Caged 15

976 61 17
                                    

Chapter 15

Hingal na hingal kaming lahat matapos naming mapatay lahat ng halimaw. Nagkalat ang dugo sa bawat parte ng kawatan namin at tanging ang mabibigat na hininga nalamang namin ang naririnig sa kawalan na ito.

"Sobrang easy naman nito, 'di manlang ako pinag-pawisan," ani ni Keller at umupo sa kinata-tayuan niya.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Luther at Jaime kaya napatawa nalang din kaming lahat.

Hindi naging madali ang pagpatay namin sa malaking palaka na 'yon. Sobrang laki kasi at sobrang likot kaya di kami maka-timing. Buti nalang natamaan ni Sebastian ang puso ng halimaw na 'yon.

"Let's go, kailangan pa nating magpalit." 

Nauna ng pumasok sa portal si Sebastian at sumunod din naman agad kaming lahat.

Sinalubong agad kami ni Doctor Luminos at ng susunod na papasok sa portal.

"Great job guys, keep up the goodwork," masayang tugon ni Doctor Luminos.

Lahat ng ibang class ay nakatingin sa amin ngayon.

"Swerte-swerte lang 'yan." Narinig ko ang boses ni Drake sa gilid kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Swerte kasi may kasamang malakas," dugtong ng isang kasama niya.

Hindi sila pinansin ni Seb at nauna na itong lumabas kasama ang iba pa. Aalis narin sana ako ng bigla akong harangin ni Drake.

"Hi babes, hindi ko alam na marunong ka palang gumamit ng item na iyon, lalo ka tuloy nakaka-inlove."

I rolled my eyes on what he said. Halatang nang-aasar lang siya at alam kong bored nanaman ang lalaki ito.

"Alis." Ayokong mag-mukhang mataray kaya kinalma ko muna ang sarili ko.

"What if, ayaw ko?" Pilyo niyang saad at ngumiti pa ng nakakaloko.

Nakita ko sa peripheral vision ko si Cassande na nakatingin sa aming dalawa. Muntik ko nang makalimutan, kasama niya nga pala itong si Drake sa class nila.

It was very ironic knowing that I treated her like my bestfriend and now she's staring me like I'm a total stranger to her. Ano kayang ginawa nila sa kanya?

"Wala ako sa mood makipag-biruan sayo Drake, I need to clean up myself, alis." Ngayon ay mas seryoso na ang boses ko.

"I could clean yo----"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang kinabig ni Sebastian upang maalis siya sa harap ko at mapunta sa gilid.

Hinawakan ni Sebastian ang kamay ko at tiningnan si Drake.

"Block her way again, and I'll hit your disgusting face using my fist."

Hinila niya agad ako papalabas ng room na iyon. I even saw his clenched jaw habang tinatahak ang daan pabalik sa area namin.

"Anong nangyari sayo? Bakita natagalan ka?" Bungad agad ni Xing Che sa 'kin.

"Hinarang ako ni Drake."

"Binastos kaba? Ano? Sinaktan ka?" Hysterical na saad ni Mecca at ini-scan ang katawan ko.

"I'm all right, lumayo ka Mecca, ang baho nitong suot ko," ani ko habang pilit na lumalayo sa kanya.

"Oo nga, sige magpalit kana," aniya at tinulak ako.

Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng cleaning room. Pagkatapos kong maligo ay pumunta agad ako sa kwarto namin.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon