Caged 3

1.7K 142 98
                                    

Chapter 3

Malakas na alarm ang nagpagising sa aming lahat mula sa pagkakatulog.

The alarm was a signal for us to wake up.

I heared Xing Che cussed kaya napabangon ako at agad na bumaba mula sa hinigaan.

Taranta kaming lahat ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin at pumasok ang isang babae.

It was Doctor Barbara.

Agad na pumwesto ang boys sa gilid ng bed nila kaya gumaya nalang din kaming girls.

Nasa gitna namin si Doctor Barbara na nakakatakot ang tingin sa bawat-isa sa amin.

Nasa iisang kwarto kasi kaming lahat. Hiwalay ang babae sa lalaki at may daanan sa gitna. Pahaba ang kwarto namin at marami ang higaan.

Tinapik naman ni Atlas si Keller dahil inaantok pa ito.

"Okay listen up, I know na kulang pa ang tulog niyo at wala akong pakialam do'n. I need you to prepare yourselves dahil may gagawin kayong lahat ngayon. Dumeretso kayo agad sa changing room at pumunta sa AVR. Magmadali na kayo, naroon na ang ibang class," announce niya at agad na umalis.

"Haaaay! Ano ba 'yan! Hindi na nga ako naka-tulog ng maayos, tapos may gumising pa!" Reklamo agad ni Keller.

Tinawanan lang siya nina Jaime at binato ng unan. Agad kaming naghanda lahat para maka-punta sa changing room.

Wala naman akong idea kung ano ang changing room kaya sumunod nalang ako kina Xing Che at sa iba.

Nauna kaming Girls na pumasok. Tatlo ang kwarto dito sa changing room kaya pumasok ako sa gitna.

At first, it was all dark, peru gumana agad ang sensor at biglang umilaw. Maliit lang pala ang kwarto at pabilog din.

Maya-maya ay biglang tumunog ang machine sa gilid ko.

"Please come closer and fix your eyes to the sensor," sabi ng machine.

Lumapit agad ako at itinuon ang mata sa sensor. May ilaw na pula ang lumabas at nag-scan ng mata ko.

"Please remove all your clothes and step inside the circle," tunog nito ulit.

Pagkatapos ng pag-scan sa 'kin ay bumalik ako sa gitna. I removed all my clothes at inilagay sa lalagyan sa gilid. Biglang umikot ang tinatapakan ko pero mahina lang ito.

May lumabas na tubig sa itaas kaya nabigla lang ako. The temperature was good dahil sakto lang ito para sa 'kin. I was all naked kaya ok lang kahit mabasa lahat.

Pagkatapos ay may lumabas na maliit na machine hands para e-dry ang buhok ko at towel para sa katawan ko. May lumabas din na iilang clothes, ito ata ang ibibihis ko.

Pagkatapos ng lahat-lahat ay lumabas ako at sabay-sabay pa kaming tatlo.

"That was fun," sabi ni Mecca at humagikgik ng tawa.

Sabay kaming lumabas ng changing room at nagpaalam sa boys na mauuna nalang kaming pumunta sa AVR.

Nauna si Xing Che samin dahil wala kaming idea ni Mecca kung saan ang AVR. May nakaka-salubong kaming iilang mga Doctor peru parang hangin lang sila na hindi kami pinansin.

Iilang rooms din ang nadaanan namin at alam kong hindi pa namin ito napupuntahan. Sobrang lawak pala nitong Gate 8 Lab.

"We're here," sabi ni Xing Che.

Naka-sulat sa itaas ng pintuan ang malalaking letra na 'Audio Visual Room'.

Tinulak ni Xing Che ang malaking pintuan na lumikha ng malaking ingay. Tumingin lahat ng tao sa'min kaya nailang ako bigla.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon