, feeling ko ang dami na nating mga oras na nasayang."

I gave her a fragile smile and leaned in the couch.

"I've thought about it too. Pero wala pa kasi tayong lakas para kalabanin sila. We still need to master ourselves. Kung pwede nga lang sumugod na agad tayo eh, kaso dehado pa tayo," ani ko sa kanya.

Aaminin kong malalakas ang ability naming lahat kung pagsasama-samahin. Pero kaunti palang sa amin ang talagang naka-master palang sa paggamit. Gaya ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang kontrolin ang sarili kong ability. Kailangan pa ng maraming trainings at concentrations. Pero nararamdaman kong malapit na at lalo akong lumalakas.

"Tulog na tayo," yaya ko sa kanya at tumayo.

"Sige, mauna kana."

Tumango ako at dumeretso sa kwarto. Paghiga ko ay agad akong napatingin sa ceiling. Hanggang ngayon ay iniisip ko na parang may kulang sa akin. Maliban sa mga magulang ko na hindi ko nakilala, may isang tao talaga na parang gustong-gusto kong makita.

Kinabukasan ay maaga kaming lahat na nagising dahil sa ingay ni Keller. Paulit-ulit niya kasing kinu-kwento ang panaginip niya kagabi.

"Ganito kasi 'yan, Allybabes. Nandoon daw ako sa malawak na burol, nakatingin sa kawalan. Tapos may bigla nalang tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko, isang magandang babae. Bigla siyang lumapit at hinalikan ako!" Aniya habang nag-aagahan kaming lahat.

"Kilala mo ba ang babae?" Tanong ko.

Mabilis siyang umiling at uminom ng tubig. "Hindi ko kilala, pero feeling ko talaga siya ang magiging asawa ko."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon