Chapter 29

152 9 10
                                    

Desperation and Realization

In life, we are expected to make good choices. Oftentimes the choices we will be chosing should benefit everyone. Dapat madaming sasaya o dapat para sa ikakaunlad ng karamihan. Pero bakit ba ganoon? Bakit ba dapat palagi para sa ikakasaya ng karamihan? Bakit hindi sila gumawa ng desisyon na para sa sarili nila na hindi na dapat sila isipin ng iba? Bakit ganoon dapat palagi ang batayan sa paggagawa ng desisyon? Kailan ba tayo pwede magpaka selfish sa pagpili ng tamang desisyon? Kailan ba tayo pwede gumawa ng choice na para sa sarili natin? Kailan ba tayo pwede pumili ng desisyon na walang pwedeng sabihin ang ibang tao? Kailan ba tayo magiging tama? Paano ba nasasabi na mali?

"Ma mi-miss na naman kita, Cha! Isang linggo na naman kitang hindi makikita simula next week, " madramang tugon ni Janine. Nakahawak pa sya sa dibdib niya at kunyareng nagpapahid ng luha sa mga mata niya.

"Bisita ka na lang sa bahay namin, " natatawang sambit ko sa kanya.

"Talaga? Sige, pag-isipan ko! " sagot niya sa akin. Inayos ko na ang desk ko kasi out ko na at uuwi na 'ko.

"Baka pagbalik ko mag on na kayo ni Carlo ha? " pang-aasar ko at biglang bumulaga si Carlo sa harap namin galing sa likod ko.

"Narinig ko ata pangalan ko? " nakangising tugon niya.

"Tawag ka ni Janine, " sabay tinuro ko si Janine sa tabi ko. " Uwi na 'ko. Chiao!" pagpapaalam ko sa kanila.

Pagkatapos magligpit ng gamit sa locker lumabas na rin agad ako ng hotel. Simula ng sinusundo ako ni Keanu tuwing gabi nasanay na 'ko hindi nag bo-book ng Grab o pumapara ng taxi, kahit i-text si Mang Efren. Minsan nahuhuli siya ng ilang minuto dahil traffic pero wala pa rin naman siyang palya sa pagsundo sa akin.

Nakatayo lang ako sa labas habang hawak ang bag ko. Nagmumuni at tinitingnan ang bawat tao't sasakyan na dadaan. Sana malapit na si Keanu kasi medyo nagugutom na rin ako.

Pagkatapos ng ilang sandali narinig ko ang pag beep ng cellphone ko. Dali-dali ko itong binuksan at bumungad sa akin ang isang mensahe galing kay Keanu.

Keanu:
Sorry, I can't fetch you tonight.
Please take care.

Biglang bumagsak ang mga balikat ko ng mabasa ko mensahe galing sa kanya. Naiintindihan ko naman na hindi niya obligasyon ang sunduin ako palagi pero hindi ko lang rin mapigilan ang hindi makaramdam ng lungkot. Nasanay kasi ako sa pagsundo niya sa akin. Nasasanay na naman ako.

Ibinalik ko ang phone ko sa bag ko at bumuntong hininga. Nagsimula akong maglakad para makapara ng taxi. Habang naglalakad ako may nakakuha ng pansin ko sa 'di kalayuan.

"Si Keanu ba 'yon? " tanong ko sa sarili ko.
Pakiramdam ko si Keanu ang nakita kong papasok sa puting Civic sa hindi kalayuan. Kahit ang likod niya kilalang-kilala ko na. Bumilis ang tibok ng puso ko. Umilaw na ang headlights ng Civic, palatandaan na umaandar na ito at paalis na. Nagsimula akong maglakad ng mabilis.

"Keanu—wait. "

I was about to walk faster and closer to the car when suddenly I felt someone holding my arm.

"Saan ka pupunta? I'm here, " nilingon ko ang taong nakahawak sa braso ko and I felt more surprise ng makita kung sino ito.

"Dylan... Hi, anong ginagawa mo rito? " nabalot ako ng pagtataka at pagkalito. Napasulyap pa ako sa direksyon kung saan ko nakita ang puting Civic kanina pero wala na ito. Si Keanu ba talaga 'yon? O baka namamalikmata lang ako?

"I have a proposal for you, " sabi niya ng may malapad na ngiti sa mga labi niya. Pilit akong ngumiti sa kanya dulot ng naguguluhan pa rin ako. Bakit nandito si Dylan? Coincidence pa kung kailan hindi ako masusundo ni Keanu.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now