Sing 6

268 14 5
                                    

Chapter 6


THIS CHAPTER IS UNEDITED!


"Feeling better now?"

Napalingon ako kay Rykee dahil sa tanong niya. Nakaupo siya ngayon sa harap ko habang inilalagay ang mga nagawa kong bulaklak sa basket.

"Better than yesterday," I answered him.

"Good, you should always feel better... baka mapatay ako ng wala sa oras," it was a whisper pero narinig ko naman.

Kumuha ulit ako ng panibagong materials at gumawa ng bagong designs. He also started doing the work kahit halatang nahihirapan siya.

"Wala ka bang balak sabihin sa akin kung anong meron sa inyo ni Celery?" I asked him.

Napatingin siya sa akin na parang hindi kanais-nais ang sinabi ko.

"What? Anong meron? Walang meron sa amin, Ally," he said defensively.

I chuckled a bit dahil sa sagot niya. "Ganyan din ang sinabi ni Luther noong inasar ko silang dalawa ni Senior Krishna, but look at them now," sagot ko at tumingin sa dalawa.

Senior Krishna is wiping Luther's neck habang nagtatawanan sila. I smiled widely ng hilahin ni Luther ang kamay ni Senior Krishna at hinalikan niya ito. Pagtingin ko kay Rykee, umiiling na siya at huminga ng malalim.

"The kiss was an accident. Natisod lang ako sa bato dahil sa tulak ni Odette, sumakto 'yung labi ko sa labi ni Celery dahil bigla siyang bumaling sa akin," explain niya.

Lalo akong natawa dahil sa hitsura niya. He looks embarrassed dahil kulay pula na ang tenga niya at namumula na rin ang tungki ng kanyang ilong.

"Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa halik, bakit ang defensive?" asar ko sa kanya. "Saan nga pala kayo pumunta nina Dash at Odette? Wala kayo simula pa kahapon," tanong ko at ibinigay sa kanya ang natapos kong gawa.

"We helped Doctor Fooler to find Inferno and his people. We just need to confirm something," maikli niyang sagot.

"Confirm what? 'di ba nakatakas sila noong nasira ko ang buong Laboratory?"

"He carried your Grandfather's body, Ally. Gusto naming bigyan ng magandang higaan ang lolo mo kaya gusto naming hanapin kung saan nila dinala ang katawan ng lolo mo," he answered and drink a glass of water.

"Yon lang ba?" wala sa sarili kong tanong. Narinig ko kahapon ang pinagusapan nina Drake tungkol kay Senior Seb na hanggang ngayon hindi ko parin kilala o hindi ko maalala. Sabi ni Drake umaasa parin si Rykee na buhay ito. Kaya gusto ko ngayong malaman kung isa rin iyon sa dahilan ng paghahanap nila.

"There's nothing else, Ally," he smiled to assure me.

I nodded my head.

Gusto ko rin naman bigyan ng magandang libing si Lolo Drech dahil masyadong masaklap ang pagkamatay niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit dinala ni Inferno ang katawan niya. Maybe he wants to brag it to Aeneas? na napatay niya ang may-ari ng Gate 8 Lab?

Dahil sa pagkasira ko ng boung Laboratory, nagka-watak-watak kaming lahat. Mabuti nalang at okay naman sina Lady Eren at Doctor Mohac ngayon dahil umuwi sila sa lugar nila para rin magtago. Ang ibang taga East Creek, umalis na rin at nilisan ang buong lugar.

"Do you miss Morpheus?" tanong ni Rykee at binigyan ako ng tubig.

"Oo, gustong-gusto ko na siyang makita. Alam kong nasa mabuting kalagayan siya ngayon, pero hindi ko maiwasang hindi magalala."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon