Chapter 24: Hey Stephen...♥

Magsimula sa umpisa
                                    

(*o*)

Ang gwapo niya!!!

Nalaglag yung panga ko..

Haha.joke lang!

“Ikaw ba si Mich?”-tanong niya.

“Oo. Bakit?”-ako

“Ako nga pala si Stephen. Stephen Gonzales.”

“Ahh..”

“Pinapunta ako dito ni Miss Anie kase ikaw daw yung kapartner ko.”

“...ikaw daw yung kapartner ko.”

“...ikaw daw yung kapartner ko.”

“...ikaw daw yung kapartner ko.”

“...ikaw daw yung kapartner ko.”

“...ikaw daw yung kapartner ko.”

HAH???

Ano daw?!

AKO yung KAPARTNER NIYA??!

“Hoy!”-Sigaw niya

Nasa baba na pala siya.

“Kanina ka pa nakatulala diyan! Mag-iistart na po!”-Sigaw niya ulit.

“Ah..oo susunod na ko.”

Napansin kong umiling siya at napa-smirk. Tapos umalis na siya.

Bumaba na ko..

Teka...

Hindi ko madigest ang mga pangyayare..

HEY STEPHEN!”-sigaw ko

“Yes?”-lumingon siya

“Ikaw ba talaga yung kapartner ko???”-paninigurado ko.

“Yup!”-sagot niya

Kung siya nga, Ibig sabihin hindi si My Destiny?

(T___________T)

Nikki’s POV:

Pagkatapos naming maglunch, inaya niya ko sa Enchanted Kingdom. Mga 5 na din kami nakalayas dun, pumunta din kami sa sinehan at ngayon nandito kami sa tabing dagat...Nagdidinner.

“Say ‘A’”-ako tapos sinubuan ko si Mark

Dating gawi lang...parang walang nangyari...

Grabe, halos ikamatay ko na yung panloloko niya sakin pero heto ako, madali siyang napatawad at nawala lahat ng galit na parang bula.

Sadyang ganito lang siguro pag mahal na mahal mo ang isang tao...Kahit gaano pa kalaki ang ginawa niyang kasalanan sayo, handa mo parin siyang tanggapin at patawarin at kalimutan na yung kasalanan niya dahil ang mahalaga ay magkaayos kayo.

Pagkatapos kumain, naupo ako sa isang bench dun.

Sinundan naman ako ni Mark.

Di ko malaman ang nararamdaman ko ngayon.

Natutuwa ako at magkasama kami ngayon ,nagkaayos na kami, at naging masaya ang araw na to.

Pero nalulungkot parin ako dahil hanggang ngayon ko na lang siya makaksama, na pupunta na siya sa ibang lugar at higit sa lahat, hindi na siya babalik sakin kahit kelan kasi may pamilya na siya.

Bakit kase kailangang siya pa? Andaming iba diyan eh...

(O________O)

Lumuhod siya sa harap ko na parang magpropropose at take note, may singsing pa talaga.

When CRUSH becomes LOVE...♥ [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon