Chapter 9

187 26 20
                                    

New guy and Rain

"Good evening sir! How may I help you?"

"Good evening, Miss. Room reservation under John Felipe please. "

Isang nakakapagod na araw. Justifiable bakit madaming ayaw ng Monday. Nakaka-frustate lang yung bibigyan ka lang ng 2-day rest tapos five days ka na naman ma se-stress. Pero sino ba niloloko ko? Pinapa sweldo ako dito.

"This the key for your room sir. Room 619 is in the 6th floor. If you need anything else just tell us and enjoy your stay. " ngumiti ako ng malapad sa client na nasa harap ko. Ngiting kunyare hindi ko pa nagagamit buong araw. Pag talaga ang trabaho mo is to face different kind of people everyday dapat marunong ka rin umarte. I wish they taught us more about drama slash acting skills when we were in college.

"I like you. You're charming. " sabi ng client bago ngumiti at umalis para mag tungo sa elevator.

"Kaya pa? " tanong sa akin ng bellboy na si Carlo. Nag thumbs-up naman ako sa kanya. Si Carlo ata ang pinakamatagal ko ng kilala dito. Halos magkasunod lang kami nagsimula na mag trabaho sa hotel eh.

"Ano yun Mamshie? May tip ba?" biglang singit naman ni Janine sa akin. Siya ang papalit sa akin. Mag out na rin ako kasi malapit na mag alas otso.

"Sira! Bawal tayo tumanggap ng tip!" Asik ko naman sa kanya.

"Baka type ka non? Okay lang naman siguro sa'yo yung mga triple M 'di ba, Cha?" humagikhik na sabi ni Janine sa akin.

"Hindi yun 'no! Ang lawak mo mag-isip!" Pag depensa ko. Kung ano-ano na lang talaga napapansin nitong si Janine.

"Totoo naman, Cha. Madami talagang nag re-recommend sa'yo na clients kasi ang gaan mo daw kausap. 'Di tulad niyang si Janine. Nako! Tinatakot mga kliyente!" pang-aasar ni Carlo kay Janine.

"Anong tinatakot? Eh napaka cute ko Carlo!" Ayaw rin patalo 'tong si Janine eh. Pag talaga nagka gustuhan 'tong dalawang 'to.

"Anong meron?" Biglang tuwid agad ng tayo namin ng iniluwa ng lupa ang supervisor namin sa mismong harap namin.

"Wala po, Sir A. "

Si Sir A naman ang beki namin na supervisor. Nasa 30s na ata siya. Sir A short for Agustin. Masyado raw nakakalalaki ang pangalan niya kaya gusto niyang tawagin na lang naman siya ng Sir A.

"Nako! Pag kayong dalawa Carlo at Janine talaga nagkatuluyan sa araw-araw niyong bangayan. " pang i-intriga rin ni Sir A.

"Hala! Asa ka Carlo. " pag tanggi ni Janine. Nakakunot na ang noo ko at 'di ko alam kung matatawa ba ako sa kanilang dalawa.

"Sa'yo? Aasa ako? Mas umasa ka. " lalaban din 'tong si Carlo eh. Nagtawanan na kami ni Sir A dahil sa inaasal ng dalawa.

"Awat na. Mag trabaho kayo dahil pinapasweldo kayo. Janine! May mga itatanong ako sa'yo sa office. Sumama ka sa akin. Cha, mag out ka na lang pagkabalik ni Janine. " at naglakad na si Sir A palayo sa front desk.

"Sige, Cha. Alis na rin muna ako baka hinahanap din ako sa quarters. " pagpapaalam din ni Carlo sa akin.

Mag-isa na naman ako ulet sa pwesto ko. Nag-iintay kung may bagong kliyenteng papasok mula sa pinto. Alam kong hindi appropriate but I need to twist my neck a bit kasi nangangalay na. Hinawakan ko ang leeg ko at---

"Good evening. I'm here for my room reservation. " isang pamilyar na boses ang nag echo sa mga tenga ko. Agad akong napaangat ng tingin at nakita ang isang pamilyar na mukha.

"Dylan..." Bulong ko.

"It's Dylan Sanchez." Ngumiti siya sa akin. His usual smile.

Martes ng umaga papalabas pa lamang ako ng gate namin pero tanaw ko na ang Civic ni Keanu sa labas ng bahay namin. Mukhang totoo nga ang sinabi niyang "See you tomorrow" ha.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now