Chapter 24

144 14 6
                                    

You make me smile

(Listen to the chapter's ost char)

"Galing ka ng The Palms?"

"Yeah. "

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Keanu sa kahabaan ng Lacson street kung saan iba't-ibang klase ng establishment ang madadaanan mo, hotels, bars, food parks, restaurants, name it. Kakatapos lang din namin mag jollibee kasi raw gusto niyang kumain ng spaghetti. Naglalakad kami at nag-aabang ng masasakyan na jeep. Mag a-alas nuebe na rin kasi at hindi ko alam bakit wala na masiyadong sasakyan. Maraming tao ang nagtatayuan rin sa gilid ng kalsada at nag-aabang ng jeep.

"Anong ginawa mo don?" tanong ko kay Keanu. May parte sa akin na pakiramdam ko dapat akong lumayo kay Keanu kasi nakaporma siya at ito ako mukhang haggard sa uniform ko pang trabaho.

"It's Alon's birthday. " simpleng sagot niya sa akin.

"Uminom kayo?" hindi naman sa nang uusisa ako ah, curious lang din talaga ako.

"Just a bottle of beer kasi susunduin kita. "

Ako yung tipo ng tao na may isasagot sa lahat ng bagay na itatapon sa akin at gusto kong pagdudahan ang sarili ko kung bakit natatameme ako palagi sa simpleng hirit ni Keanu. Nananadya ba siya? Napapansin ba niya? Kung papaano ang simpleng mga ginagawa niya, mga salitang binibitawan niya o kahit ang pagkisap ng mga mata niya iba ang epekto sa akin. Nahihirapan ako palaging huminga.

"Bakit kaya wala masiyadong jeep? Kahit taxi wala rin, " sabi ko na lang para maiba ang usapan. May mga dumadaan naman na jeep kaso punuan galing pa sigurong northbound terminal yon.

"I think it's going to rain. " sinulyapan ko si Keanu at nakatingin siya sa kalangitan kaya natuon rin ang pansin ko sa kalangitan. Makulimlim at walang mga bituin, paulet-ulet rin ang malakas na ihip ng hangin.


"Feeling ko kung sa dulo tayo mag-aabang ng jeep makakasakay tayo. " sabi ko kay Keanu at walang pagdadalawang isip kong hinila ang kamay niya, nagpatianod naman siya sa paghila ko sa kanya.

Patuloy lang kami sa paglalakad ni Keanu, nadadaanan ang bawat streets light at mga pagod na taong nag aabang pa rin ng jeep.

"Bakit kasi 'di mo dala bike or sasakyan mo?" nakangusong sabi ko kay Keanu habang naglalakad kami.

"Kinidnap lang ako ni Alon sa labas ng bahay namin. Ayoko naman talaga pumunta," sagot niya sa akin at nagkamot sa dulo ng kilay niya.

"Paanong kinidnap, 'di ka naman na kid. " natatawang sabi ko sa kanya kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.

You're better than the best
I'm lucky just to linger in your light
Cooler than the flip side of my pillow that's right

"Hindi pa ba masakit paa mo?" he asked me at sinulyapan ang sapatos ko. I'm wearing a 3 inched heels kasi need sa trabaho.

"Medyo okay pa naman. " I answered him nang nakangiti pero seryoso niya lang akong tinitigan. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako, nasa harap na kami ng Sorriento at bigla niya akong hinila para tumawid.

"Saan tayo?" tanong ko sa kanya, medyo naasiwa sa mga tingin ng mga taong nadadaanan namin. Pumasok kami ng Mayfair Plaza at halos nagsisiligpit na ang mga nagtitinda.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now