Chapter 34: Teardrops on my Guitar...♥

755 10 6
                                    

(January 9: Monday, 6:45 AM)

Mich's POV:

Pasukan na naman ...Ay di pala, last week pa pala pasukan, hindi lang ako pumasok kasi nilagnat ako, pero ngayon okay na ko.

Pero...

Balak ko sanang wag pumasok ngayon, kaso nagagalit si Mama eh.

Tinatamad kasi ako.

(=_______=)

Biruin mo, simulan daw ba ang bagong taaon ng pag-absent..sino di tatamarin don? hayy.

Dapat kasi holiday ngayon eh diba?

Nakakabanas lang.

(-____-)

Naglalakad ako sa hallway nang may mga nadidinig ako.

"Oy, ayan na."

"Ayy, siya ba yun?"

"Swerte naman niya."

Napapano ba mga tao dito?

Di ko na lang pinansin yun at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Hi Michiko." 

"Ahh, hello." 

"Wait lang. Di mo ba to nakikita?" 

"Alin?"

Tapos pinakita niya yung nasa likod niya.

(O____________O)

"Do you like it?"

"I'm speechless. (O_____O)"

Umakap ako sa kanya. 

"Bakit mo binandera yung mukha ko??!!!"sigaw ko sa kanya nang pabulong.

May nakasabit kasi sa gate na tarpaulin.

Ang nakalagay: Happy Birthday Mich! I love you from Stephen. (tapos picture ko)

Waaaaaaaaah! Nakakaasar! Kaya pala ko pinagtitinginan!

"Wala ka ng magagawa, umayos ka, may mga taong nanunuod."bulong din niya sakin.

Kumalas na ko sa akap ko sa kanya.

"hehe. Thank you Phen, I love you too. (^v^)"pagkukunwari ko.

Pero kung wala lang mga tao dito, kanina ko pa sinapok tong si Phen. 

Ibandera daw ba kase mukha ko! 

Birthday na birthday ko sinisira ang mood ko.

"Ayyyieee..."sabi ng ilang tao dun 

"Swerte naman niya, ako kaya magka-boyfriend ng ganun?! Ahihihi!" 

"Nakakainggit naman..." 

"Huh! Inagaw niya lang si Stephen ko eh.."

Nainis ako dun sa huli kong nadinig. 

Fan siguro ni Phen.

Nakuu! Hindi ko naman inaagaw si Phen ah! Inaangkin ko ba? Inaangkin ko ba? Hindi naman ah! Ipalamon ko sa kanya ng buong buo si Phen eh! Huh!

"Tara na Phen."aya ko kay Phen

At pumasok na kami sa loob.

"Oy, kelan mo yun tatanggalin?"tanong ng guard kay Phen. 

"Pagkatapos na lang po ng flag ceremony."sagot naman ni Phen

Bawal kasing maglagay ng ganun sa gate eh, unless ipinapakabit talaga ng President.

"Kasi eh. May nalalaman pa kasing ganon, manong batiin na lang ako."bulong ko. 

When CRUSH becomes LOVE...♥ [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon