Chapter 17

188 17 7
                                    

Bike and Jolly

Third Person's POV

5 years ago

"Nasaan na ba si Raiden?" naiinip na tanong ni Alon sa kaibigan na si Keanu. Kahit si Keanu ay mukhang naiinip na rin sa paghihintay sa kaibigan nilang si Raiden. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ni Alon na nakaparada sa labas ng isang kilalang university sa syudad.

"Tawagan mo kaya 'di ba? " masunget na saad ni Keanu sa kaibigan. Nakasandal ang siko sa bintana ng sasakyan, pinili na lamang ni Keanu ang tingnan ang mga estudyanteng nagsilabasan sa unibersidad.

"Ano? Wag mo sabihin na pati ikaw may natitipohan na rin dito. " pang-aasar ni Alon kay Keanu. Sa inis nilingon ni Keanu si Alon at binato ito ng ballpen na nasa bulsa ng uniform niya. Natatawang umilag naman si Alon at sinangga pa ang mga braso sa mukha niya. Umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang halakhak ni Alon at pagmumura ni Keanu sa kanya.

"Shut up, tirador ng high schooler eh. " nakangising sabi ni Keanu.

"4th year highschool na siya para lang alam mo!" Singhal ni Alon. Hindi na napigilan ni Keanu ang paghalakhak sa sinabi ng kaibigan.

"Bobo, highschool pa rin 'yon!" Natatawang asik ni Keanu kay Alon.

"Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng makipag coordinate sa university na 'to para sa mga events, presinta ng presinta naman si Raiden. Balak ata maging messenger ng gago-" natigilan si Alon sa sinasabi ng napansin na hindi kumikibo ang kaibigan na si Keanu sa kanya sa halip ito ay malayong nakatanaw sa labasan ng university.

"Malala na kayo. Madami naman magaganda sa university natin. " napangiwi na lamang si Alon sa kaibigan. Padabog na binuksan ni Alon ang pintuan ng sasakyan niya rason kung bakit nilingon ulet siya ni Keanu.

"Hoy saan ka pupunta?" Asik ni Keanu.

"Mag yo-yosi. " simpleng sagot ni Alon.

"Ikaw lang ata ang may lakas ng loob na mag yosi kahit may asthma. Kailan ka ba mamatay?"

"Para saan pa at naimbento ang nebulizer kung hindi gagamitin?" Malokong sagot ni Alon. Napangiwi na lamang si Keanu sa kaibigan pero bago pa maisara ni Alon ang pinto ng sasakyan niya bigla naman pumasok ang kaibigan nilang si Raiden sa backseat.

"Umiiwas pa rin. Tsk. " nanlulumong sabi ni Raiden sa mga kaibigan.

Bumalik si Alon sa loob ng sasakyan at pinaandar na ang engine.

"Sabi ko naman kasi sa'yo ang Blue at Green ay hindi pwedeng magtagpo. " simpleng saad ni Alon.

"Magtatagpo sila. " sagot naman ni Raiden.

"Saan naman?" Tanong ni Alon.

"Edi sa blue-green." Kasabay non ay ang paghalakhak ni Raiden gamit ang malalim niyang boses.

"Ang artistic mo talaga pre! Kaya hindi ako nagtaka bakit Masscom ang kinuha mo eh!" Humalakhak na sabi ni Alon. Hindi tulad ng dalawang kaibigan napangisi na lamang si Keanu.

"Kaya mo pala balak mag doctor eh 'no? Kasi mahilig ka sa bata!" Ganti ni Raiden kay Alon.

"Mga bugok. " nakangising bulong ni Alon sa mga kaibigan. Nabalot ang sasakyan ni Alon ng asaran at murahan nilang magkakaibigan.

Czarina's POV

(You can play the media above)

Hindi ko pa alam kung saan galing si Keanu o kung anong dahilan niya sa pag-alis sa bahay nila pero isang bagay lang ang sigurado ako ngayon at 'yon ay ang sabay raw kami umuwi. Nakasunod nga lang ako sa likod niya. Patungo kami sa kung saan niya ini-park ang sasakyan niya.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now