Caged 41

670 27 7
                                    

Chapter 41

(: Unedited :)

---

Sunod-sunod na pagsabog at malalakas na sigawan ng lahat ng narito sa loob ang naririnig ko. Sobrang nagkaka-gulo ang lahat at bawat deriksyon ay may tumatakbo o 'di kaya ay nadadapa.

Naghalong kaba, takot, at pagka-taranta ang nararamdaman ko ngayon. Mabuti nalang ay naka-suot ako ng panloob na damit kaya pagkatapos kong hubarin ang malaki kong damit ay inihagis ko ito sa isang gilid. Naka-kulay itim na ako ngayon pati na rin ang short ko. Nakasunod lang ako kay Lolo at ibang doctor kasama ang nakapalibot na mga security sa amin. The guards were so fast, agad nila kaming kinuha ni Lolo at idinaan sa likod.

"Lolo! Anong nangyayari?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko alam, Apo. Maybe Aeneas is already here. We need to get out." Parang kinakabahan rin na saad ni Lolo.

"Pero, Lo! Paano po 'yung ibang mga doctor? Ang mga trainees? Ang mga kasamahan ko?!"

Huminto si Lolo saglit at tumingin sa akin.

"We don't have much time, Apo. Kailangan nating mapunta sa maayos na lugar. Don't think about them! Maraming guards ang nakapalibot dito."

Medyo nagulat ako dahil sa sinabing iyon ni Lolo. He is the owner of this Lab and he is somehow responsible for everything that is happening here. What if may maraming mamatay? Ang mga kasamahan ko? What if may mangyaring masama sa kanila?

"Ally!"

Agad akong napalingon dahil sa isang pamilyar na boses sa likuran namin.

"Lady Erin?" Malakas na sigaw ko habang nanlalaki ang dalawang mata. "Lady Erin!"

Mabilis akong kumilos at tatakbo na sana papunta sa kanya ng bigla akong pinigilan ng dalawang guard sa gilid ko. Nagpumiglas ako at pilit na kumuwala sa kanila.

"No please! Gusto kong makausap si Ally!" Sigaw ni Lady Erin na ngayon ay pinipigilan na rin ng ibang mga guard.

"Ally we need to go!" Sigaw ni Lolo sa likuran ko.

Galit akong napatingin sa kanya.

"No! Everyone is in danger! Sorry Lolo, pero sa oras na 'to, susuwayin muna kita."

Malakas kong itinulak ang dalawang guard na nakahawak sa akin at agad na tumakbo papunta kay Lady Erin. Buti nalang ay nakawala din agad si Lady Erin sa pagkakahawak ng dalawang guard kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Ally! Come back here! Wag mo 'kong gagalitin!" Sigaw ni Lolo sa akin.

"Let's get out of here, Lady Erin," saad ko at hinawakan ang kamay niya.

Sabay kaming dalawa na tumakbo pabalik sa dinaanan namin kanina. Kahit labis ang pagtataka ko kung bakit siya narito, binaliwala ko nalang ito at nag-focus sa pagtakbo.

"Si Doctor Drech 'yun, 'di ba?" Hindi makapaniwalang saad ni Lady Erin.

"Opo," sagot ko habang patuloy na tumatakbo. "And unfortunately, siya ang nawawala kong Lolo."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon