Chapter 25

145 11 3
                                    

Baby and Seeing Him Happy

Keanu:
Are you sure you're feeling okay?

You:
Aye, Aye Captain Happy!

Keanu:
You took a bath?

You:
Yes Happyyyy

Keanu:
Your hair is dry?

You:
Nag blow dry akooooo
It is dryyyyy

Keanu:
Good

You:
Of courseeeee

Keanu:
Do you really have to type that way?

You:
Anong wayyyyyyyy?

Keanu:
Ganyan
Pinapahaba mo ang dulo

You:
It's cute kayaaaaa
Imagine my voiceeee

Keanu:
It's not

You:
It issssss

Keanu:
It's not, stop it

You:
It is nga

Keanu:
Hindi kayaaaaaa

Hindi ko na napigilan ang hindi humagikhik habang hawak ang cellphone ko dahil sa takbo ng usapan namin ni Keanu sa chat. Mag a-alas dose na nang gabi at kakatapos ko lang maligo, magpatuyo ng buhok at nakahiga na rin ako sa kama. Hinatid ako ni Keanu hanggang sa loob ng bahay. Tumila na rin naman ang ulan ng nakauwi kami. Inaya siya ni Mommy na pumasok pero hindi na niya tinanggap ang offer gawa na rin nang basa nga siya at kailangan niya na rin umuwi.

Ang ulan na kasing lakas ng ulan na naranasan namin kanina ay nagpapatunay lang na katulad ng ulan, sa buhay ng tao may mga pagsubok na susubukan ang pasensya at lakas natin. Mawawalan tayo ng lakas ng loob sa una, manghihina sa kalagitnaan pero lagi natin tatandaan na katulad ng ulan titila rin, titigil rin ang mga pagsubok at malalampasan natin 'to, wag lang talaga tayo mawawalan ng pag-asa. A smile is the greatest sword we can carry in facing each challenges in our lives.

Keanu:
Hey

You:
Yes?

Keanu:
Goodnight

You:
Goodnight :D

"Anong oras ka na nakauwi kagabi, Cha?" tanong ni Aling Beday habang nag a-agahan kami.

"Gabi na nga po eh. Ang lakas kasi talaga ng ulan kagabi nahirapan kami ni Keanu makasakay ng jeep," sagot ko sabay subo sa kutsara kong may pagkain. Naramdaman ko ang saglit na tinginan ng Mommy ko at ni Aling Beday.

"Palagi ka ba sinusundo ni Keanu?" nakangising tanong ni Mommy habang nakataas ang kilay sa akin. Para talaga siyang si Ate Mara, magka dugtong ata kilay nila.

"Nililigawan ka ba niya Czarina?" dagdag pa ni Aling Beday dahilan kung bakit nasamid ako sa kinakain ko. Dali-dali kong inabot ang baso kong may tubig at huminga ng malalim ng makabawi.

"Nililigawan ka na ba 'nak?" gatong pa ni Mommy.

"Hindi mo naman kailangan masamid 'nak," natatawang tugon ng Mommy ko at sumangayon din si Aling Beday.

How To Be Happy?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang