Caged 37

796 38 4
                                    

Chapter 37

     UNEDITED! UNEDITED!
SORRY SA GRAMMATICAL ERRORS AT WRONG SPELLINGS!

**

"Ba-bakit po merong mga ganito sa lugar na 'to?"

Tinuro ko ang mga naglalakihang statue na naka-paligid sa amin. It was all human-size statues at eleven lahat ang narito sa loob.

"They are the old members of The Birds, Ally. Pinagawa 'yan sa 'kin ni Doctor Drech after all the members of the team was fallen. These statues are built for the mutants to remember their legacy," sagot nito sa akin.

"Pero, there are rumors na maaaring buhay pa po ang ilang myembro ng The Birds, Doctor Dust," I said.

"It was only rumors, Ally. Walang kasiguraduhan. Maraming taon na rin ang nagdaan mula noong sumugod ang unang myembro ng The Birds upang talunin si Aeneas, but after several months, hindi na rin sila natagpuan... hanggang ngayon."

Lumapit siya sa isang statue at nilinisan ito.

"Do you know this guy?" Turo niya sa isang statue.

Umiling ako. Tanging ang Ama lang ni Seb ang namumukhaan ko sa kanilang lahat.

"This guy right here is Doctor Zeiki. He's the actual trainer at ang ama-amahan ng lahat ng members ng team. Kasama siya sa sampu na sumulong at nanguna siya sa pagpapabagsak kay Aeneas, pero siya rin ang unang bumagsak pagkatapos nilang ma-ambush sa gubat," saad niya at tumingin sa akin.

Seeing all the faces of the first Team, parang nabuhayan ako ng loob. They fought with vigor and strength, and I want to finish what they've started. Silang lahat ay nag-buwis ng buhay upang mapanatili ang katahimikan ng bawat tao dito sa East Creek. They are our true heroes and I will make them our inspiration to finish everything.

"Nanahimik po si Aeneas ng matagal rin na panahon, bakit po? Pano nangyari 'yun?" I asked him.

"Iyan din ang hindi namin alam, Ally. Ngayon lang ulit nagparamdam si Aeneas, that's why all the Doctors including Doctor Drech, decided to open the Gate 8 Lab again to find the next team," he answered at umupo siya sa ibinigay na upuan ng robot.

Tumango ako, kaya pala naging Senior sina Seb, Drake at Krishna dahil sila ang mga unang mutants na nakapasok rito.

"Pwede pa po ba akong bumalik rito?" I asked him again.

"I don't think so, masyadong ipinagbabawal na puntahan ang lugar na 'to lalo na sa mga mutants na kagaya niyo," tugon niya.

"One time lang po."

"No."

"Please?"

"No."

"Isa lang po talaga, hindi na ako babalik! Ever!"

Huminga siya ng malalim at mukhang na-realize niya na hindi ko talaga siya titigilan.

"All right."

Napatalon ako sa tuwa after kong marinig ang sinabi niya. Nagpaalam ako at bumalik na sa room namin.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon