Caged 10

1.1K 73 10
                                    

Chapter 10

"Inumin mo 'to,"

Inilagay ni Seb ang isang baso na may laman sa harap ko.

"Ano 'yan?" Takang tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa harap ko at umayos ng upo.

"Sinimon Tea, mainam na pam-patanggal ng pagod at antok," ani niya at ngumuso sa baso.

Agad ko itong kinuha at inamoy bago ininom. Medyo maalat ang lasa niya pero di kalaunan ay nagiging matabang ito.

"Salamat," ani ko at inilapag ang baso.

Medyo gumaan nga ang pakiramdam ko matapos iyong inumin.

"You did great back there."

Napatingin ako sa kanya matapos marinig iyon. Maaliwalas ang mukha niya ngayon at medyo kakaiba dahil maagan ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Pasensya na pala kanina sa sigaw ko, nadala lang talaga ako sa emosyon," ani ko sa kanya at yumuko ng kaunti.

"No it's ok, kung hindi ka sumigaw kanina ay hindi ko malalaman na may leadership skills ka pala," he said and laughed a little.

"Still, dapat hindi ko ginawa iyon, senior pa naman kayong dalawa."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"You really is something Allystaire," makabuluhan niyang saad at nag-crossed arms sa harap ko.

"What do you mean?"

"You're different. You have your own perceptions at ipinaglalaban mo talaga," bakas sa boses niya ang pagka-mangha.

Hindi ko alam pero, iba talaga ang Seb na nakikita ko ngayon. He use to be serious at straightforward, pero kakaiba siya ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Huminga ako ng malalim at naisipang ibahin ang topic naming dalawa.

"Kumusta na daw ba ang babae kanina?" Tanong ko without looking at him.

"She's fine, ginagamot na siya ngayon ng mga healers."

Wala na akong maisip na sasabihin, buti nalang ay papalapit ang mga kasamahan namin sa gawi namin ngayon.

"Heeeeey! Ally!, hello Senior," masiglang bungad ni Keller sa amin.

"Hi," I said.

"Ally! Kumusta? Balita ko ang tapang2x mo raw kanina sa loob ng barko!" Natutuwang saad ni Mecca.

"Oo nga! Kalat na nga sa lahat 'yung nangyari kanina eh, akala kasi nila hindi na kayo makakalabas ng buhay," manghang saad ni Xing Che at naglapag din ng baso sa mesa.

"Wala namang may gusto sa nangyari,  kapag napahamak sila, malalagot ang buong Gate 8 Lab," ani ko.

Tumango-tango silang lahat at sumang-ayon sa sinabi ko.

"Ano ba daw kasi ang nangyari kanina?" Takang tanong ni Zonic.

"Nagkaroon daw ng malfunctions ang machines kanina na ginagamit nila sa weather sa loob ng portals kaya nagkaganon," biglang saad ni Brant.

"What do you mean malfunctions? I thought secured ang machines, 'yan ang sabi nila bago nagsimula ang training," takang tanong ni Jaime.

Natigilan kaming lahat dahil sa kaisipan na iyon. Maliwag ang pagkakasabi nila na maayos daw ang machines at controlled nilang lahat.

"Karaniwang nangyayari ang mga ito kapag sumusobra sa alloted energy at power ang nalalabas ng machines, baka uminit ang chip na pinaglagyan ng data-base at nag-malfunction ang buong system," mainam na paliwag ni Brant.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon