Sing 2

484 19 4
                                    

Chapter 2

UNEDITED PO ITO!
BALAKAYOJAN

**

"Okay ka na?"

Bumaling ang tingin ko kay Rykee dahil sa tanong niya.

"Mukha ba akong hindi okay?" Pabalang na sagot ko.

"Sorry naman, hinimatay ka kasi. Tinatanong ko lang naman kung okay na pakiramdam mo," mahinang saad niya.

I rolled both of eyes at huminga ng malalim. I don't know what happened to me earlier. Basta na lamang sumakit ang ulo ko at agad akong nawalan ng malay. Di naman ako masyadong napagod sa paga-ani ng mga prutas kanina. Pero bakit ganoon? Bakit ako nawalan ng malay?

"Tapusin mo na 'yang kinakain mo, 'tsaka, magpahinga kanalang din muna."

Lumabas siya sa kwarto ko kaya mabilis akong napahiga sa kama. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kanina.

Dumako ang tingin ko sa lampshade at nakita ang patalim. Hindi ko alam kung anong koneksiyon ng patalim na yan sa akin pero bigla nalang may ala-alang pumasok sa isip ko na hindi ko alam kung nangyari ba talaga. Sinong nagbigay niyan sa akin? Bakit hindi ko siya maalala?

Mabilis akong bumangon at agad na inubos ang inihandang pagkain ni Rykee. Kahit kailan talaga parang prinsesa parin ang turing niya sa akin. Napangiti nalang ako at naglakad papunta sa bintana.

Nakita kong naglalakad ang ilang mga vendor na nagbebenta sa market na malapit dito, pati na rin ang mga bumibili na karamihan ay galing sa malalayong bukirin. Nasa-main road kasi itong bahay nina Doctor Fooler kaya dinadaanan talaga ng mga tao.

I was about to look away when a man caught my eyes. Napako ang tingin ko sa kanya, nakatayo siya sa ilalim ng isang mini-store na nasa kabilang bahagi ng daan.

"Heros," mahinang bulong ko.

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan at nakasalubong si Doctor Fooler.

"Ally! Saan ka nanaman pupunta?!" Malakas na sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at agad na binuksan ang pinto. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang mga dumadaan. Mabilis kong hinanap si Heros sa dagat ng mga taong ito pero hindi ko siya nakita.

Naglakad ako papunta doon sa mini-store sa tapat pero wala ng Heros na nakatayo.

Ang bilis niya naman 'ata? Tsaka, bakit siya narito? Gusto niya ba akong kausapin?

After a minute ay nawalan na ako ng pag-asa kaya minabuti ko nalang na bumalik. I was about to enter inside the house when a familiar voice called my name.

"Allystaire!"

I shifted my gaze and saw a girl wearing her best smile.

"Xing Che!" Malakas na sigaw ko at agad na tumakbo palapit sa kanya para yumakap.

"Nakaka-miss ka!" Sigaw niya habang yakap-yakap ako.

"Bakit ang tagal niyo?"

Agad siyang umayos ng tayo at may kinuha sa dala niyang bag.

"Para sayo," aniya at ibinigay ang isang makintab na hairclip.

"Ang ganda! Saan mo 'to binili?" Masiglang saad ko at agad itong kinuha sa kanya.

"Kaya kami natalagan dahil pumunta pa kami sa bayan ng Koryo, may binili kasi si Doctor Sheldon na gagamitin sa festival."

Tumango ako at ngumiti.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon