Caged 6

1.2K 114 53
                                    

Chapter 6

"Wag niyong hayaang makalapit sila!" Malakas na sigaw ni Seb habang mabilis na tuma-takbo kasama namin.

"Sa'n ba nanggaling ang mga 'to? Ang lalaki naman ata nila!" Sigaw din ni Xing Che.

Muntik nang makagat si Keller pero bigla niyang sinuntok ang Gagamba kaya basag ang mukha nito.

"Lumalapit na sila!" Kabadong sigaw ni Luther.

"Malapit na lang din tayo sa building, kunting bilis pa!"

Kahit kabado ang lahat ay mabilis kaming tumakbo papunta sa building. Sinu-suntok ni Seb ang mga sasakyang naka-harang kaya nakakadaan kami ng maayos, ang advantage din sa kanya nito.

Tanging sina Keller lang at Seb ang gumagamit ng ability sa amin dahil sila lang ang may kakayahang lumaban.

Kahit gustuhin ko mang tumulong ay hindi ko maramdaman ang buto ng mga gagamba.

Ngayon ay nasa daan na ang mga gagamba at sinusundan kami ng mabilis.

Pilit namang sinusuntok ni Keller ang mga lumalapit sa amin.

"Dumadami sila!" Sigaw ni Brant nang mapansin ang pagdami ng mga gagamba.

I heard Sebastian cussed, at bigla siyang pumunta sa gilid at binuhat ang malaking sasakyan. Walang kahirap-hirap niya itong inalsa at pumagitna.

"Zonic! Cover me!" Agad na sigaw niya kay Zonic.

"I'm here Senior!" Puna ni Zonic.

Mabilis na hinagis ni Sebastian ang sasakyan papunta sa mga gagamba. Marami ang natamaan peru ang iba ay umiwas. Pagkatapos ng pag-hagis na iyon ay sinundan ito ng malakas na Sonic Scream ni Zonic na halos ika-bingi ng mga tenga namin.

Marami ang nalagas na gagamba pero meron paring natira.

"Go inside the building!" Mabilis na utos ni Sebastian.

Nauna agad na pumasok si Mecca at Xing. Sumunod sina Atlas at Luther pati na rin si Jaime at Brant.

Nagpaiwan si Zonic, Keller at Sebastian kaya nagpaiwan din ako.

"Ally! Get inside the building! Kaya na namin ito," rinig kong sabi ni Keller habang hinahanda ang mga kamay.

"No! Tutulong ako! I can destroy them," aniko.

Hindi ako napansin ni Zonic at Sebastian dahil patuloy sila sa paglaban.

"Ally! Pumasok ka na dito!" Rinig kong sigaw ni Xing mula sa loob ng building.

Hindi ako nagpatinag at itinuon ang atensyon sa mga kalaban.

"Lalo silang dumadami," sabi ni Zonic na ngayon ay hinihingal na.

Hindi na nila kakayanin ang paparating na mga gagamba kaya nagsimula na silang umatras.

"Let's get inside!" Sigaw ni Sebastian kaya agad kaming tumakbo.

Mabilis na nakapasok sina Keller at Zonic, at nagpaiwan pa ng kaunti si Sebastian.

Tatakbo na ulit sana ako nang biglang tumama ang paa ko sa bato kaya nadapa ako.

Narinig ko ang malakas na mura ni Sebastian nang makita niya ako. Papalapit na ang mga gagamba ngunit nawalan na ako ng lakas para tumayo.

"Ally!"

"Ally! Get up!"

Rinig kong sigaw ng iba. Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko kaya. Nakita ko ang malakas na pagbato ni Sebastian ng isang sasakyan at agad siyang lumapit sakin para buhatin ako.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon