Chapter 21

156 14 7
                                    

Past and Present

Third Person's POV

4 years ago

Naglalakad si Czarina sa hallway ng nakatakip ang mukha gamit ang libro niya. Nakasuot pa ito ng kulay abong hoodie na nakatakip sa ulo niya. Taranta at mukhang may pinagtataguan dire-diretso lamang siya sa paglalakad habang nakayuko nang biglang nabunggo niya ang dibdib ng 'di niya kilalang tao dahil nakayuko nga siya.

"May pinagtataguan ka ba?" seryosong sabi ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Kinagat ni Czarina ang pang-ibaba niyang labi dahil sa kaba at dahan-dahang sinulyapan ang lalaking nasa harap niya. Nang magtama ang mga tingin nila walang ano-ano ay tumalikod agad si Czarina pero nahawakan siya ng lalaki sa kanyang pulsuhan at hinila pabalik.

Yaka-yakap pa rin ang mga libro, nalaglag na ang pagkakatakip ng hood ng suot niyang hoodie, magulo ang buhok, kagat labing umiwas ng tingin si Czarina sa taong nasa harap niya.

"Rins, tumingin ka sa akin. " hinawakan ng lalaki ang baba ni Czarina para mahuli ang mga tingin nito. Bumuntong hininga si Czarina at bumigay na sa pagmamatigas niya.

"Dylan, hindi kita iniiwasan. " seryosong sagot ni Czarina kay Dylan.

"Isang linggo ka ng hindi sumasagot sa tawag at texts ko. Hindi rin kita naaabutan sa mga klase mo. " nagsusumamong sabi ni Dylan kay Czarina.

"Gusto ko lang masanay. " ani Czarina at nabasag na ang kaninang matapang niyang boses.

"Masanay sa?" hinawakan ni Dylan ang magkabilang pisngi ni Czarina, walang pakialam sa kung sino man ang pwedeng makakita sa kanila.

"Masanay na mag-isa, masanay na wala ka na. " at tuluyan nang tumulo ang luha sa mga pisngi ni Czarina. Bumuntong hininga si Dylan at pinahiran ang mga luha sa pisngi ni Czarina.

Mag iisang linggo na rin ng ibinalita ni Dylan kay Czarina ang tungkol sa natanggap niyang scholarship sa ibang bansa. At simula nang araw na 'yon ay naging mailap na ang dalaga sa kanya.

"Napaka supportive ko sa'yo sa lahat ng bagay bukod sa mga kalokohan mo, Rins. Kahit ito lang please? Kahit ito lang?" Pagsusumamo ni Dylan kay Czarina. Hindi pa rin magkamayaw si Czarina sa pag-iyak.

"Okay. " nakayuko man pinilit niyang tumango-tango kay Dylan. Hindi nakuntento kaya't itinaas ni Dylan ang nakayukong mukha ni Czarina. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.

"Ngiti ka. " utos ni Dylan sa lumuluhang si Czarina. Humahagulgol man ay pinilit ni Czarina ang ngumiti. Tumawa si Dylan dahil sa nakakaawa pero nakakatawang mukha ni Czarina. Nang marinig ang tawa ni Dylan, otomatikong natawa rin si Czarina. Pinanggigilan ni Dylan ang mukha ni Czarina kaya't kunyare ay mas umiyak ito.

Kumalas si Dylan sa pagkakahawak sa mukha ni Czarina at hinila niya ito palapit sa kanya para sa isang yakap. Niyakap ni Dylan ang umiiyak na Czarina nang mahigpit. Kahit siya man ay nalulungkot dahil magkakalayo sila mas matimbang pa rin sa kanya ang matupad ang pangarap niya.

"Hindi mo na ba ako iiwasan?" tanong ni Dylan habang yakap pa rin si Czarina. Hindi sumagot si Czarina kaya't kumalas si Dylan sa pagkakayakap dito. "Iiwasan mo pa rin ako?" tanong ni Dylan sa namumulang si Czarina.

"Paano ako sasagot, hindi na nga ako makahinga sa yakap mo!" Singhal ni Czarina pero natawa lamang si Dylan. Hinawakan ulet niya ang mga pisngi ni Czarina, napangiti ito.

"Hindi mo na ba ako iiwasan?" tanong ulet ni Dylan. Tumitig sila sa mata ng isa't-isa.

"Hindi na. " sagot ni Czarina kay Dylan.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now