Caged 35

829 34 9
                                    

Chapter 35

"How are you, Ally?"

Napatingin ako kay Doctor Sheldon na ngayon ay nakatingin sa pinaghalo niyang chemicals.

"Okay lang naman po. Medyo nahirapan lang po sa final assessment pero nabawi ko naman," I smiled at her saka ulit ginulo ang balahibo ni Morpheus.

Sobrang excited niya rin kanina ng makita ako na papasok dito sa lab nina Doctor Sheldon at Doctor Fooler.

"I am not really surprised about your success. Alam ko naman na makakapasok ka talaga, with that determination and skills, walang duda na makakapasok ka," mahabang litanya niya at tinalikuran ako.

Mukhang positive naman ang ibig sabihin niya. Nagtataka lang talaga ako kasi sobrang seryoso talaga ng mukha ni Doctor Sheldon na parang never pa siyang ngumiti sa tanang buhay niya.

Nahalata ko na talaga na parang kinakabahan siya dahil sa mabilis niyang paghinga.

"Ma-may problema po ba?" I asked her softly.

"Si Fooler, hindi parin nakakabalik hanggang ngayon," malumanay niyang sagot.

"Po? Bakit, saan po siya pumunta?"

"It was a long story. Mula pa noong nasa loob pa kayo ng portals, meron na talagang masamang nangyayari sa ibang bahagi ng East Creek. Lumusob nanaman kasi ang mga hukbo ni Aeneas. Marami ang namatay at nasaktan," aniya.

"Hindi po ba delikado? Bakit po si Doctor Fooler 'yung pinalabas? Bakit hindi nalang 'yung ibang doctor?" Nagtataka kong tanong.

Huminto si Doctor Sheldon matapos marinig ang sinabi ko. Dahan-dahan siyang humanap ng upuan at doon umupo. She heaved a sigh at ramdam ko talaga ang pagaalala at kaba sa dibdib niya.

"Sa totoo lang, ako talaga 'yung inutusan ni Doctor Drech tungkol sa mission na 'yun. But, knowing Fooler.. hinding-hindi niya talaga hahayaang sumabak ako sa mga delikadong mission kagaya ng mission niya ngayon," paliwanag niya.

"Ano po bang mission niya?"

"Kailangan niyang puntahan lahat ng mga pinuntahan ni Aeneas upang gamutin ang mga buhay pa at kaya pang gamutin. Kasama niya ang ibang doctor dito sa Gate 8 Lab pati na ang ibang guard. Pero, hindi parin iyon sapat para hindi ako magalala." Aniya at lumapit sa isang haligi.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang isang tali at tumambad sa amin ang isang napakalaking mapa ng East Creek. Merong mga marka ng ekis sa bawat lugar at mukhang iyon ang mga lugar na nilusob na ni Aeneas.

"Sa panahong ito, malamang naglalakbay na sila papunta sa silangan. Ito 'yung huling nilusob ni Aeneas at sana naman ay wala ng natirang mga kalaban doon. Wala pang nakakapunta ulit sa lugar na iyon dahil masyadong dilikado. Wala rin kaming lead kung saan ang susunod na pupunteryahin ni Aeneas," saad ni Doctor Sheldon.

Tiningnan ko ulit ang malaking mapa at binasa ang ibat-ibang bahagi ng East Creek. Ito pala ang hitsura nito sa malapitan. 'Yung nakita kong mapa sa libro maliit lang at limitado.

Malalaking pulang ekis ang nakalagay sa maliliit na bayan ng East Creek at karamihan dito ay patungong silangan.

"Mukhang ibang daan ang dinadaanan ng kasamahan ni Aeneas, Doctor Sheldon," ani ko ng mapansin ang bawat marka.

Agad na lumapit si Doctor Sheldon sa akin at tiningnan din ang mapa.

"Oo nga," aniya at inalis ang eyeglass-protector.

Pansin kasi ang pagbabago ng daan at marka sa bawat bayan. Merong isang bayan na hindi nilusob at may mga bayan na siyang inuuna. Nakakapag-taka lang.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon