Caged 8

1.2K 96 30
                                    

Chapter 8

"Ok lang ba siya?"

"She'll be fine, I think."

Unti-unti akong napadilat dahil sa mahihinang bulong sa paligid ko. Naramdaman ko ang masakit na pangangatawan at panghihina ng mga tuhod.

What happened? Wala akong matandaan.

"She's awake!" Xing shouted as soon as I opened my eyes.

Pinilit ko ang pagbangon upang umupo sa hinihigaan ko. Everyone is staring at me like I've done something wrong.

"Ba-bat ganyan kayo makatingin?" I asked.

"Buhay ka nga," di makapaniwalang saad ni Keller na agad na binatukan ni Zonic at Atlas.

"Nagiisip ka ba Keller? Malamang buhay 'yan kasi humihinga," Luther said sarcastically.

"Sorry naman, akala ko kasi talaga hindi na siya makakalabas sa loob ng tiyan ng ahas," mahinang sabi nito.

"Ako din, hindi kasi gumalaw ang ahas kanina matapos siyang malunok," ani ni Zonic.

Lumapit si Mecca sa 'kin at pina-inom ako ng tubig sa isang lalagyan.

"Ok ka naba Ally?" Tanong niya.

"I'm alright Mecca, medyo mahapdi lang ang kamay ko at nanghihina ang mga tuhod ko," I said to her while holding the bottle.

"Ang galing mo kanina Ally! Sobrang tapang ng ginawa mo. Hindi ko naisip na gagawin mo 'yun kanina," bakas sa boses ni Xing ang tuwa at pagka-mangha.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagtugon. Nabigla sila kanina sa ginawa ko peru wala man lang akong maramdaman na kakaiba o pagkamangha sa sarili ko.

"Bakit mo pala naisipang magpa-lamon sa Ahas? Sobrang dilikado ng ginawa mo Ally," biglang singit ni Atlas.

"Wala naman na kasing ibang paraan para mapatay ang Ahas na iyon kaya ginawa ko ang dapat gawin," ani ko sa mahinang boses.

Napatingin kaming lahat sa taong biglang dumating. It was Sebastian, dala-dala niya ang iilang gamit para sa paghahain ng pagkain.

"Gising na siya Senior," puna agad ni Keller ng makalapit si Seb.

"Mabuti, kumain na tayo, kailangan nating mabawi ang mga lakas natin," aniya at inilapag ang mga gamit.

Agad ding nagsimula ang lahat sa paghahanda ng pagkain. Palubog na ang araw at medyo madilim na ang paligid.

"Ang bango naman niyan!" Natatakam na saad ni Mecca.

Pabilog kaming umupo sa sahig habang naghihintay sa signal ni Senior na pwede nang kumain.

Everyone is staring at him.

"Kailangan mahanap natin agad ang portal bukas bago paman tayo mapatay lahat dito," panimula niya.

Nakita ko ang paglagok ni Zonic ng lalamunan niya habang seryosong nakatingin kay Seb.

"Kung hindi natin mahahanap ang portal ay maaari tayong ma-trap dito at hindi na makalabas. Maaga tayong aalis bukas at babalik sa City," pagpatuloy niya.

"Senior, maaari tayong mahirapan sa paghahanap ng portal dahil masyadong malaki ang City na iyon," puna ni Jaime.

Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya. Sa sobrang laki ng City ay aabutin kami ng ilang araw sa paghahanap ng portal not unless kung alam namin ang buong lugar at may dala kaming----

"Mapa," biglang sabi ko.

Napatingin silang lahat sa 'kin na may pagtataka.

"Huh? Anong mapa ally?" Confused na tanong ni Atlas.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon