Caged 13

933 62 7
                                    

Chapter 13

"Sino ka?"

Napako ang paningin ko sa nag-iisang tao na narito sa loob ng kwartong ito. Kahit mukhang pagod at malalaki ang eyebags niya, gwapo parin siya at nakaka-akit parin ang mga mata niya.

"Ah, miss? Sino ka?" Paguulit niya.

Lumunok ako ng isang beses bago nagsalita.

"Huh? Ah.. ano.. pasensya na po, naliligaw po kasi ako, kaya po nakapasok ako. Sorry po talaga," pagdadahilan ko.

Aalis na sana ako at tutungo sa pinto ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Teka lang, anong pangalan mo? Tsaka, kung naliligaw ka, diba dapat nanghihingi ka ng tulong?" Nagtatakang saad niya.

Lumunok ulit ako at umayos ng tayo.

"Ally, my name is Ally," matapang na saad ko.

Mukhang harmless naman nag doctor na ito, mukhang sabog nga lang.

"Ako si Doctor Fooler, narito ka ngayon sa loob ng Man Made Forest. Halika," aniya at tumalikod sa akin.

Alam kong mali itong ginagawa ko ngayon. I shouldn't have entered this room in the first place. But, I am already here. Nakita na niya ako, at kailangan kong malaman kung anong narito sa loob.

"Wait," He said, and made a halt. "Trainee ka ba dito sa loob ng Gate 8 Lab?" He asked.

"Yes Doc, narito po ako para sa training," sagot ko sa kanya.

Nakita ko siyang tumango at naglakad ulit.

"At dahil nga narito ka na sa loob nitong mini forest na ginawa ko, kailangan mo itong makita."

Huminto kami sa harap ng mga malalaking baging. Sobrang laki ng bawat baging kaya alam kong mahirap itong hawirin kapag sinubukan ng isang normal na tao.

Pero, nabigla ako ng itaas niya ang kanyang mga kamay at bigla nalang hiniwa sa dalawa ang mga baging at lumikha ng daan. Mukhang alam ko na ang ability niya, he can control the nature!

"Pasok ka."

Wala ng ibang salita ang lumabas mula sa bibig ko. Ang labis na pagka-mangha ko ay nadagdagan pa ng lumantad sa harap namin ang isang sekretong bahay. Parang isang secret hide-out ang bahay dahil gawa ito sa metal at bawat dingding ay matibay.

"Wag kang matakot, may ipapakita ako sayo," aniya.

Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako.

Machines, computers, at ibang electrical wires ang bumungad sa akin. Meron ding ibang chemicals at gamit ng mga scientist ang nasa mesa.

"Welcome to my abode, pasensya kana kasi medyo magulo pa. Kakatapos ko lang ng ginagawa kong experiment at unfortunately, hindi pa siya positive at marami pang mali," malungkot na saad niya habang naka-tingin sa kulay berdeng likido na nasa mesa.

"Anong klaseng experiment po ba ang ginagawa niyo?" Casual na tanong ko at tinatago ang pagka-mangha sa bawat nakikita ko.

"Gumawa ako ng intoxicants."

"Intoxicants?"

"Look at this," aniya at pinakita sa akin ang berdeng likido.

"Ano po 'yan?" Tanong ko.

"Galing ang katas na ito sa pinaghalong katas ng Foile Flower at dahon ng Ponsitas. Kapag pinaghalo ang dalawang sangkap na ito, maari itong maging intoxicants na magagamit ng isang mutant sa ibang hayop o kahit sa kapwa mutant niya," saad niya at pinakita sa akin ang dalawang halaman.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon